Chapter 2

138K 4.8K 993
                                    

Ang Dayo

Bagsak ang aking balikat pagbalik ko sa aming nayon. Matatagpuan iyon sa gitna ng bundok. Kung saan walang mga dayuhang taong taga patag ang nagpupunta dahil sa pagaakalang masasamang tao kami.

Ang aking ama ang namumuno sa nayon. Kilala ko siya kaya naman alam kong walang katotohanan ang mga ibinibintang sa amin. Lumalaban si ama para sa tama at hindi para makapanakit ng ibang tao.

"Castel! Saan ka nanaman nanggaling?" Salubong na tanong sa akin ng aking matalik na kaibigan na si Ducusin.

Imbes na sabihin sa kanya ang totoo ay maingat ko na lamang na itinago ang nakuha kong pangsundalong jacket sa aking likuran.

"Naglakad lakad lang ako sa gubat" sagot ko sa kanya pero nanliliit lamang ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Alam kong nagdududa siya kaya naman napakagat ako sa aking labi dahilan para kaagad ako nitong idinuro.

"Nagsisinungaling ka! Ganyang ganya ka pag naglilihim ka sa akin" akusa niya sa akin tukoy sa pagkakakagat ko sa aking pangibabang labi.

Napaawang ang aking bibig sa takot na pilitin pa niya akong magsalita kaya naman kaagad akong tumakbo at nilagpasan siya.

"Uuwi na muna ako!" Sigaw ko sa kanya ng hindi man lang siya nililingon.

Ilang beses pa akong tinawag ni Ducusin pero hindi ko na siya pinansin. Tawa lamang ako ng tawa habang mabilis na tumakbo palayo sa kanya. Ilang sugat sa paa ang natamo ko dahil sa aking nilakad na iyon pero hindi ko na iyon ininda pa. Sanay na ako na walang sapin sa paa pag nagtutungo sa kung saan.

"Chiky!" Tawag ko sa kulay dilaw na sisiw na aking alaga.

Nakasabit ang kulungang gawa sa kahoy nito malapit sa pinto ng aming bahay. Maingay siya sa tuwing may taong parating kaya naman tuwang tuwa ako sa kanya.

Pagkatapos ay nilapitan ko naman ang aking kulay abuhing kuneho na si Rafa. Kaagad ko siyang inabutan ng damo para kainin. Napatawa naman ako ng nagingay ang alaga kong baboy ramo na nakatali sa katabi puno ng alatires.

"Sus, nagselos naman kaagad itong sa tabbie" natatawang sabi ko tsaka ko siya kaagad na nilapitan para himasin. Dahil sa aking ginawa ay tumahimik siya.

Pagkatapos kong kamustahin ang aking mga alaga ay mabilis akong pumasok sa aming maliit na bahay na gawa lamang sa kawayan at mga dahon ng niyog na pinagtagpi tagpi. Ang aming bubuong ay gawa sa pawid. Halos lahat ng bahay ay gawa sa ganuong mga materyales.

Mabilis kong itinupi ang jacket na aking nakita at pagkatapos ay itinago iyon sa aking lumang baul sa ilalim ng aking kama. Sa tuwing may mga bagay ako na ayokong makita ni ama ay duon ko itinatago.

"Tadeo...Aziel Herrer" muli kong pagbasa sa nakaukit na pangalan sa jacket na iyon.

Nang masigurado ko ng nakatago iyon ay muli akong lumabas ng bahay ng nagsimulang magingay si Chiky. Tumakbo ako patungo sa labas ng aming bahay at duon ko nakita si ate wena na may dalang mangkok ng ulam.

"Para sayo ito castel" nakangiting abot niya sa akin ng mangkok ng sinabawang ulam.

Kaagad ko siyang nginitian at kinuha iyon. "Salamat po ate wena" sabi ko pa sa kanya.

Napatango ito. "Ibinilin ka sa akin ni pinuno" sabi pa niya kaya naman napatango na lamang ako.

Magdidisiotso na ako sa susunod na buwan. Pero kung ituring pa din ako ni ama ay para akong isang bata. Sa tuwing may laban sila ay ibinibilin niya ako kay ate wena. Hindi niya ako hinahayaan na magluto para sa aking sarili. Hindi ko pa naman daw kasi iyon kaya.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Where stories live. Discover now