Chapter 25

83.2K 3.4K 644
                                    

Jandi



Hindi ako mapakali pagkalabas ko sa Clinic ni Doc kenzo. Marami akong naiisip na pwedeng dahilan ngunit hindi ko alam kung ano sa mga iyon ang tunay na nagpapakaba sa akin, malakas ang pagtatambol sa aking dibdib dahul sa nararamdamang kaba. Marahil ay dahil kapatid siya ni Aziel, dahil sa masamang pakikitungo nito sa akin, o dahil sa babaeng pumasok sa kanyang clinic.

"Oh castel, ayos ko lang ba? Namumutla ka ah...para kang nakakita ng multo" puna sa akin ni rita ng makita niya ako sa pasilyo malapit sa lugar niya.

Sandali kong pinakalma ang aking sarili bago ko siya sinagot. "Ayos lang ako..." sagot ko sa kanya pero hindi pa din maalis ang tingin niya sa akin at ang nakataas niyang kilay.

Nang maglaon ay napabuntiong hinga na lamang din siya. "Nga pala, usap usapan sa baba na may gwapong Doctor daw dito ah" sabi niya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko.

"Talaga? Parang wala naman..." nakangusong sagot ko sa kanya.

Humaba ang nguso nito. "Basta balitaan mo ako pag nakita mo na. Doc Kenzo daw eh, medyo masungit sa mga nurse lalo na sa mga nagpapapansin sa kanya..." kwento pa niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

Napaiwas tuloy ako ng tingin kay Rita. "Nakita ko na" medyo mahinang sabi ko sa kanya kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata.

"Kamusta? Gwapo ba talaga?" Excited na tanong niya sa akin.

Humaba ang nguso ko. "Hindi naman ganuon ka gwapo, mas gwapo pa din si Aziel...matipuno, mabait at matapang" wala sa sariling sabi ko pa sa kanya habang nakatingin sa malayo.

Kaagad niyang pinitik ang kanyang daliri sa aking harapan kaya naman bigla akong parang bumalik sa aking wisyo. "Anong Aziel, sino naman iyon? Si Doc kenzo ang pinaguusapan natin dito" pagtataray niya sa akin.

Hindi na namin naituloy ni rita ang aming paguusap ng kaagad kaming sinaway ng aming head janitor. Kaagad kaming bumalik sa aming kanya kanyang puwesto.

Sa mahabang hallway na parte sa aking nakatokang lugar ay nakita ko ang mahabang helera ng mga pasyente na naghihintay sa labas ng isang clinic. Iba iba iyon, may mga bata, matatanda at mga buntis.

"Ay miss!" Tawag sa akin ng isang babae.

"Ano po iyon ma'm?" Tanong ko sa kanya.

Kaagad niyang itinuro sa akin ang basang sahig dahil sa natapong tubig. "Pasencya na, natapon ng anak ko" paghingi niya ng paumanhin.

"Wala po iyon" nakangiting sagot ko sa kanya.

Kaagad kong kinuha ang mop ko para punasan ang basang sahig. Pero sa gitna ng aking pagmomop ay kaagad na tumayo ang isang babaeng nakaupo malapit sa lugar na aking nililinis.

"Ano ba yan! Kanina mo pa tinatamaan yung paa ko ah! Ang dumi dumi niyang mop mo eh!" Singhal niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa gulat. "Pa...pasencya na po ma'm" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

Mabilis kong kinuha ang puting bimpo na nakasabit sa aking bewang at lumuhod sa kanyang harapan para punasan ang kanyang paa. Buong akala ko ay sapat na iyon para mawala ang kanyang galit pero mas lalo pa itong tumindi. Tinabig niya ang aking kamay gamit ang pagsipa niya sa akin kaya naman kaagad akong sumalampak sa sahig.

"Ang tanga tanga mo naman! Eh madumi din iyan eh!" Sigaw niya sa akin habang napapapadyak na dahil sa sobrang pagkainis.

Hindi ako nakagalaw mula sa aking pagkakasalampak sa may sahig. Hiyang hiya ako sa mga tao sa paligid dahil ang kanilang buong atensyon ay nasa aming dalawa. Napakagat na lamang ako sa aking labi dahil sa pagpipigil ng pagtulo ng aking mga luha.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Where stories live. Discover now