Chapter 10

29 3 0
                                    


Tim's POV

"Para kay Tess... Kayanin mo nalang kasungitan niya. Mas importanteng mapagamot ko si Tess. Hindi siya pwedeng mawala."

Tinulungan ko ang mga katulong sa paghugas ng mga plato. Dahil sa kaartehan ni Jena, nahirapan pa sila. "Kuya, ikaw yung ex ni ma'am diba?"

"Oo nga. Naaalala kita. Ikaw na ba yan? Bakit parang pumayat ka yata? Wala na kaming balita sayo."

"Maayos na rin naman ngayon kami ng pamilya ko. Tinulungan kami ni Jena nung nagkasunog sa amin kaya kahit papaano, nakakain din kami."

"Talaga? Tinulungan kayo ni ma'am? Aba, himala yata yan. Simula kasi nung nagkasagutan kayo nung gabing yun, umiba ang awra niya. Parang, palagi na siyang galit ngayon at hindi na mabait."

"Ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Bakit siya nagkaganyan?"

"Edi malamang, sinaktan mo. Palagi ka niyang kinukwento sa amin noon. Walang tigil, araw araw. Kung bakit ka niya nagustuhan, kung ano ang feeling na maging boyfriend ang gusto niyang lalaki.. Nako, kung alam mo lang."

"Nung umalis po ako, ano po ang nangyari? May ginawa po ba siya?" Hindi ko na napigiliang itanong sa kanila. Sobrang curious ako kung bakit palagi niyang sinasabi na wala talaga akong alam sa nangyari sa kanya.

"Wag mong sabihin na kami ang nagsabi sayo ah. Malilintikan kami kay ma'am."

"Pangako. Gusto ko lang talagang malaman."

"Hay.. Nung gabing umalis ka kasi, iyak siya ng iyak sa kwarto niya. Hindi na siya kumakain o lumalabas. Ilang araw din yun. Wala kasi ang parents niya dito kaya kami nalang ang nagbabantay sa kanya noon. Gabi gabi, nakakarinig kami ng mga iyak at sigaw sa kwarto niya. Minsan nga may mga hinahagis pa siya tapos naririnig nalang namin na may nasisira na siyang mga bagay. Kung alam mo lang kung gaano siya nasaktan noon."

"Wala po naman talaga akong intensiyong manakit ng damdamin. Gusto ko lang hindi masira ang pagkakaibigan namin ni Sage."

"Nakwento nga niya sa amin na inutos lang lahat ni sir Sage. Pero may isang araw talaga na wala na kaming naririnig na kung ano sa kwarto niya. Akala nga namin nagising na sa katotohanan. Pinuntahan namin siya sa kwarto niya pero nakalock iyon. Kinabahan na kami. Baka kung ano pa ang gawin niya sa sarili niya."

"Ano pong ginagwa niya?"

"Hinanap namin ang susi sa kwarto niya. Nagulat nalang kami nang nakapatong siya sa nakapatong patong na libro at may lubid sa harap niya. Umiiyak siya pero luha lang ang lumalabas sa mga mata niyang namamaga na. Gulong gulo ang itsura niya at hindi mo malalaman agad na siya ang babaeng yun. Agad namin siyang binaba at inalis ang lubid sa kwarto niya. Hindi namin alam kung anong pumasok sa isip niya. Magpapakamatay siya ng dahil lang doon? Namatay na nga si sir Sage, magpapakamatay pa siya. Ay, ewan ko ba sa batang iyan."

"Buti nalang at nakarecover siya ngayon. Pagkatapos kasi ng araw na yun napagdesisyunan niya na tutukan ang pag-aaral niya. Gusto niyang maging mas successful pa sa parents niya. Doon na nag-umpisa ang pagiging salbahe niya. Umitim bigla ang awra niya at parang nawala na ang Jena na masayahin at palakwento. Secretive na siya ngayon at hindi na masyadong nagsasalita."

"Kaya pala.." Bigla kaming nakarinig ng basag na bote. "Ako na po." Pumunta ako sa sala at nakita ko siyang iniinom ang ika lima niyang bote. "Jena! Tama na yan. Lasing ka na."

"Hindi pa ako lasing. Ikalima ko palang 'to." Nagpatuloy siya sa paginom ng beer niya. "Umalis ka na."

Imbes na umalis ako, binuksan ko ang isang bote at uminom din. Uubusin ko lahat ng 'to bago pa siya malasing.

