Chapter 17

78.8K 3.3K 227
                                    

Tulong







Nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi ng taong nagpakilalang Miguel Castro. Tumalim din ang tingin ko sa kanya kasabay ng dahan dahang pagkakakuyom ng aking kamay.

"Kasinungalingan iyan!" Asik ko sa kanya kahit pa halos manlabo na ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

Naghari ang aking emosyon dahil sa galit. Mabigat na paratang iyon para sa aking ama, alam kong rebelde kami at kalaban ng gobyerno pero alam ko ding hindi papatay si ama ng inosenteng tao.

Napangisi ito. "Ano bang alam mo...Diyosa, Diwata ng bundok na ito" mapanuyang tanong niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita, nanatili ang pagsusukatan nami  ng matatalim na tingin.

"Ang alam mo lamang ay ang mga bagay na sinasabi sayo ng iyong ama. Paikot ikot na mga salitang pawang mga kasinungalingan" sabi pa niya sa akin.

Kusang pumatak ang luha sa aking mga mata. "Hindi lang ang bundok na ito ang mundo Castellana. Sa likod ng nagtataasang puno na nakikita mo ay isang malaking syudad, mas maraming buhay" pagpapaintindi niya sa akin.

"Si captain herrer sa oras na bumalik na ang kanyang alaala ay iiwanan na rin niya ang lugar na ito. Makakalimutan ka at ang mga tao dito" pananakot pa niya sa akin.

"Hindi yan totoo, hindi ganuon si Aziel" laban ko sa kanya. Pero hindi natinag si miguel.

"Nang bumalik na ang aking alaala ay pinlano ko ang lahat ng ito, alam kong hindi magiging madali ang pagalis namin ni Captain dito. Kaya naman castel kung tunay na may malasakit ka sa kanya...kuya tunay na mahal mo siya, tutulungan mo kaming makaalis dito" panghahamon niya sa akin.

Napailing iling ako kasabay ng tuloy tuloy na pagtulo ng aking mga luha. "Hindi ko magagawa iyan sa aking ama, hindi ko tatalikuran ang nayon" matapang na sabi ko kay Miguel.

Napabuntong hininga na lamang siya na para bang sumusuko na siya. "Pero ito ang alalahanin mo Castel, si Captain Tadeo Herrer ay mahirap kalaban, sa oras na magalit siya wala siyang kinikilala, lahat kaya niyang saktan" pananakot niya sa akin.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil dito. Pero hindi din nagtagal iyon dahil naniniwala akong hindi ganuon si Aziel.

Napangisi ito ng makita niya ang aking pagkakayuko. "Ilang buwan mo pa lang siyang nakakasama Castel. Ang Aziel na kilala mo ngayon ay hindi ang totoong Tadeo pag nasa syudad na siya at nasa gyera, hindi mo pa siya talaga kilala" pangungunsensya niya sa akin.

Nang maramdaman niyang wala na akong balak na sagutin siya ay umayos na ito ng pagkakatayo at humakbang na palayo sa akin. "Sa oras na malaman niya ang nangyari kay Sachi herrer, mawawala ang nayon niyo sa bundok ng maranat" pagbabanta pa niya sa akin bago niya ako tuluyang iniwanan duon.

Dahil sa panghihina ay napaupo na lamang ako sa lupa. Ibinuhos ang lahat ng galit, takot at bigat ng aking nararamdaman sa pamamagitan ng pagiyak. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat, ang litrato, ang bumagsak na eroplano, ang damit na pang sundalo at ang bracelet na may ukit na pangalang Sachi.

Hindi ko na namalayan kung gaano ako nagtagal sa lugar na iyon. Sa huli ay bagsak ang aking balikat na pinagpatuloy ang pagakyat sa bundok papunta sa aming nayon. Pagdating sa bukana ay kaagad akong napahinto. Iginala ang aking mga mata at tahimik na pinagmasdan ang kabuuan ng aming mapayapang nayon.

Ito na ang kinagisnan kong buhay, wala na akong hiniling pa higit dito dahil kagaya ng sabi sa akin ng aking ama ay lahat ng kakailanganin ko ay nandito na sa nayon. Minsan kong pinangarap na makapunta sa syudad pero sa tuwing nakakasama ko ang aking mga kaibigan at sina aling pilar ay naliliwanagan ako, ito na ang mundo para sa akin. Hindi ko na kakailanganin pang lumabas dito.

The Lost Soldier (Savage beast #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें