Chapter 53

79.7K 3.3K 758
                                    

Captain Tadeo's Pov



Bilang sa daliri kung ilang beses lamang akong umiyak sa buong buhay ko. Ni hindi ako nakakaramdam ng takot o kaba sa tuwing sasabak ako sa mga laban. Wala akong kinatatakutan, hindi ako natatakot sa isiping baka hindi na ako makabalik pa sa amin pagkatapos ng aking bawat laban. I don't have anything to lose. Kung mamamatay man ako, my parents will still have my brothers. Cairo, Kenzo and Piero can fill my lost if things might get out of control.

Hinahangin ang aking may kahabaan ng buhok dahil sa mabilis na pagikot ng rotor blade ng helicopter na sinasakyan ni Castel. Ngayon na lamang ako ulit umiyak ng sobra matapos ang nangyari sa aking kapatid na si Sachi. Kagaya ko ay umiiyak din ito habang nakatanaw sa akin.

I don't want her to go. I can't afford to let her go, i love her. And hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa oras na mawala na siya.

Narinig ko ang mga sigaw ng mga sundalong sumunod sa akin dito, kaagad silang pumorma para patamaan ang helicopter na sinasakyan ni Castel. "Hold your fire!" Sigaw na utos ko sa kanila.

Puminta ang pagtataka sa mukha ng aking mga kasama. Hindi sila makapaniwala sa aking inuutos sa kanila. "Pero Captain..." sabat pa ng isa.

"Captains order" madiing sabi ko sa kanya kaya naman isa isa nilang ibinaba ang kanilang hawak na mga baril.

Alam kong sa mga oras na iyon ay paglumingon ako sa kalangitan ay hindi ko na matatanaw ang helicopter, masyado na siyang malayo sa akin. Wala na akong magagawa pa para pabalikin siya dito. I still want to hug her tight, gusto kong sabihin sa kanya na maghihintay ako kahit gaano pa katagal.

Pagkalipas ng ilang araw ay bumalik sa ayos ang buong bansa. Naitalagang bagong presidente si dating Senator Santi Gatchalian. Nagtagumpay sina Castel at ang nga rebelde sa kanilang plano, nailayo nila ang buong bansa sa masamang balak ni Anton Gomez.

Simula ng nangyari ang lahat ng iyon ay hindi pa ako umuuwi sa aming bahay. Nanatili ako sa aking Condo sa may pasay, nagkulong, ni ang aking cellphone ay hindi ko hinawakan. Nagulat na lamang ako isang umaga ng may mga sundalo at pulis na sa labas ng aking unit.

Isang heneral ang kaagad na bumungad sa akin, sumaludo pa muna ito bago niya sinabi sa akin ang kanyang sadya. "Captain Tadeo herrer, iniimbitahan ka namin sa kampo para ipagtanggol ang iyong sarili" bungad niya sa akin. Hindi naman na ako nagulat pa ngunit nagawa ko pa ding magtanong sa kanya.

"Para po saan Heneral?" Magalang pa ding tanong ko dito.

"Marami ang tumestigo laban sayo" sabi na lamang niya sa akin kaya naman walang sabi sabi akong sumama sa kanila. Nagsuot na lamang ako ng kulay itim na jacket.

Lumapit ang isang pulis sa akin na may dalang posas, balak sana niya iyong ilagay sa akin ng pigilan siya ng heneral. "Hindi na iyan kailangan" sabi niya sa pulis kaya naman kaagad itong humingi ng paumanhin.

Nasa amin ang lahat ng mata ng bawat tao sa lobby. May ilang media na din ang naghihintay sa amin sa labas ng hotel. Hindi pumayag ang heneral na sumagot ako sa kahit anong itatanong sa akin kaya naman mabilis akong pinasakay sa military car. Wala akong imik habang nasa byahe, alam ko na kung saan ito patungo.

Maging sa kampo ay iba na ang tingin sa akin ng aking mga kasama. Kahit pa sumasaludo pa din sa akin ang iba bilang respeto ay kita ko sa kanilang mga mata na nagdududa na din sila sa akin.

Idiniretso ako sa opisina ng lahat ng heneral ng militar. Sa gitna ay pinaupo nila ako at duon sinimulan ang mga tanong. Ilang kasama ko din ang nagdiin sa akin na kakampi ako ng mga rebelde at hinayaan kong makatakas sila. Muli ay hindi ako nagsalita, hindi ako umamin ngunit hindi din naman ako tumanggi.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Where stories live. Discover now