Chapter 8

21 3 0
                                    

"Good morining world! Good day, myself. Better get ready for work." Bumaba ako sa kama at lumabas sa kwarto. I usually eat breakfast first. "Gosh, I'm hung-"

"Jen?"

"Fvck." Bumalik agad ako sa kwarto. "Did he just see me looking like this?" Gulong gulo ang buhok ko at naka oversized shirt ako. "I look like one of those street people!"

Paano siya nakapasok dito? I didn't expect na dito siya sa bahay pupunta. I thought sa office na siya maghihintay. Ugh, I just embarrassed myself.

I decided to take a bath first. Hindi niya ako pwedeng makitang ganito. Baka kung ano pang isipin niya. Baka isipin pa niya na pareho lang pala ako ng Jena noon. No. I'm not.

Nagbihis ako at lumabas sa kwarto. "Who told you, you could just enter my house?" Tumayo siya at tumingin sa akin. "You didn't even tell me you're going here. I expected you at my office."

"Ma'am Jena, ito na po ang breakfast niyo." Tumingin si yaya sa kanya. "Ah, ma'am, pinapasok ko na po siya. Kanina pa kasi siya naghihintay sa labas."

"Pinapasok mo siya? Huh. And you didn't even ask me if I should let him in. Sino ba ang amo dito? Ako diba? Next time kapag may bisita, tanungin niyo muna ako kung papapasukin ko ba o hindi."

"Pasensiya na po. Hindi na po mauulit."

"Bumalik ka na sa kusina." Umupo ako at kumain ng breakfast. "Who does she think she is?"

"Ganon na ba ang turing mo sa kanila? Sa mga katulong niyo?" Tumingin ako sa kanya. "Umiba ka nga. Ang sama mo na."

"Will you shut up? Wala kang alam kaya manahimik ka nalang. Pwede ba yun? Ang aga-aga, sinisira mo ang araw ko." Inubos ko na ang pagkain ko at nagtoothbrush. And after, kinuha ko ang bag ko at lumabas sa bahay.

Pumasok ako sa sasakyan. Sa passenger's seat naman umupo si Tim. "Ano bang nangyari? Sabihin mo sa akin para maintindihan ko kung bakit ka naging ganyan."

"You don't want to hear it." Pinaandar ko ang sasakyan at nagdrive papunta sa office. "Nandoon sina mom at dad sa loob ngayon kaya gawin mo ang trabaho mo."

Sabay kaming lumabas sa sasakyan at pumasok sa office. "Jena! Oh, Timothy? Buti naman at nakapunta ka dito."

"Ah, magandang umaga po sa inyo." Bati niya.

"Buti naman at kayo pa ng anak namin." *Ehem* "Kung hindi, baka engaged na siya sa Amerikanong nakilala namin sa states."

"Um, mom, dad, let's not talk about this. May gagawin pa po ako, excuse me." Umupo ako sa table ko at tinapos ang mga kailangan tapusin.

"Okay, see you later. Love you anak." Lumabas sila ni dad sa office. Ganon lang ba ang pinunta nila dito?

"Hindi mo ba sinabi sa kanila?" Tumigil ako at tumingin sa kanya.

"Na ano? Na niloko mo lang ako? Hindi. Maganda ang image mo sa parents ko at gustong gusto ka nila. Kapag sinabi ko ang ginawa mo, sigurado akong mas lalo ka pang naghihirap ngayon. Doble, triple..."

"Dapat pala akong magpasalamat sayo. Dahil sayo ganito palang ang hirap na naranasan ko. Bakit hindi mo sinabi sa kanila? Nag-aalala ka sa akin?"

"Hindi. Nakalimutan ko nang sabihin sa kanila dahil busy ako sa pag-aaral ko. Bakit naman ako mag-aalala sa lalaking niloko ako, diba? That's stupid."

"Tama." Well, he agreed. "Pero nagawa mo pading tulungan ako."

"I'm not helping you. I was trying to save our company. The money I pay you is not called help. They're my payment for letting me use you. I'm not gonna give you anything kung wala ka namang pakinabang."

"Ano ba talaga ang nangyari?" Tumayo siya at lumapit sa akin. "Anong nangyari sayo, nung iniwan kita?"

"Wala ka na dun. And that's all in the past. Kalimutan mo nalang din ang mga masasayang araw na yun."

"Bakit masasaya lang ang kakalimutan ko? Hindi ba dapat, mga masasama ang dapat kong kalimutan?"

"Hindi. Para maalala mo ang kasalanan mo sa akin. Para maalala mo ang kahangalang ginawa mo. Para maalala mo na hindi ka mabuting tao."

"Ano na ba ang tingin mo sa akin ngayon?"

"Nothing. Garbage perhaps? But the reusable one."

"Bakit naman?"

"Kasi pagkatapos kitang itapon noon, nakita kita at ginamit ka ulit. Para naman may mabuti kang nagawa. That kind of garbage."

"Hanggang kailan?"

"Until I'm tired of seeing your face. I'll throw you back in the trash can where you really belong after. Sounds good?"

"At gagamitin mo ulit ako kung kailangan mo ako? Tama ba?"

"Correct. May halaga ka lang sa akin kapag may kailangan ako sayo. Pero kung wala naman, you're nothing but a trash. Basura."

"Talaga?"

"Oo. Yun din naman ang tingin mo sa akin diba? Lumalapit ka lang sa akin kung may kailangan ka. Tapos kapag nakuha mo na ang kailangan mo, we'll treat each other like we don't know each other again. And that's fine for me. At least hindi ko nakikita ang mukha mo araw araw. At least wala akong nakikitang dukha at squater tulad mo."

"Anong nangyari sayo? Bakit bigla ka nalang naging ganyan? Dahil lang ba sa gabing yun?"

"What else can you think of? You're right. It was because of that one night. At kapag naaalala ko ang gabing yun, naiinis ako sa sarili ko dahil nagmahal ako ng isang manloloko. I shouldn't have liked you. Kung pwede nga lang ako makabalik sa araw na tinanong mo ako kung pwede mo akong ligawan, siguro nilibing na kita ng buhay. You poor and shameless liar."

"Ganon ba kalaki ang galit mo sa akin? Tinawag mo na akong basura, manloloko, dukha, sinungaling.. Ganon mo ba ako kamahal noon?"

"More than you can imagine. I can't believe I cried, and almost did THAT because of you. Hangal na siguro ako kung tinuloy ko yun."

"Ang alin? Ano ang muntik mo nang gawin?"

"I don't want to talk about it. Buti nang hindi mo na alam."

"Bakit? Natatakot kang sabihin sa akin ang kalokohang ginawa mo dahil nalaman mong niloko lang kita? You we're so childish and immature that time. Sigurado akong may ginawa ka."

"How dare you call me immature?! You barely know me. You still don't know me."

"Makikilala din kita."

-end-


Help MeWhere stories live. Discover now