Chapter 1

54 3 0
                                    


Three months ago...

"Wow, ang gwapo talaga niya. Kahit simpleng lalaki lang siya, stand out siya sa lahat."

"Yeah.. He's so dreamy.."

Most of my classmates, schoolmates are inlove with him. He's not that rich, but he is popular with girls. Halos lahat ng mga lalaki naiiinggit sa kanya. Pero friendly naman siya, and he's friends with my older brother. Madalas nga siya sa bahay eh.

"Guys! Dadaan siya dito!! Bantay bantay na sa mga pinto!!" Sigaw ng president ng fans club niya. Heto naman kaming mga fan girls niya, nagsitipon sa pintuan at mga bintana. Nakatingin sa naglalakad na Timothy at nagdadaydream.

"SHHEEET ANG GWAPO!! MARRY ME!!" Yes. Ganito kami ka patay na patay sa kanya. "ANAKAN MO KO!!" Oo. Ganito nga.

Kapag break time naman nakabantay din kami sa kanya. Celebrity talaga siya sa school namin. Ang nag-iisang tanong lang namin ay kung sino ba ang nagugustuhan niyang babae. Sabi ng iba si Kylie, ang team captain ng cheerleading squad ng school. Sabi naman ng iba, si Joyce, ang president ng student council, pero ang pinakafeeling namin ay si Maritess, campus crush din siya. Palagi kasi namin siyang nahuhuli na nakatingin sa kanya at minsan tumatabi pa siya sa kanya. Theory lang naman yun. Baka hindi totoo.

"Jena! Tara, uwi na!" Sigaw ni kuya habang tumatakbo papunta sa sasakyan niya.

Tinapos ko na ang mga ginagawa kong projects at lumabas sa classroom namin. Wala din akong mga kaibigan dahil akala nila suplada ako. Parang kontrabida daw ang itsura ko. Talaga ba? Lumapit ako kay kuya.

"Ah, baka makalimutan ko. Sasama pala si crush mo sa atin. May group project kasi kaming dapat tapusin ngayon sa bahay."

"Si... Si Timothy?"

"Oo. Sino pa ba ang crush mo? Siya lang naman diba?"

"Wag mong sabihin ah! Hindi niya dapat malaman. Hindi pwede."

"Bahala ka. Sige na, pasok na. Dito na yun maya-maya. Makakatabi mo na siya at alam kong pangarap mo yun. Kaya don't regret na sinabi mo sa akin na gusto mo siya."

"Talaga? Wow..." Pumasok ako sa loob at nanlalamig na ang mga kamay ko dahil sa kaba. "Makakatabi ko siya?"

"Sage!" Hala, nandiyan na siya!! Anong gagawin ko?! "Pasensiya na pinaghintay pa kita."

"Ano ka ba? It's fine. By the way, si Jena pala, ang kapatid ko." KUYAA!!! ANONG SASABIHIN KO?! "Jen, labas ka nga muna?"

Aish. Di ko kaya. Binaba ko nalang ang bintana. "Uh, hi." Na lovestruck ako. I don't know what to say. Ang gwapo gwapo pa niya sa malapitan.

"Ah, ikaw pala ang palagi niyang kinukwento sa akin? Nice to meet you, Jena. I'm Timothy." Inabot niya sa akin ang kamay niya. Mahahawakan ko ang kamay niya?!

"Nice to meet you too." Dahil pangarap ko naman 'to, hinawakan ko ang kamay niya at kinamayan siya.

"Ang lamig ng kamay mo ah." Bumitaw agad ako. Nakakahiya! Ano ka ba Jena?!

"W-wala 'to. Cold blooded lang ako."

"Oh tama na yan. Tim, pumasok ka na sa loob dahil pupunta na tayo sa bahay." Tumango siya at binuksan ang pintuan ng sasakyan namin. "Feel comfortable okay?"

Buong byahe, nanlalamig lang ako. Totoo bang nangyayari 'to? Hindi naman siguro ako nananaginip? Katabi ko ang ultimate crush ko at nahawakan ko ang kamay niya! Big thanks to kuya..

Tumakbo agad ako sa kwarto pagdating namin sa bahay. I don't know what to do! Nandito siya, right now sa bahay. Nasa kabilang room lang siya! Gashhhh!

Nagbihis agad ako at tinapos lahat ng homeworks. Hindi ko alam pero ginaganahan ako ngayong mag-aral. Nasa kabila lang ang inspiration ko?? Wow!

"Jen?" Kinuha ko ang walkie-talkie ko. "Jen? Nanjan ka ba?"

"Kuya. Ano yun?" Ganito kasi kami mag-usap ni kuya. Tinatamad nang lumabas eh.

"Pwede mo bang kunin ang libro ko sa sala? Yung science."

"Ako pa talaga ang kukuha? Pero sige nalang." Binaba ko ang walkie talkie at bumaba sa sala. Nakita ko ang libro niya at dinala agad yun sa kwarto niya. "Ito oh."

"Thanks sis."

"May boyfriend na ba siya?" Wala. Apply, you want? Hired ka kaagad. "Pwedeng manligaw?" HANU DAW?!

"Straight forward talaga, Tim? Bakit? Trip mo ba 'tong kapatid ko?" Luh? Ano 'to?!

"Medyo." Medyo?... Hm.. Okay na yun! "So ano? Pwede ba akong manligaw sa kanya?"

"Ewan ko. Tanungin mo siya. Kung papayag si Jen, papayag din ako. Madali lang akong kausap kaya kung papayag siya, walang probelma sa akin."

"Pwede ba?" Tumingin siya sa akin at jusko, paano naman ako hihindi? Matagal ko na 'tong hinihiling!

"Bahala ka." ANO BANG KLASENG SAGOT YAN JENA?! SIGURADUHIN MO! SABIHIN MONG 'OO'! Pero nahihiya ako, ano ba 'to?

"Iisipin ko nalang na 'oo' ang sagot mo. Sage, manliligaw ako sa kapatid mo. Baka malaman mo nalang bigla na kami na." HINDI MAGANDANG BIRO YAN!

"Ewan ko sa inyo. Tapusin na natin 'tong project."

Eventually, sinagot ko nga siya. Galit sa akin ang ibang mga admirers niya at mas lalong walang lumalapit sa akin. Pero masaya naman akong naging boyfriend ko si Tim. Dream come true talaga.

Pero hindi ko maramdaman na girlfriend din ang tingin niya sa akin. At minsan, nahuhuli ko siyang nakatingin kay Maritess. Pero hindi ko nalang siya pinag-isipan ng kung ano. Ayokong masira ang relasyon namin. Mahal na mahal ko siya.

-end-



Help MeWhere stories live. Discover now