BTS 17

49 10 0
                                    


MORIAH RYLE

Sa loob ng isang linggo naging maayos naman ang pag sasama naming dalawa. Hindi tulad dati na ang init ng ulo niya kung makasigaw.  Hindi naman ako bingi pero mabibingi na talaga ako. Hindi na siya gaanong masungit, at tamad.  Lagi siyang nagtatanong sa akin ng kung ano, ang daldal. Tamad na nga akong magsalita kasi ano ba namang tanong ang 'paano ako namatay?'

Sarap niyang ihampas sa pader.  Lagi siyang sa sala natutulog, huli na ng magtabi kami sa isang kama doon sa kwarto ko.  Isa siyang prince pero tiklop naman sa akin pag dating sa bahay. Sumasama na ako sa kanya sa labas,  especially sa school. Feeling safe pa ako sa tabi niya kasi walang nangungulit na multo sa akin.

"Gusto ko ng umuwi, asar!" bulong ko habang mag isang nakaupo sa isang mesa dito sa loob ng library. Wala kasing maayos na upuan dito kaya pinagtiyagaan ko nalang itong mesa. Maalikabok din kasi ang sahig na parang decada na ng huling malinis.  Nasa dulo ako ng library kung saan may malaking bintana dito para makita ang nasa labas at maliwanag din dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa mga basag na salamin.

Madalas ako rito dahil walang nag-aaksaya ng panahon na pumunta rito. Mas gusto nilang magliwaliw sa labas,  may ilan din naman pumapasok at agad din lumalabas pagtapos nilang makuha ang mga libro na kailangan nila.  Tumayo na ako at naglakad-lakad para maghanap ng libro para patayin ang oras. Mag da-dalawang oras na akong naghihintay kay Prince Lourde dito,  ang tagal naman ng meeting niya sa opisina.

Sa pagtingin tingin ko sa mga libro na nabalot narin ng makapal na alikabok at mga  bahay ng gagamba ay hindi ko napansin na may hagdan sa gilid ko kaya nabangga ako doon at nauntog pa,  buti ay nahawakan ko ang hagdan na gawa sa kahoy. Hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.  Iniayos ko ito sa pagkakasandal sa shelves. May napansin akong may na ka angat na isang libro na may bakal na cover, nakalagay ito sa isang kahon. Inayos ko ito sa pagkaka lahat kasama ng ibang libro kahit na mukhang kakaibang libro siya sa mga nakita ko dito sa library.  Bago ko ito maisama sa ibang mga libro ay napansin ko ang sahig na tinatapakan ko ay may kaunting liwanag ang makikita. Nang iaangat ko ang paningin ko ay naka atras ang buong bookshelf kung saan ako nakatayo, nagmumukha itong pinto papunta sa kabilang pader.

Wala sa sarili kong itinulak pakanan ang buong shelves at agad itong bumukas kahit may kabigatan. May hagdan pababa at wala sa sarili akong bumaba doon at sinundan ang katapusan ng mga maliliit na liwanag na nasa gilid ng lagusan. Ayoko na sanang tumuloy ng makaramdam ako ng paghirap sa paghinga dahil sa kawalan ng hangin dito sa loob pero dahil sa kuryosidad ko ay nagpatuloy ako lalo na may naririnig along tila nag uusap sa dulo. 

May pinto doon,  maayos tulad ng mga pinto sa classroom sa taas. May konting liwanag pero madilim parin sa kinakatayuan ko at ang lagusan na tinahak ko kanina.  Bubuksan ko na sana ang pinto na  pinagmumulan ng kung sino mang nag uusap ng marinig ko ng malinaw ang mga boses.

"Kailangan mong nakuha iyon sa lalong madaling panahon!" singhal ng isang boses na sobrang lalim at hindi gugustuhing marinig kailanman.

"Opo. Gi-ginagawa ko naman po ang inuutos niyo sa akin makaraan," sagot naman ng isang boses ng lalaki na mahinahon.

"Alam ko pero hindi sa nagsasayang ka ng oras Laurence! Kailangan na siyang mamatay ng tuluyan!" sigaw naman ulit nito na may halong galit sa kausap.

"Makukuha ko rin po iyon," halata sa boses nito ang kaba na tila mataas ang respeto nito sa kausap.

''Siguraduhin mo lang na magagawa mo ang pinapagawa ko. Isang kwintas lang ang kailangan kong kunin mo!  Hanggang ngayon ay hindi mo maibigay sa akin! " Napahawak ako sa bibig ko ng marinig ang pagbagsak ng mabigat na bagay sa sahig kasunod nito ang pag yanig ng inaapakan ko.

Behind the shadows [C0MPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon