Chapter 50

93.1K 3.7K 564
                                    

Hanggang sa muli








Tahimik kong ginamot ang sugat ni Aziel. Hindi ko naman naiwasang mailang dahil sa pagkakatitig nito sa akin. Sandali ko siyang sinamaan ng tingin.

"Wag ka ngang tumingin sa akin" masungit na suway ko sa kanya ngunit hindi ito natinag, seryoso pa din ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

Tumaas ang isang kilay nito. "Bakit, may batas ba na nagsasabi na bawal tumitig sa isang tao?" Laban niya sa akin kaya naman mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Sexual harassment yun!" Akusa ko sa kanya pero mas lalo lamang nagtaas ang kanyang kilay at napangisi pa.

"Tinitingnan pa lang kita, nababastusan ka na?. Mukhang ikaw ang may maduming isip hindi ako" pangaasar niya sa akin kaya naman sa sobrang inis ay hinampas ko siya sa kanyang braso.

Napadaing ito pero hindi ko siya pinansin. "Bahala ka diyan! Ang panget mo" inis na sabi ko pa.

Natawa na lamang ito, mukhang tuwang tuwa dahil sa nadinig. "Edi panget" nakangising pagsuko niya habang hindi pa din nawawala ang ngisinsa kanyang labi.

Inirapa ko na lamang siya habang nilalagyan ng benda ang kanyang sugat para tumigil ang malakas na pagdudugo. "Kailangan mo itong dalhin sa hospital ngayon din mismo" paalala ko sa kanya.

Hindi na lamang ito nagsalita, tahimik niyang hinintaynna matapos ako sa aking ginagawa. Nang maayos ko na iyon ay nagumpisa na akong magpaalam sa kanya.

"Tapos na, aalis na ak..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng kaagad niya akong hinigit sa aking bewang.

"Ano ba..." gulat na daing ko sa kanya.

Nakayakap ito sa akin habang nakaupo siya sa may kama habang ako naman ay nakatayo. Napaiwas na lamang ako ng tingin habang yakap yakap niya ang aking bewang.

"Why do we need to hide like this?" Mapait na tanong ni Aziel sa kawalan.

Hindi ako nakasagot kaagad, hinayaan ko siya magsalita. "What if, hindi ako isang sundalo, at hindi ka isang rebelde...siguradong may dalawang anak na tayo ngayon at buntis ka pa" natatawang sabi niya sa akin pero damang dama ko duon ang kanyang kalungkutan.

Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa nadinig. Ilang beses ko ding naisip ang mga what if's. Na sana kung sa ibang pagkakataon lang kami nagkakilala ni Aziel ay hindi magiging ganito kahirap para sa amin ang lahat.

"Kung hindi ka isang sundalo at hindi ako nakatira duon sa nayon, hindi tayo magkakilala ngayon..." laban ko sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita marahil ay napaisip din siya sa aking sinabi. "Kung nabuhay ka bilang si Hannaniel na apo ng dating presidente at anak ni lady henrietta, sigurado masungit ka din at maarte kagaya ng mga spoiled brat na mayaya..." hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang sinasabi ng kaagad ko siyang piningot sa tenga.

"Spoiled brat ka diyan, siraulo" suway ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa ni Aziel, pero hindi din nakaligtas sa akin ang garalgal ng kanyang boses. He's about to cry kaya naman kaagad kong ikinulong sa aking nga kamay ang magkabila niyang pisngi para paharapin siya sa akin. Duon ko nakitang namumula na ang kanyang mga mata.

"Bakit ka umiiyak, hindi naman umiiyak yung mga sundalo?" Suway ko sa kanya pero kahit ako ay nanlalabo na din ang aking mga mata.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa aking bewang. "Bakit pa tayo nagkita, kung hindi din naman tayo hanggang sa huli" punong puno ng hinanakit na sabi niya.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Where stories live. Discover now