BTS 21

51 8 0
                                    


MORIAH RYLE

Wala ako sa sariling naupo sa madilim at magulong sala, dito sa bahay. Parang noong una ko itong nadatnan noon, tila may dumaan na malakas na bagyo dito sa loob ng bahay ko.

Wala na akong pakialam kung nahihirapan na ako sa paghinga dahil sa pagtulo ng sipon ko. Maging  ang pag-agos ng luha sa pisngi ko dahilan para mabasa ang suot kong damit. Kung pwede lang i -off ko ang utak ko para hindi ako makapag isip ng kung ano-ano. Mga bagay na nagpapaalala sa amin kasama si Lourde. 

Ang mga alaala na scripted lang pala.

Ang tanga ko. Sana nakinig ako sa kanya noon, na wala akong dapat pakinggan at pagkatiwalaan kahit sino, kahit siya at ang sarili ko ngayon na isang taksil at duwag.

Nakita ko ang basag na salamin galing sa bintana malapit sa gilid ko.  Marahan ko itong hinawakan at nang nasa palad ko na ay hinigpitan ko ang paghawak dito. Unti-unting unti kong nakikita ang pagkawala ng dugo at tuloy-tuloy na ito sa pag-agos at pumatak sa malamig na sahig.

Nakikita ko lang pero hindi ko nararamdaman ang sakit na normal na mararamdaman kapag nasasaktan . Siguro ganito ang nangyari kay Prince Lourde. Ipinakita niya lang na mahalaga ako at mahal niya ako pero wala siyang nararamdaman.

Itinapat ko sa mukha ko ang hawak kong salamin. Nababalutan ito ng malapot na dugo mula sa palad ko. Gaya ng luha ko na hindi maawat sa pagtulo ay siya rin pag-agos ng dugo ko na hindi matigil sa pagkawala sa palad ko. Dahan dahan ko itong itinapat sa dibdib ko at ibinabaon.  Hanggang sa maramdaman ko na bumaon ang dulo ng salamin sa damit ko hanggang sa balat ko. May dugo na kumalat sa damit ko hanggang sa naging mabilis ang pag kalat ng dugo sa damit ko at ang pagbaon ng salamin na hawak ko ay nasa kalahati na.


Nahuli ko ang sarili ko na nakangiti, ngunit ang ibig ipakahulugan ng ngiti ko ay pamamaalam. Ngayon alam ko na kung sino talaga ang sinungaling, ako mismo iyon. Ilang beses ko ng sinabi na lalaban ako, pero nasaan na ang mga sinabi ko at ipinangako? Nauna na silang kinain ng dilim at marahil kailan ko na ring sumunod. Wala rin naman silbi ang mga sinabi ko, hanggang salita na lang talaga ako.

Sa pag-iisip ko na kung gaano ako kawalang kwenta ay napahigpit ang hawak ko sa matalim na salamin at naibaon ko ito sa dibdib ko sa abot ng makakaya ko, sa lalim na gusto kong bumaon para tuluyan na akong maglaho.

"Ayoko na," bulong ko sa kwintas na kumislap na kasing bilis ng kisapmata.


***

Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa tapat ng dagat. Malamig ang simoy ng hangin at hinahayaan ko itong guluhin ang mahaba kong buhok. Ang asul na dagat na may mahihinang alon, ang mga ibon na malayang lumilipad. Napangiti ako na malapad at dahan-dahan na itinaas ang ang kanang kamay ko na tila inaabot ang mga puting ulap na nasa itaas ko, na parang ang lapit nito, kahit nasa himpapawid ang mga ito. Inihakbang ko na ang mga paa ko na walang sapin, doon ko napansin na naka suot ako ng mahabang bestida na kulay crema.

Agad akong tumakbo para makalapit sa malinis na tubig ng dagat. Nang tatatalon ako para maitapak ko sa malamig na tubig ang mga paa ko, gusto ko sanang lumanggoy.  Nakahanda na akong lumusong sa tubig ngunit may humawak sa braso ko dahilan para mapalingon ako.

"P-Papa?! " pumiyok pa ako ng banggitin ko kung sino ang humawak sa braso ko. Walang sabing niyakap ko siya ng mahigpit hanggang sa sumabit na ako sa leeg niya sa sobrang higpit ng pagkakayakap ko rito.

"Ikaw talagang bata ka! Kanina ka pa tinatawag ni mama. Hindi mo ba kami naririnig?" sabi nito at naglakad na para makalayo kami sa tubig habang yakap yakap din ako ng mahigpit.

Behind the shadows [C0MPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora