Chapter 10

88.2K 4.1K 697
                                    

Selos





Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi at inalok sa akin ni lily. Para akong biglang nabato sa aking kinatatayuan. Ang lahat ng iyon ay parang isang malaking pasabog sa akin. Dahil sa aking pagkabila ay nakangisi siyang nakatingin sa akin, mukhang naghihintay ng aking isasagot sa kanya.

"Paano mo nalaman, kilala ko ba ang aking ina?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Gusto ko siyang pilitin, gusto kong ibunyag na niya sa akin ang lahat pero alam kong hindi magiging madali iyon, alam kong may malaking kapalit ito. Siguradong hindi gagawing madali ni lily ang lahat para sa akin.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Kilalang kilala, madami ang nakakakilala sa kanya Castel, ikaw na sarili niyang anak na lamang ang hindi" mapanuyang sabi niya sa akin at nangaasar pa.

Hindi ko naiwasang hindi maging emosyonal. Unti unti kong naramdaman ang panunubig ng aking mga mata. Ang aking labi ay nanginginig na din dahil sa pinipigilang pagiyak.

"Nakakainggit noh, kilala siya ng ibang tao. Pero ikaw hindi, hindi mo talaga makukuha ang lahat...may mga bagay na mas lamang ka, pero sadyang may kulang" sabi pa niya sa akin na mas lalong nagpapabigat ng aking dibdib.

Napangisi si Lily ng makita niyang naluha na ako. Halata namang iyon ang gusto niya, ang tuluyan akong maiyak dahil sa pangungulila ko sa aking ina.

"Bakit mo ba ginagawa ito? Akala pa naman namin mabait ka! Hindi pala" akusa ko pa sa kanya.

Lalo lamang siyang napangisi. "Mabait ako sa mabait sa akin castel, totoong mahal ko ang mga bata dito sa nayon. Nagsumikap akong makapagaral para matulungan sila" paguumpisa niya.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Diretso ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin. Naikuyom ko ang aking magkabilang kamao habang patuloy siyang lumalapit sa akin.

"Wala naman akong ginawang masama sa iyo" giit ko sa kanya.

"Akala mo lang iyon castel, akala mo lang iyon" umiiling iling na sabi pa niya sa akin.

"Ikaw lang siguro, pero ang ibang mga taga nayon ay walang problema sa akin" sabi ko pa sa kanya. Ngayon lang naman talaga nangyari ito, simula ng dumating siya dito sa nayon.

Muli niya akong nginisian. "Tinanong mo ba sila castel? O sadyang wala ka lang talagang pakialam sa sinasabi at nararamdaman nila dahil sarili mo lang ang iniisip mo" panlalait pa niya sa akin.

"Sige nga, tulad ng ano? Wala akong ginawang hindi maganda dito sa nayon. Mahal ko ang mga tao dito" laban ko pa din sa kanila.

Bumaba ang tingin niya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Subukan mong makiramdam castel, makiramdam ka" suwestyon pa niya sa akin tsaka niya hinawakan ang aking balikat.

Mabilis ko iyong inalis mula sa pagkakahawak niya, hindi naman siya natinag. "Kami ni Aziel, nagkakaintindiha kami. Pero dahil sayo..." hindi niya magawang ituloy ang kanyang sasabihin.

"Dahil sa akin ano?" Mapanghamon kong tanong sa kanya pero kumunot ang kanyang noo.

Nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "May gusto ka ba kay Aziel?" Tanong niya pa sa akin.

Nabigla ako dahil duon, gusto kong sumagot kaagad ng wala, wala akong gusto kay Aziel pero kahit anong pilit kong maglabas ng kahit isang salita sa aking bibig ay hindi ko magawa.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Where stories live. Discover now