Chapter 9

30 3 0
                                    


"Uminom ka muna." Binigyan niya ko ng isang basong tubig. "Sigurado akong pagod ka. Magpahinga ka muna." Dinalhan niya ako ng kumot. "Umuulan ngayon sa labas. Gamitin mo 'to."

"What's up with you? I don't need a personal maid. I don't pay you for that."

"Tsk. Ginagawa ko lang ang dapat kong gawin as your fake boyfriend. Kailangan kong gawin 'to ng maayos para mapagamot ko si Tess."

"You are really working that hard for her. Kahit alam ko namang maghihiwalay din kayo, I wish you both have a happy relationship." I said sarcastically.

"Salamat. Magpahinga ka nalang jan. Magluluto ako ng soup sa kusina. Baka ginawin ka." Pumunta siya sa kusina.

"He doesn't have to pretend that he's my boyfriend when my parents are not around. Hindi siya nakakatuwa." Humiga ako sa sofa at kinumutan ang sarili ko. "Ahh... I really love it when it rains."

"Malapit nang maluto ang soup mo."

"What soup? I don't like noodles that much so give me something different."

"Mushroom Soup. Paborito mo." Yeah, like, three years ago..

"Hindi na ngayon. Nagsasawa na ako sa lasa niya. Palitan mo. I don't like it anymore."

"Hay, sayang naman kung itatapon ko lang lahat ng soup. Tiisin mo nalang. Masarap naman ang luto ko kaya wag ka nang mag-inarte."

"How dare you say that to me?"

"Oo na. Papalitan ko na. Ako nalang ang kakain nun. Salamat pala dahil nagluluto ako para sayo, noh?"

"Are you telling me I should thank you? I didn't order you to do such thing in the first place."

"Sungit."

Bumalik siya sa kusina. "He's working that hard? Is this even called pretending? Parang plastikan naman 'to. Doing something good in front of me pero alam ko namang ayaw niyang gawin 'to. I'm sure he's cursing me right now."

Bumalik siya dala ang isang bowl ng soup. "Ito na oh. Corn soup. Nagpatulong ako sa mga katulong mo." Nilapag niya sa mesa ang bowl. "Kain na."

"Bilhan mo ako ng beer sa labas."

"Beer? Umiinom ka ng beer? Bakit? Kailan pa?"

"Bumili ka nalang. Wala ka sa lugar para magtanong." Kumuha ako ng one thousand sa wallet. "Ito. Mga walo lang siguro."

"Walo?! Sigurado ka ba jan? Baka hindi mo makakaya?"

"Hindi mo ba ako naintindihan? Wala kang karapatang tanungin ako. Bumili ka nalang at bumalik ka kaagad." Lumabas siya. "Matamaan sana siya ng kidlat."

Kinain ko ang niluto niyang soup. Okay lang naman ang lasa. Hindi na ako magrereklamo. Hindi ko sinasabing masarap, tama lang.
.
.
.

"Ito na ang beer mo." Nilapag siya sa table ang isang plastic.  "Wag mong ubusin. Isa o dalawang bote lang."

"Pwede bang manahimik ka nalang jan?" Inabot ko sa kanya ang bowl. "Dalhin mo 'to sa kusina. Dalhan mo din ako ng tubig."

"Akala ko ba hindi ako maid? Bakit mo ako inuutusan?"

"Bawal ba? Ako naman ang nagbabayad sayo kaya sundin mo nalang ang utos ko." Kinuna niya ang bowl. "Mabuti." Binuksan ko ang isang bote. "Matagal tagal na din na hindi ako nakainom ah." I know myself better than anyone kaya sigurado akong hindi ako malalasing ng walong bote.

-end-

Help MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt