Chapter 12

32 5 0
                                    

"Jena?" Kumatok siya ng dalawang beses sa pinto. "Gising ka pa ba?" Of course. It's freaking eight in the evening. Ano nanaman ang kailangan niya? "Pwede ba kitang makausap? Kahit sandali lang?"

Binuksan ko ang pinto. "About what? You want your payment? Wait for another week. My parents are gonna give me the company, and after that, you get your payment and you can live with your girlfriend again."

"Hindi yan ang gusto kong pag-usapan." Then what? I don't use him for other things kaya wala na siyang dapat pang itanong sa akin. "Pwedeng pumasok?"

"Heck no. Ano ka, sinuswerte? Just tell me what you want to tell me. I want to rest already so don't bother me after this."

"Sigurado kang hindi mo ako papapasukin? Mahaba 'tong gusto kong sabihin sa'yo. Magiging awkward ang sitwasyon kapag nandito lang ako at nakatayo sa harap mo." Gaano ba ka importante ang gusto niyang pag-usapan?

"Fine, come in." Pumasok siya at sinara ko ang pinto. "What do you want to talk about?"

Natigilan ako nang bigla niya akong yakapin, ng mahigpit. "I'm sorry.. Sa lahat ng ginawa ko sayo. Sa lahat ng sakit na ipinaramdam ko sayo. Hindi ko naman talaga gustong gawin yun sayo eh. Ayaw kitang saktan."

"Are you saying this because I didn't join you for dinner?"

"Hindi. Sinasabi ko 'to dahil kinokonsensya ako sa ginawa ko. Napilitan lang naman ako noon dahil baka kapag humindi ako kay Sage, baka masira ang pagkakaibigan namin. Ayokong mangyari yun."

"Kaya ginamit mo ako. At umalis ka at sinaktan mo ako nung namatay siya. Wala ka rin namang kaibigan so what's the point of keeping it going? Diba, wala?"

"Hindi ko ginustong matapos tayo sa ganong paraan pero sumabog ka na eh, at sobrang galit at malungkot din ako nung gabing yun. Namatay ang kaibigan ko at wala manlang akong alam sa sakit niya. Nilabas ko ang lahat ng galit ko sayo at sinaktan nga kita."

"Okay. Tapos na ba tayong mag story telling? Magpapahinga na ako."

"Patawarin mo ako, Jen. Wala naman sana sa plano yung sigawan ka nung gabing yun. Sinubukan ko namang hindi abutin doon ang sitwasyon natin eh. Patawad kung, muntik ka nang mapahamak dahil sa ginawa ko. Patawad kung wala ako sa tabi mo nung namatay si Sage. Patawad kung ni minsan hindi kita pinahalagahan."

"Why are you telling me this? Bakit, Tim? Bakit ngayon lang? Do you think several sorries can just take everything away? Can erase those memories I wish disappeared a long time ago?"

"Alam ko namang hindi madaling magpatawad. Pero, Jen, sana maniwala ka na hindi ko intensiyong saktan ka. Totoo ang pagmamahal mo sa akin at ako... Binaliwala ko lahat ng efforts mo. Deserve kong hindi patawarin. Pero nagmamakaawa ako sayo... Kung ano man ang nangyari noon, pwede bang kalimutan natin yun? Tutulungan kita."

"What can you do? Ako nga, hindi ko magawang kalimutan lahat ng iyon. Ikaw pa kaya? Ang mismong taong dahilan ng lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Hindi mo ako matutulungan, Tim."

"Then I'll do everything para makalimutan mo ang lahat ng yun. Papalitan ko ng mga magagandang alaala lahat ng mga masasamang alaalang gumugulo sayo. Gusto kong bumalik ka sa dati."

"Nakilala mo ang.. dating ako?"

"Kilalang kilala ko ang dating ikaw, Jen. Nabigla nga ako nung naging ganyan ka na. Hindi ka mata pobre noon. Matulungin ka at sobrang masayahin mo. Maintindihin ka din, dahil kahit ipinaparamdam ko na sayo na invisible ka, ni minsan hindi ka nagalit sa akin. Ibang iba ka noon eh. Pwede sana kitang magustuhan noon pero may nag mamay-ari na ng puso ko."

"A-Anong sinabi mo?" Tama ba yung narinig ko?

"Oo. Pwede sana,".... "Pero may iba na akong mahal eh. At kilala mo kung sino yun." Biglang bumalik ang nararamdaman ko sa kanya, at naramdaman ko ulit yung sakit nung sinabi niyang may iba siya mahal. Umasa ulit ako, pero sinampal naman ako ng realidad agad agad, bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Hindi 'to pwede. Ayokong mahulog ulit sa kanya... Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nangyari ang bagay na ito, ulit.

"Tim, tama na." Sabi ko sabay pikit ng mga mata ko, pagpipigil ko ng nga luha kong muntik nang tumulo. "I've heard enough. Stop."

"Jena seryoso ako. Gusto kong patawarin mo ako. Ayokong hindi tayo komportable sa isa't isa. Hindi ko hahayaang magalit ka nalang sa akin buong buhay mo. Kapag pinatawad mo na ako, pinapangako ko sayo.. magiging mabuti ako sayo. Mag umpisa tayo bilang magkaibigan, ulit?"

Hindi. Sisimula lang 'to bilang magkaibigan. Little did I know, gusto ko na ulit siya, at ayaw kong mangyari yun. Ayoko nang masaktan dahil sa kanya.

"Papahalagahan na kita. Papansinin kita kapag may sinasabi ka. Sasagutin ko ang mga tanong mo. Poprotektahan kita. Dadamayan kita kapag malungkot ka. I'll be there for you, this time."

Ito na ang kinatatakutan ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko...and I hate it! Hindi 'to pwede.. Nahuhulog ulit ako sa kanya. Nagugustuhan ko ulit ang lalaking, nanloko sa akin. I can't believe how dumb I am. Kailangan kong pigilan 'tong nararamdaman ko habang pwede pa.

"Jen? Pwede ba tayong maging magkaibigan?"

"Tim, just stop! Ayoko, okay?! Hindi mangyayari yan, ever." Kinuha ko ang check ko. "How much do you need? A hundred thousand? Two hundred?"

"H-ha?"

"Fine! I'll give you three hundred thousand pesos." Sumulat ako sa check at ibinigay iyon sa kanya. "There. Umalis ka na dito. Ipagamot mo si Tess.... Magsimula kayo ng bagong buhay... Anything! Just, just... Don't come back here. Don't show your face again to me. Umalis ka na dito. There's your money, my payment... Now please leave."

"T-teka. Akala ko ba next week pa dapat akong umalis? Bakit mo ako pinapaalis ngayon? Malaking halaga 'to, Jen."

"I don't care! All I want you to do right now, is leave! Don't ever come back and let me forget about this, about you! Umalis ka na please..."

"Bakit? Humingi lang naman ako ng tawad sayo."

"Just leave! Ayokong makita ka ulit!"

"Papaano yung kompanya niyo?"

"I can handle that. Just, just leave.. Tim please. I don't want you here anymore."

"Hindi ko magagawa yan."

"I told you to leave! Mahirap bang intindihin 'to?! Pera lang naman ang habol mo sa akin diba?! Oh ayan na! Ipagamot mo na siya. I'm tired of this pretending already. Go to your girl and be with her! You can go now."

"Jen, hindi kita maintindihan."

"Leave. Umalis ka na. Naiintindihan mo naman siguro yan diba? Simpleng bagay.."

"Bakit? Sabihin mo sa akin ang totoong rason. Sabihin mo kung bakit pinapaalis mo nalang ako bigla. May nasabi ba ako?" Oo. At dahil sa mga sinabi mo, unti unti nananaman kitang nagugustuhan.

"Wag ka nang magtanong. You got the money already. Now go back to your girlfriend and save her. Yan naman ang dahilan kung bakit ma lumapit sa akin diba? Now leave!"

"Hindi kita maintindihan." Hinatak ko siya palabas sa kwarto. "Jen, anong ginagawa mo?"

"Leave, and don't ever come back." Sinara ko ang pinto at humiga sa kama. "What is happening to me? I shouldn't be feeling this. I'm done with you already. Bakit ba kita nagugustuhan ulit? You broke my heart but why do I still love you?"

-end-







Help MeWhere stories live. Discover now