BTS 16

51 9 0
                                    

MORIAH RYLE

Napahinga nalang ako ng malalim at nag simula ng maglakad paalis. Hinihiling na sana mabasa niya sa isip ko na 'ayokong maiwan, maiwan mag isa sa gitna ng dilim. Ayoko ng mag- isa.'

Hindi ko na kaya, takot ako, nakalimutan ko ng maging matapang at hindi matatakot sa kahit sino at ano pa man. Gusto ko ng gumising at makabalik sa mundo ko.

Isang ilaw mula sa maliit na bombilya ang nakita ko sa paanan ko, dahilan para matigil ako sa paglakad paalis dito sa rooftop. Dahan- dahan akong lumingon hanggang sa makaharap ko ang matigas na dibdib ni Prince Lourde. Sobrang lapit niya, umatras ako ng bahagya. Pagkatapos ay napatingin ako sa kamay nito, isang bombilya unti- unting na nagliliwanag.

Naguguluhan akong tumingin sa mga mata niya. Ang ganda ng mga mata nito, tila mga bituin sa kalawakan, may kinang.

"Listen. I will get you out of here just be with me."

"Ha? Gutom lang yan ano pinagsasabi mo po?" Natawa ako ng bahagya sa narinig ko, sobrang seryoso niya tipong ayokong maniwala sa sinabi niya.

"You're afraid but  I'm here. I will be here in the middle of the darkness."

"You're joking right?"

Hindi siya sumagot, sapat na ang mga mata nito para iparating sa akin na seryoso siya pero ipinipilit ng isip ko na huwag akong maniwala. Ayokong maniwala dahil sa oras na magtiwala ako ay siguradong masasaktan ako nito sa dulo.

Ang sabi nila na napakamisteryoso niya, hindi ko pa siya gaanong kakilala, kahit papaano ay wala pa akong tiwala sa kanya kahit na ilang beses ko na siyang nakasama at sa iisang bubong pa. Siya na ang nagsabi na wala dapat akong pakikingan kahit siya.  Naguguluhan ako kung bakit naging mabait ito makaraan ang ilang araw?

Sa lahat ng pagtutol na ginagawa ng isipan ko ay may isang taksil ang lumilihis ng landas, ang puso ko. Ang puso ko na sinisigaw na maniwala ako sa kanya dahil sigurado akong ligtas ako sa tabi niya at kailangan ko siya para makalabas ako dito. Ang hirap, mababaliw na ako sa kakaisip kung anong dapat, tama at totoo.

"Despite of all the thoughts inside your head right now, here be with me. I mean— trust me and you will never be alone. Just stay with me," marahan niyang inilahad sa tapat ko ang kanang kamay nito na may maliit na bombilya doon na unting- unting umiilaw.

"Prince. . .Lourde." Nauutal kong sabi kasabay ng panginginig ng mga kamay ko at ang kaba sa puso ko ay hindi ko na maawat.

'Taksil nga, walang pakisama ,kainis. Ang hirap kaya huminga.'

"Pinili kong ilayo ang sarili ko sa iba. But after I met you.Gusto ko na makasama ang isang tulad mo na hindi ko alam pero pakiramdam ko na kailangan kitang samahan at tulungan. Matatanggap mo ba ako? "

Napayuko ako, naramdaman ko nalang na hinahakbang nito ang mga paa niya palapit sa akin.

"Take my hand, Moriah." Mahina niyang sabi, dahilan para mapatingala ako at tumingin sa kanya. He really say my name?

Dahan- dahan nitong pinunasan ang luhang pumapatak sa pisngi ko gamit ang kaliwang palad niya, mainit at ang lambot ng palad nito, kung pwede lang na magtagal ang paghaplos niya sa pisngi ko. Nalihis ang paningin ko sa hawak niya sa kanang kamay nito. Hindi gaanong nakakasilaw ang liwanag mula sa maliit na bombilya na nasa kamay niya.


Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko, tama ba na magtiwala ako sa kanya ngayon. Sa unang beses, paano kung ang pagkakataon na ito ay siyang magliligtas sa akin gaya ng sinabi niya o ang isang beses na sumuko at magtiwala sa mga sinabi niya ay ang maglalagay sa akin sa kapahamakan at kamatayan? 

Behind the shadows [C0MPLETED]Where stories live. Discover now