Epilogue

127K 4K 637
                                    

All yours







Mula sa isang mahabang pagkakatulog ay unti unti akong nagising. Ang kulay puting kisame ng hospital kaagad ang aking nakita. Malamig sa kwartong iyon, ramdam ko din ang ilang aparatong nakakabit sa aking katawan. Kahit ramdam na ramdam ko ang aking bugbog na katawan. Pinilit kong iginala ang aking paningin sa loob ng kwarto.

Tahimik. Hanggang sa nakita ko si Aziel sa gilid ng aking kama. Mahimbing na natutulog. Unti unting tumulo ang masasaganang luha mula sa aking mga mata. Akala ko ay hindi ko na ulit siya makikita pa. Malambing kong sinuklay ang kanyang buhok. Dahil sa aking ginawa ay unti unting nagising si Aziel.

Nanlaki ang kanyang mga mata at kaagad na napatayo. "Castel, teka at tatawag ako ng Doctor" natatarantang sabi niya sa akin. Kaagad ko siyang pinigilan.

Puno ng sugat at pasa ang mukha nito. Kita ko din ang pagod sa kanyang mukha. Malambing kong hinaplos ang kanyang pisngi. "Masyado mo atang pinapagod ang sarili mo, natutulog ka pa ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ang aking kamay at tsaka niya iyon dinama. "Dalawang linggo mo akong pinagalala" nanghihinang sabi niya sa akin.

Tipid akong napangiti. "Sorry, napasarap ang tulog ko" natatawang sabi ko sa kanya para sana pawiin kahit papaano ang pagaalala ni Aziel.

Imbes na sumagot ay hinalikan na lamang ako nito sa noo. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nawala ka sa akin Castellana" emosyonal na sabi pa niya sa akin.

"Alam mo namang kahit anong mangyari, babalik at babalik ako sayo Aziel" malambing na sabi ko pa sa kanya.

Mahigpit na lamang ako nitong niyakap. Ayoko mang ipakita sa kanya ang aking pagiyak ay hindi ko na naiwasan pang hindi maging emosyonal.

Ilang oras lamang ang lumipas ay dumating na sina Ma'm Maria at Sir Alec. May dala itong mga gamit at pagkain. "Thank God gising ka na Hija" nakangiting sabi sa akin ni Ma'm Maria. Lumapit pa ito sa akin at tsaka humalik sa aking pisngi.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Salamat po" sabi ko.

Napailing siya. "Wala kang dapat ipagpasalamat sa akin, ako pa nga ang may atraso sayo. Hindi naging maganda ang pagtanggap ko sayo" malungkot na sabi pa niya sa akin.

Napailing ako. "Naiintindihan ko po. Ang gusto lang naman po ng isang ina ay ang makakabuti para sa anak nila. Hindi ko po kayo masisisi kung hindi niyo ako natanggap kaagad. Hindi rin naman po kasi talaga ako naging mabuting tao" emosyonal na sabi ko pa sa kanya.

Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Ma'm Maria. "Naikwento na ni Piero ang lahat sa amin. Sinabi niya sa akin kung paanong gusto mo sanang iligtas si Sachi..." hindi na nito natuloy pa ang sasabihin niya dahil sa pagiyak.

Kaming dalawa lamang ang nasa loob ng kwarto. Sandali kasing nagpaalam sina sir Alec at Aziel para lumabas. Habang nakatingin ako kay Ma'm Maria ay kitang kita ko pa din ang sakit na nararamdaman nito dahil sa pagkawala ng kanyang anak.

"Kahit hindi sa akin nanggaling si Sachi. Mahal na mahal ko siya, mahal na mahal namin siya. Kaya hindi naging madali sa amin ang pagkawala niya" dugtong pa niya. Naiyak ako dahil sa kanyang sinabi.

Kahit nahihirapan ay niyakap ko na lamang si Ma'm Maria na kaagad naman niyang ginantihan. "Salamat Castellana, dahil sinubukan mo siyang iligtas. Pero hanggang duon na lamang siguro talaga siya" sabi pa niya sa akin.

Paulit ulit na humingi ng tawad si Ma'm Maria sa akin. Ilang beses ko mang sabihin sa kanya na hindi ako nagtanim ng kahit anong galit sa kanya ay hindi pa din siya napapagod na ipaalala sa akin na nagsisisi siya sa kanyang ginawa sa akin.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum