Chapter 3

26 4 0
                                    

"Um, siya po ang sinasabi kong b-boyfriend ko na nakakakilala sa inyo." Don't tell me she's that girl he wanted to court? "Ikaw lang naisipan niyang pwedeng lapitan... namin."

"Huh, ang kapal mo naman, Tim. Pagkatapos ng nangyari noon? Do you really think na tutulungan ko kayo? FYI, hindi ako naaawa sa inyo. It's because of your carelessness kaya nangyari ito sa inyo. I have nothing to do with any of this. Everything was your fault, not mine."

"Wow, hindi ka pa naawa sa sitwasyon namin? Halos mamatay na kami sa gutom dito. Wala kang puso?"

"Oh shut up, peasant. Ikaw 'tong iyak ng iyak kanina, desperate for my help, and now here you are talking as if you don't need my help."

"Sinabi mo din naman na hindi mo kami tutulungan diba? Edi hindi na ako magpapanggap na may respeto sayo."

Tsk. Bagay nga sila, mga peke. Kapag ito, pinatulan ko, hindi na 'to magsasalita ulit.

"Tess, wag mo nang kalabanin. Ako nang kakausap." Huh, what can he do? Hindi niya ako mapipilit. "Bantayan mo muna sina mama doon." Umalis ang babae at pinuntahan ang mga feeling ko magulang ni Tim.

"Ma'am, gusto niyo na po bang umalis? Baka kung anong gawin sa inyo ng lalaking yan." Sabi ng isang guard ko. But I think kaya ko na siya.

"Hindi. Kakausapin ko lang siya at pagkatapos non ay aalis na tayo sa lugar na 'to. Give us some privacy, please." Tumango sila at lumayo muna. "You have a minute."

"Isang minuto lang?"

"59 seconds. My time is more precious than your life so don't waste it."
....

"Humihingi ako ng tawad sayo dahil sa ginawa ko sayo noon. Sana napatawad mo na ako..." You wish.. "Jen, kakapalan ko na ang mukha ko. Ikaw lang kasi ang kilala kong maaaring makatulong sa amin. Lahat kami ngayon, kailangan ng tulong mo. Sina mama at papa, may sakit sila ngayon at hindi ko na alam kung kanino pa ako lalapit. Lahat na ng kakilala namin, pinuntahan ko na pero walang wala din sila ngayon. Naisipan kong humingi ng tulong sayo dahil kahit papano may..... may pinagsamahan din tayo."

"'May pinagsamahan'? Are you kidding me? Ganon ba ang tawag doon? Sinabi mong hindi mo ako mahal diba? Sinabi mo din na babalik ka dito sa lugar mo at ligawan ang 'girlfriend' mo na ngayon. I told you never to show your face again but here you are, asking for my help. Ang kapal."

"Wala na akong pwedeng lapitan."

"Kaya kinapalan mo ang mukha mo at humingi ng tulong sa taong niloko at pinaglaruan mo. How pathetic."

"Jena, kailangang kailangan namin ang tulong mo. Tawagin mo na akong pathetic o ano, tulungan mo lang kami."

"Brave of you to think na tutulungan ko kayo. I mean, I'm just twenty."

"Pero successful ka na ngayon. Mayaman na kayo pero yumaman ka pa lalo."

"So ngayon lalapitan mo ako at hihingi ng tulong dahil walang wala kayo ngayon at ako, marami akong pera? Sabihin nalang natin na pwede ko nga kayong tulungan. Kaso, may atraso ang isa sa inyo sa akin eh. Ako kasi noon, kailangan ko din ng tulong, ng kasama, dahil namatayan ako ng kuya, pero ang ginawa niya, sinaktan niya ako at umalis. Hindi din niya ako tinulungan. Tsk, karma lang 'to, Tim. Wala kang alam sa nangyari sa akin nung umalis ka nung gabing yun."

"Sorry..."

"Well, aalis na ako. May gagawin pa ako sa opisina." Nakayuko parin siya at kaawa awa ang itsura niya ngayon. Parang pulubi sa daan at sobrang payat niya ngayon. Malayo sa Tim noon. "Pero, hindi naman ako ganon ka sama." Kinuha ko ang wallet ko at inabot sa kanya ang sampung libong piso. "Pakainin mo ang mga kasama mo. Kapag busog na ang lahat, maglinis kayo."

"Binigyan mo ba talaga kami ng sampung libong piso?" Hindi naman ako kuripot. Pasalamat siya pinakitaan ko siya ng kabutihan. "May kapalit ba 'to?"

"Wala. Bakit naman ako hihingi ng kapalit? Sukli ko lang yan. Mauuna na ako. Ah, isa pa pala, pagsabihan mo yang girlfriend mo. Dinumihan niya ang carpet ko sa office dahil umiyak iyak pa. Best actress lang pala."

"Sige. Salamat, Jen. Malaking tulong na 'to sa amin."

"Just remember this. Sa oras na bumalik ulit kayo sa akin at humingi ulit ng tulong, I will never give you anything. Not even a cent."

"S-sige. Alam kong matutuwa ang mga kasama ko dahil sa tulong mong 'to Jen. Maraming salamat talaga dito."

"And another thing. Stop calling me Jen. I'm not your schoolmate anymore. Show some respect."

"M-ma'am. Salamat po ulit."

"Better."

-end-





Help MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon