Chapter 56

88.4K 3.4K 672
                                    

Hindi na ako Sundalo





Matagal na naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Titig na titig ako sa kanyang mga mata at ganuon din siya sa akin. Pilit kong inaalam kung nagsasabi pa siya ng totoo o niloloko niya lamang ako. Imbes na gumaan ang aking dibdib dahil sa nadinig ay mas lalo lamang iyong bumigat. Unti unting nagtubig ang aking mga mata.

"Wag mo na akong lokohin, wag mo ng dagdagan yung bigat ng nararamdaman ko. Unti unti ko ng natatanggap..." emosyonal na sabi ko pa sa kanya.

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Aziel. "Baby, where is this all coming from?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Wag mo akong tawaging baby, umalis ka na. Pabayaan mo na ako" muling pagtataboy ko sa kanya.

Tumigas ang mukha nito. "No, i'll stay here. Kung nasaan ang asawa ko duon ako" seryosong sabi niya sa akin. Punong puno ito ng paninindigan.

Muli ko siyang tiningnan ng masama. "Aziel, ok lang. Kung meron ka ng iba, wag ka ng magsinungaling pa para lang pagaanin ang loob ko. Makakaya kong kalimutan ka" seryosong sabi ko na din sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Naglapat ang kanyang mga labi, nakita ko din ang bahagyang pagtiim ng kanyang bagang. "Looks like it's easy for you to forget about me. But not in my part castellana, i'll talk to your parents, Formal kong hihingin ang kamay mo sa kanila" desididong sabi pa niya.

Bayolente akong napalunok, bumigat din maging ang aking paghinga. "And how about Marianna?" Tanong ko sa kanya.

Mas lalong nalukot ang mukha nito. "Paano mo nalaman ang tungkol kay Marianna? She is just my friend" giit niya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin, patuloy na iniisip ng mabuti ang mga sinabi ni Aziel. "Do you mean nagsisinungaling si..."

"Sino?" Medyo galit na tanong niya sa akin na para bang gagawin niya ang lahat para malaman ito.

Kaagad akong umiling. "Wala...wala" paguulit ko.

Kung tama nga ang hinala ko na gawa gawa lamang ni Piero ang lahat ng ito at ito ay pawang kasinungalingan lang hindi ko hahayaan na malamam ni Aziel ito. Hindi ako papayag na sa pangalawang pagkakataon ay magkakagalit silang magkapatid ng dahil lamang sa akin. Lalo na ng malaman ko kung gaano kaimportante si Sachi kay piero. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat.

"Come on, umuwinna tayo sa inyo para maipakilala mo na ako sa parents mo bilang asawa mo" pagtulak niya sa akin na tila mo ay excited siyang makita ang mga magulang ko.

Kaagad kong binawi ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak. Bahagya pa siyang nagulat pero inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa paglabas sa restaurant na iyon. Sumunod si Aziel sa akin hanggang sa aking sasakyan, hindi na siya nagabala pang magpaalam dahil siya na mismo ang nagimbitang papasukin ang sarili niya sa aking sasakyan.

Wala na akong nagawa pa kundi ang hayaan siya. Sa oras na maihatid ko na siya kay tito napoleon si tito na ang bahala sa kanya. Sa gitna ng byahe ay halos hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Dahan dahan din ang ginawa kong pagmamaneho dahil sa pagiging uneasy. Ramdam na ramdam ko kasi ang titig ni Aziel sa akin mula sa passenger seat.

"Kamusta ka dito?" Tanong niya sa akin.

"I'm good" maiksing sagot ko sa kanya pero hindi pa din ito tumigil.

"You change a lot, ang laki mo na" sabi pa niya at bahagyang natawa.

Sandali ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin pero ngumisi lamang ito sa akin. Sandali niyang nilibang ang kanyang sarili sa pagtingin tingin sa mga dinaraanan namin.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Where stories live. Discover now