"Teka! Akin yan! Umalis ka nga dito!" Tinulak niya ako paalis sa sofa. "Akin na!" Pilit niyang kunin ang bote pero nakahiga lang naman siya. Ininom ko lahat ng iyon at binalik sa mesa. "May isa pa ako dito." Iinumin ulit sana niya ang beer pero kinuha ko iyon agad at ako na ang uminom. "Akin nga yan!"

"Tsk. Ako na ang uubos nito. Marami ka nang nainom. May office ka pa bukas diba?" Kinuha ko pinakahuling bote ng beer. "Tama na." Ininom ko iyon.

"Arrghh!! Akin nga yun eh! Bibili ako sa labas." Tatayo sana siya kaso bigla naman siyang natumba pabalik sa sofa at tulog na siguro?

"Lasing ka na nga." Tumabi ako sa kanya. "Naaawa ako sayo, Jen. Nagtangka ka pang magpakamatay, dahil nalaman mong niloko lang kita? Pero buti nalang at hindi mo tinuloy." Inalis ko ang mga buhok niya sa kanyang mukha. Natigilan ako. "Bakit... Ni minsan hindi kita napansin? May, itsura ka naman.. Maganda ka.. Pero bakit, ngayon ko lang nakikita?"

Hindi ko namalayang, lumalapit na ako sa mukha niya. Ang ganda ganda nga niya.. Kahit nakapikit..

"Anong ginagawa mo sa'kin, Jena?" Parang may tumutulak sa akin na ha-halikan siya. "J-jen?" Nakatingin lang ako sa mukha niya pero bakit parang may kung ano akong nararamdaman. "L-lasing na ba ako?" Bigla siyang gumalaw kaya napaatras ako.

"Hindi na.. kita... gus..to." Sabi niya nang nakapikit. Ako ba ang kinakausap niya? "Sinaktan mo... na...ako.. Tim.. Ayoko na..."

"Ha? Gising ba siya? Sinasadya mo ba 'to, Jen?" Hindi na siya nagsalita. "Hindi mo na pala ako gusto ah." Nilapit ko sa kanya ang mukha ko. "Hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa akin. Hindi ko gusto ang ginagawa mo sa akin."

"Hindi na sana... kita gustong... makita.. Ayokong... nakikita ka...."

"Ayaw mo akong makita? Bakit? Dahil sinaktan kita? Maiintindihan naman sana kita eh. Pero bakit kailangan mo pa akong insultuhin? Hindi ko ginustong saktan ka... I'm sorry."

"Masaya na ako... nung wala ka... sana.. hindi na kita... nakilala.."

"Bakit ako...nasasaktan? Hindi kita gusto, hindi kita mahal.. Pero bakit iba iba ang nararamdaman ko? Bakit iba iba ang mga ipinaparamdam mo sa akin? Anong ginagawa mo?"

Lumapit ako lalo sa kanya at hinalikan siya. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginawa..

Gumalaw siya pero hindi ko siya pinansin. "T-tim?" Tumingin ako sa kanya. "Anong... Anong ginagawa mo?!"

"Hinahalikan ka."

"A-ano?!" Hinawakan ko ang kanang pisngi niya at hinalikan ulit siya. "Tim!" Tinulak niya ako palayo. "What the- Are you insane?!"

"Hindi ko na alam."

"Hindi mo alam?! You just kissed me! Anong nangyari sayo, ha?!" Pinunasan niya ng braso niya ang labi niya. "You're nuts! Nakakadiri ka!"

Flashback.

"Happy first monthsary, my love! Biruin mo, isang bwan na pala tayo? Bilis diba?" Nakangiti niyang tanong. "Sana, magtagal pa tayo."

"Ah... Oo.."

"Uy, bakit parang hindi ka masaya? Monthsary natin ngayon. Hindi ka dapat nalulungkot." Bigla niya akong hinalikan. "Yan. I just passed a happy virus to you. Smile na?"

"Um.." Pinasan ko ang bibig ko gamit ang braso ko. Nakakadiri siya. "May pasok pa tayo diba? Tara na."

"Teka.. Bakit mo inalis? It was my first."

"Hayaan mo na. Tara na, baka malate pa tayo."

Talagang, ginawa pa niya ang ginawa ko noon? Naaalala pa pala niya. "It doesn't mean na nagpapanggap ka na boyfriend ko ay pwede mo na akong halikan kung kelan mo gusto. You think it's fine? You have a girlfriend, right? This is cheating." Tumayo siya at umakyat sa kwarto niya. "Kalimutan mo na nangyari 'to." Pumasok siya sa loob.

"Ah... Anong ginawa ko? May girlfriend ako. Hindi ko siya dapat hinalikan."

-end-


Help MeWhere stories live. Discover now