Chapter 28

81.2K 3.5K 644
                                    

Mga Sundalo






Mabilis ding umalis si lily matapos niya akong pagsalitaan ng hindi mabuti at takutin. Mukhang hindi naman siya nangangamba na magkita kami ni Aziel dahil sa kanya na mismo nang galing na siguradong hindi ko gugustuhin na magkita kami dahil sobra sobra ang galit nito sa akin.

Nakasandal ako sa may poste habang nakatitig sa kawalan, hawak hawak ko ang mop na ginagamit ko at halos magmukha na akong estatwa duon.

"Jandi!" Pagtawag ni Doc kenzo sa akin na may kasamang pag tapik kaya naman kaagad akong umayos ng pagkakatayo.

"Do...doc kenzo kanina pa po ba kayo diyan?" Gulat na tanong ko sa kanya pero nginisian lamang ako nito.

"May problema ba? Ice cream tayo?" Tanong at pagyaya niya sa akin.

Alanganin ko siyang nginitian, napakamot na lamang din ako sa aking batok dahil sa hiyang nararamdaman. "Ayos lang po ako Doc kenzo, wala po ito" sagot ko sa kanya.

Pero sandali pa niya akong tinitigan hanggang sa napatango na lamang siya. Hahakbang na sana siya paalis ng muli siyang humarap sa akin.

"Mawawala nga pala ako ng tatlong araw, magkakaroon kami ng Convention sa Cebu" sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

"Bakit niyo po sinasabi sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Dahil sa tanong ko ay nanlaki ang mga mata nito na para bang nagising siya sa katotohanang hindi naman niya kailangang magpaalam sa akin. Pero sa huli ay nakabawi din siya, tumaas nanaman ang isang kilay nito dahilan kung bakit nagmukha nanaman siyang masungit.

"Gusto ko lang sabihin, bakit ba?" Masungit na sabi niya sabay irap sa akin.Naiwan akong nakatunganga duon hindi din alam ang gagawin.

Pagkatapos ng aking trabaho ay naisipan namin ni Ducusin na pumasok sa isang mall. Iyon ang unang beses naming makakapasok sa ganuong gusali. Ilang araw ko na ding itinatanong kay Rita kung ano ang nasa loob nuon. Nagdalawang isip pa kami ni Ducusin kung tutuloy kami o hindi dahil baka hindi pwedeng pumasok duon ang kung sino lang na tao.

Robinsons Galleria

Kaagad na nanlaki ang mga mata namin ni Ducusin. Manghang mangha kami sa laki at ganda ng loob nuon.

"Dapat pala nagdala tayo ng panlamig ang lamig dito" sabi sa akin ni Ducusin na kaagad ko din namang sinangayunan.

"Ang ganda din, pwede ba talaga tayo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Hinampas nito ang aking braso. "Oo naman, pinapasok na nga tayo ng guard eh" sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi.

Halos sumakit ang aming mga paa kakalibot sa loob. Sobra din kaming namangha sa mga magagandang damit, maging ang mga mamahaling kainan.

"Hay sa susunod na sahod, bumili naman tayo ng damit o kaya kumain" nakangusong sabi ni Ducusin sa akin.

Excited akong tumango sa kanya. "Gusto ko din ng doll shoes, kagaya nunt kay rita may ribbon sa taas" parang kinikilig pang kwento ko kay ducusin.

"Ako bibili ako ng bagong damit" bato niya din sa akin.

Bago lumbas ay nakabili pa kami ng Ice cream. "Gusto ko na talaga dito sa syudad" sabi sa akin ni ducusin habang naghihintay kami ng masasakyan. Sabado bukas kaya naman dalawang araw kaming walang pasok.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon