Chapter 40

89.2K 3.5K 547
                                    

Ang kubo at ang papag





Mabilis na tinanggap ni Aziel ang aking pagyakap sa kanya. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin ng magsimula na akong humikbi. Halos malukot ang likod ng unipormeng suot nito dahil sa pagkakahawak ko sa kanya.

Marahan akong bahagyang inilayo ni Aziel sa kanya para ako ay harapin. Kaagad niyang ikinulong ang aking magkabilang pisngi ng kanyang mga kamay. Ang kanyang hinlalaki ay marahang pinupunasan ang aking mga luha.

"Bakit anong problema?" Mahinahon ngunit may diing tanong nito sa akin na para bang aaksyunan niya kaagad kung ano man ang isusumbong ko sa kanya.

Halos manlabo ang tingin ko sa kanya dahil sa mga luha sa aking mata. Hindi ko din nagawa pang magsalita dahil sa aking pagiyak. Titig na titig ito sa akin habang patuloy pa ding iniisip kung ano ang problema. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo na naghihintay pa din ng sagot mula sa akin.

"Castel..." malambing na tawag niya sa aking pangalan, para sana pagsalitain.

Hindi pa bumubuka ang aking mga labi ng kaagad na nagkagulo ang mga sundalo. Kaagad naghari ang sunod sunod na putukan.

"Mga rebelde!" Sigaw ng isa sa kanila.

Mabilis na humugot ng baril si Aziel mula sa kanyang tagiliran at tsaka niya ako hinila palayo duon. Nagulat ako sa nangyari kaya naman nagpahila na lamang ako sa kanya papasok sa may kampo. Sandali kong nilingon ang barilan. Ang sinasabing rebelde ng sundalo ay ang mga tauhan ni Tito napoleon. Napaawang ang aking bibig, napaisip ako. Bakit sila nagpaputok? Ibig bang sabihin nuon ay totoong ipapapatay niya ako sa oras na sabihin ko sa militar ang lahat ng alam ko?.

Dinala ako ni Aziel sa isang ligtas na lugar. "Stay here, umupo ka lang. Wag na wag kang tatayo hangga't hindi ako bumabalik" giit niyang utos sa akin kaya naman nakanganga lamang ako sa kanya.

"Babalik ako" paalam niya at tangkang iiwan na ako ng mabilis ko siyang hinawakan sa kanyang braso.

"Wag mo akong iwan..." natatakot na pakiusap ko sa kanya.

Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. Ngunit hindi din iyon nangtagal, dahil kitang kita sa kanyang mukha ang tapang, na para bang wala itong kinatatakutan. Handang handa sa lahat ng laban.

Hinalikan na lamang ako nito sa aking noo. "Babalikan kita" paninigurado niya sa akin at hindi na ako nagtagumpay pang pigilan siya.

Napatakip na lamang ako ng aking magkabilang tenga habang naririnig ko ang sunod sunod at palitan nila ng pagputokng baril. Kahit pa lumaki akong sanay sa tunog nuon ay hindi ko pa din maiwasang hindi matakot, lalo na't lumalaban si Aziel at ako ang dahilan nito.

Napakagat labi na lamang ako habang unti unti kong sinisisi ang aking sarili. Ilang inosenteng tao nanaman kaya ang madadamay dahil sa akin? Ilang buhay ang masasayang para sa laban na kami lamang din ang gumagawa?.

Sandaling huminto ang aking paghinga ng makita ko ang pagtakbo ng isang sundalo patungo sa aking gawi. Nakakunot ang kanyang noo na para bang inaalala niya ang aking mukha. Nang tuluyang makalapit ay nakita ko kung paano lumaki ang kanyang mga mata.

"Ikaw ang anak ni Castillo, nakita kita nuon sa bundok maranat!" Galit na akusa niya sa akin.

Napailing iling ako. "Hindi ko po..." hindi ko na natuloy pa ang dapat ko sanang sasabihin ng kaagad ako nitong hinawakan ng mahigpit sa aking palapulsuhan.

"Dadlahin kita sa kampo" galit na sabi pa niya kaya naman kaagad akong nagpumiglas.

"Bitawan mo ako, bitawan mo ako" pagpupumiglas ko.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Where stories live. Discover now