BTS 7

85 13 0
                                    


MORIAH RYLE

Nagtatakang tanong ni Tanda. Habang nakasandal ito sa pader katapat ko na patuloy sa pag katok sa pinto.
Maliit lang siya parang tulad ng mga dwarfism. Gray ang buhok at balbas nito pero hindi nakakulubot ang mga balat niya, weird.

"Baka kapag ako ang nakapasok ulit sa loob baka hindi na siya humihinga pa pag labas sa bahay ko." seryoso sabi ko.

"Hindi lang siya multo lang. Kinakatakutan siya ng lahat, kaya ipinagtataka ko kung bakit nandito kapa at  ikaw pa ang nag hahamon ng away d'yan."

Ano daw?

Kinakatakutan siya?

Nakakatakot nga dahil hindi siya makaintindi at bingi pa, tsk. Bakit naman ako natatakot sa kanya?

Nasaksihan ko kung paano siya bumulagta sa sahig kanina.

This Tanda is joking! Nakakatawa siya infairness.

"Oras na ah? Hindi ka pa ba papasok ng school?"

"School? Seryoso ba na may nag-aaral pa ba sa Ghost town na 'to?" Tanong ko na nagtataka ng biglang bumukas yung pinto at ng lumingon ako ay bumungad sa akin ang kuya na bingi.

Nakasuot na uniform ito at may nakasabit na bag sa kanang balikat nito.

"Oy!" Singhal ko. Tinasan niya lang ako ng isang kilay at bagsak ng pinto para maisara. Napansin ko na lumuhod ito at nag mano kay Tanda.

"Good morning po," bati nito at tumayo ng maayos.

"Magandang umaga din po Mr. Lourde! " nakangiting bati naman  ni Tanda.

Para namang Hari naman ang turing niya sa lalaki, kung makaluhod pa at makayuko,too formal eh?

Ano siya anak ng hari at reyna? Tapos sa bahay ko nakatira?

Hindi ko maintidihan ang mundong ito.

Napaluhod nang ako ng wala sa oras ng hilahin ako ni Tanda! What! Ano problema nito.

"Ano ba!" Inis kong sabi.

'' Mag 'good morning' ka!" Bulong nito sa akin. Nakatingin lang si Sungit sa amin.

"No." Sabi ko at akmang tatayo ng hilahin naman niya ulit ako. Humarap naman siya sa harapan namin.

"Pasensya na po Mr. Lourde! Nalipasan lamang po siya ng gutom."

"What did you say? Goodness! Hindi ako gutom! Excuse me.'' Tumayo na talaga ako at taas noong hinarap siya. Natulala lang ako ng tatlong segundo sa sobrang fresh ng mukha niya. Char.

Sarap ihampas sa pader!

"It's okay, next time please hire a ghost security guard to protect this building. There's someone doing horrible here," sabi niya at tinalikuran na kaming dalawa ni Tanda. Hinila ko ang bag nito at dahilan iyon para tumigil siya.

"Oy! Kung sino ka man! Ayoko ng makita ka dito sa bahay ko ha! Naiintindihan mo! Mabuti narin na may security guard para hindi ka pumapasok sa ibang bahay na hindi sayo! Ipapahuli kita—Aghhhh arayy!" Hinila na naman ako paluhod ni Tanda! Kaasar!

"Im going, make sure I will never ever see that whomsoever here. Understand?"

***

Iba't- ibang multo ang nakikita ko. Gusto ko ng masuka kaso wala naman akong isusuka. Dinala ako ng mga paa ko sa isang lugar.

School. Isang haunted na school. Luma, sira sira at may mga halaman na gumagapang para mabalot ang mga gusali. Tumuloy parin ako dahil saan pa ako pupunta? Pinagtabuyan na ako sa mismong BAHAY KO! Pakialam ko sa Lourde na 'yun! Ano siya bathala?

Behind the shadows [C0MPLETED]Where stories live. Discover now