BTS 25

161 10 0
                                    

Laurence Point of view.

May mga kahilingan tayo minsan na sana agad matupad. Hindi inisip kung ano ang dulot nito pagkatapos,  kung may masasaktan ba,  may matatapakan ba tayo,  maganda ba at makakatulong? 

Madalas tayo ay basta nalang kung anong naisip natin dapat mangyarina agad.  Magkaron ng cellphone, kotse,  mataas ng grades,  magkaroon ng kaibigan,  masayang pamilya.

Ewan ko ba,  natatawa ako sa sarili ko. Sa dami ng dapat hilingin ay ang nawala na lang ako dito sa mundo at malagutan ng hininga,  ang matuluyan na. Mukhang naka mood ang tandahan at tinupad nito ang hiling ko.
 

Sa isang masikip na iskinita.  Naglalakad lakad ako para makauwi na sa tinutuluyan ko pero  hindi ko alam na may makakasalubong akong isang lalaki. Napahinto ako ng hindi sinasadya na magkasagian ang balikat namin dahilan para mapaharap ako sa kanya. 

Sobrang putla ng mukha nito.  Natutuyo ang labi,  namamagang mata. May pasa at sugat ito sa mukha. Nang tingnan ko ito mula ulo hanggang paa ay napansin ko na hindi ito nakaapak sa lupa.

"Isang multo?  New word Laurence!''  Sabi ko sa sarili ko. 
 
Siguro dahil sa pagiging abala ko ay hindi ko na masyadong napapansin ang mga spirits na gumagala kung saan saan. Marahil isa rin sa dahilan ang pagkakasara ng third eye ko makaraang buwan.

   Hindi ko inaasahan na hahawakan ako nitong lalaki sa braso ko. Sa gulat ay hindi ako nakakilos,  inilapit nito ang bibig niya sa tenga ko.  Hanggang sa may lumabas na maitim na usok sa bibig niya pagkatapos ay natagpuan ko ang sarili ko na nakahandusay sa sahig. Nagtataka akong napatingin sa sarili kong mga kamay.

   

Bakit nakahandusay ako sa sahig habang nakatayo ako sa tabi ng aking katawan?

  

May kung anong yumakap sa akin na usok hanggang hilahin niya ako sa isang malaking itim na ulap na tila portal.

  Wala akong ideya sa nangyayari pagkatapos.  Ang alam ko ay sobrang hirap ng nararanasan ko sa lugar na puro dilim,  kadilaman ang naghahari.  Ilang buwan din akong pinahirapan at pinarusahan. 

    Ang nagpakawala sa akin ay si Prime,  ang makapangyarihan daw sa mundong ito. Kaya hindi ako nagdalawang isip na sumunod sa gusto nito at hindi nagtagal ay ginagawa niya akong isang prinsipe sa mundo niya.

    Lahat ng na nang api sa akin noon ay pinarusahan ko at naging malupit sa kahit sino nalang.  Kasama na doon ang nagdala sa akin dito sa kabilang dimensyon.

    "Tinupad ko lang naman ang hiling mo!" sigaw niya.  Lalo ko pang dinagdagan ang maitim na usok na bumabalot sa kanya,  mas nagsisisigaw siya sa sakit.

    "Kung hindi sayo hindi ako pinarusahan noon!"

    "Ikaw din naman ang may kasalanan!  Inutusan din lang ako!  Kaya sa susunod ay huwag kang padalos dalos sa sinasabi mo!" halos mapatid ang ugat nito sa leeg sa pagsigaw.

    "Akala ko ba mag kaibigan tayo! "
    Dagdag nito.

    "Oo,  para mas mapapadali ang pagiging malapit ko sayo. Sinubukan kong kalimutan ang ginawa mo noon pero ang sakit parin!  Bakit mo ako dinala rito!"

Behind the shadows [C0MPLETED]Where stories live. Discover now