Chapter 37

81.5K 3.4K 1.5K
                                    

Bad Billionaire






Natahimik ako dahil sa sinabing iyon ni Olivia. Mas lalo itong naging emosyonal kaya naman maging si Doc kenzo ay napatayo para lumapit sa kanya. Kita ko namang ang pagbaling ni Aziel sa akin, nagpapasalamat ako dahil kahit konti ay hindi niya ipinakita sa akin na sinisisi niya ako, nanatiling malungkot ang kanyang mga mata. Nagiwas na lamang ako ng tingin pagkatapos nuon.

"Kailangang magbayad ng taong iyon, hindi ako makakapayag na hindi niya panagutan ang ginawa niya kay Miguel. He doesn't deserve this" patuloy na pagiyak ni Olivia.

"Jandi" biglang pagtawag sa akin ni doc kenzo kaya naman parang biglang tumalon ang puso ko dahil sa pinaghalong gulat at kaba.

Kaagad akong napatayo. "P...po?" Tanong ko sa kanya.

"Water for olivia, please" utos niya sa akin na kaagad ko namang sinunod.

Kumuha ako ng bottled water para ibigay iyon kay Olivia. Nagawa pa nitong magpasalamat sa akin pagkaabot ko sa kanya. Bumalik ako kaagad sa aking pwesto habang nakikinig sa kanila.

"You can help me with this Captain, Right?" Tanong na pagbaling niya kay Aziel.

Napaawang ang bibig ni Aziel. Dahan dahan niya akong nilingon. Bayolente akong napalunok ng makita ko ang kanyang nangungusap na mga mata. Para bang nahihingi siya sa akin ng permisyo tungkol dito. Sa huli ay muli na lamang akong nagiwas ng tingin sa kanya. Maging ako kasi ay hindi din alam kung paano sasagutin ni Aziel ang tanong ng kaibigan. Ngunit nasisigurado ko na kung ano man ang isagot ni Aziel ay bukal sa loob kong tatanggapin.

"Yeah...yes, ofcourse" parang hindi pa siguradong sagot biya dito.

"Thank you" sambit ni Olivia na mas lalo pang naging emosyonal, napataas ang isang kilay ko ng makita ko kung paano nito yakapin si Aziel. Kita ko ang pagaalinlangan kay Aziel pero wala na din siyang nagawa kundi ang hayaan ito.

Hindi nagtagal ay sabay sabay din silang tumayo. "Ihahatid ko na kayo" pagprepresinta ni Doc kenzo.

Napatayo din ako habang pinapanuod silang palabas na, pero ang atensyon at mata ni Aziel ay nasa akin. Sinundan ko sila ng tingin, maging si Doc kenzo ay nagpaalam sa akin na kaagad ko din namang tinanguan.

"Susunod ako" sabi ni Aziel na ikinagulat ko.

Napatigil naman si Doc kenzo. "Bakit ano pa bang gagawin mo dito?" Nagtatakang tanong niya.

Hindi kaagad sumagot si Aziel hanggang sa tumingin siya sa akin kaya naman si Doc kenzo ay nilingon din ako. Nang mukhang narealize na ni Doc kenzo ang gustong mangyari ni Aziel ay kaagad tumigas ang kanyang mukha.

"No, lumabas na tayo" giit niya dito at siya na mismo ang tumulak kay Aziel palabas ng kanyang Clinic.

Hindi nagtagal ay bumalik na din si Doc kenzo. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang paminsan minsang pagtingin nito sa akin, ramdam ko na may gusto siyang itanong sa akin ngunit hindi niya alam kung ano at paano niya ito itatanong sa akin.

"Ma...may problema po ba?" Ako na mismo ang nagtanong sa kanya ng mapansin ko nanaman ang paglingon niya sa akin, nakaramdam ako ng pagilang dahil dito kaya naman nagtanong na ako.

Nagulat pa siya dahil sa ginawa ko kaya naman napaayos pa siya ng upo. "Nothing...nothing, wala namang problema" magulong sagot pa niya sa akin na may kasama pang pagiling.

Napatango tango na lamang ako at muling itinuon ang aking buong atensyon sa aking ginagawa. Ngunit wala pang ilang minuto ay muli ng nagsalita si Doc Kenzo.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Where stories live. Discover now