BTS 9

79 14 0
                                    

MORIAH RYLE

May isang babaeng nakaupo sa sahig at nakakalat din dito ang mga libro malapit sa kanya. Pumunta ako sa library, wala naman ako mapupuntahan na iba. Ayoko naman pumunta sa bahay, baka magka gera ng wala sa  oras. Wala yatang magandang mangyayari pag kasama ko si Sungit.

"Paraan po," mahina kong sabi. Kaysa sa umikot pa ako ay ang layo pa ng lalakarin ko. Humarap ito sa akin, kahit walang taga ang mukha nito ay sobrang puti ng mukha niya at sobrang itim  ang mga mata niya, gulong- gulo ang buhok at mahabang puting damit na suot nito

"Ano hanap mo?" Matinis ang boses nito at halos takpan ko na ang tenga ko kasi nag eecho pa, creepy.

"Ayy—Kayo po ba ang librarian? Gusto ko lang pong magbasa about sa history ng mundong ito." Mahina kong sabi, baka sunggaban niya ako!

"Ha? Hindi ako ang librarian, tsaka anong pumasok sa kokote mo at gusto mong malaman ang history nitong mundo na kinakatayuan mo? Bago ka palang?"

"Pa'no ba...curious lang po ako?"

"Bakit ka nandito? Paano ka namatay?'' Nagtataka nitong tanong at dahan dahan siyang nag liligpit ng mga libro.

"Patay agad? Mukha po ba akong patay na? Tsaka hindi ko po alam kung paano ako napunta dito." Sabi ko at inilibot ang paningin ko. Ang library parin na ito ang pinupuntahan ko sa totoo kong mundo.

"Imposible hija! Baka hindi mo pa matanggap na patay kana kaya nasasabi mo 'yan. Patay ka na kaya ka nandito pero— Paano kung isa kang...hindi maari, imposible iyon. Matagal ng nabaon iyon sa limot! Napaka imposible! "

"Ano pong sinasabi niyo?"
Umiling ito at naupo na. Pinaupo niya rin ako sa maalikabok na sahig at napasandal sa mataas na bookshelves sa likod ko. Katapat ko siya at gaya ko ay naka sandal rin sa bookshelves. Pero sobra naman ang pagtitig niya sa mga mata ko na parang may binabasa sa loob ng isipan ko. Iniwas ko ang paningin ko at huminga ng malalim para kumalma.

"Wala naman importante sa history na hinahanap mo hija. Malaya kang gawin ang lahat pero mag ingat ka lang baka ikulong ka sa Dark room."

"Galing po ako doon, pinalabas lang ako." Diretso kong sabi at nag-umpisang kumuha ng mga libro, kung ano-ano na lang ang naabot ko.

"Ano! kalokohan!" Nakakunot ang noo nitong sabi. Bakit ba gulat na gulat sila at hindi makapaniwala na galing ako roon?

"Sino po si Prime? Si Prince Lourde? " diretso kong tanong sa kanya na halos magdikit na ang mga kilay nito sa mga pinagsasabi ko.

"Walang nakakakita sa kanya, pero matagal na siyang nakamasid  dito. Makapangyarihan at walang gustong kumalaban sa kanya maliban sa nangyari noon, pero ganu'n paman ay walang nakakaalam kung sino ba talaga siya. Walang naisulat o naikwento kung sino talaga si Prime. Si Prince Lourde naman— yung batang iyon! Hindi ko siya maipaliwanag. Napaka misteryosong lalaki, may kakaibang kakayahan kasi yung lalaking iyon. Nakakatakot siya! Minsan ko ng nasaksihan kung paano siya magalit at—"

"Anak po ba siya ni Prime?"

"Hindi ko alam, sabi nila ay iniluwa siya ng napakaliwanag na ilaw. Ilaw mula sa kabilang mundo ng mga tao, naiiba siya sa lahat kaya—"

Napasinghap ako ng biglang nawala sa harapan ko ang kausap ko. Napalingon ako sa paligid at nakita ko si Sungit na nanlilisik ang mga mata. Napansin ko na nakalutang sa ere yung babaeng kausap ko at hindi gumagalaw. Tumibok na ng mabilis ang puso ko at nanginginig na ang mga tuhod ko hindi ako makatayo kaagad.

Hinila niya ako para mapalapit sa kanya. Ang paraan ng pagkakahawak niya ay sobrang higpit at konti nalang madudurog na ang buto ko.

"N-nasasaktan ako!" Nauutal kong sabi at pilit na humhiwalay sa kanya.

Behind the shadows [C0MPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang