BTS 11

71 11 0
                                    

MORIAH RYLE

He's here. 

Napasalampak ulit ako sa sahig at hinahabol ang paghinga ko. Bumilis ng sobra ang pagtibok ng puso ko. Napahawak ako sa collarbone ko na ang hapdi ay gumuguhit sa bawat ugat ko sa katawan.

Namatay na ang mga ilaw sa loob dahil biglang nabasag ang mga ito sa isang pag tapak ng paa ni Sungit sa sahig. Ang mga salamin sa bintana ay nabasag narin at kumalat sa hangin ang mga bubog.  Masakit sa tenga ang bawat yapak nito na maririnig sa apat na sulok ng kwarto na kinalalagyan namin ngayon. Takot na ako dati pero mas lalo akong natatakot ngayon dahil sa nangyayari.

"Get out," walang emosyon nitong sabi na seryosong nakatingin sa balikat ko na hawak-hawak ko nang iangat ko ang paningin ko. Halos madapa sila sa pag- alis marahil sa kaba ng mga babaeng bigla nalang akong sinaktan. Napatingin nalang ako sa pinto kung saan sila lumabas hanggang sa may narinig akong pagbagsak, tuluyan silang bumulagta sila sa sahig.

***

"May bakanteng kwarto sa may apartment. Doon ka na muna," sabi nito na nasa unahan ko. Mabagal lang ang paglakad niya pero ako parin itong nahuhuli sa sobrang bagal kong ring maglakad.  Hinihipan ko pa ang sugat sa collarbone ko, parang tatalupan pa ako ng buhay nung white lady kanina kung hindi lang dumating si Sungit.

"Aray!" nasabi ko ng mabangga ako sa isang matigas na bagay. Nang humarap ako ay akala ko sa pader ako bumangga, kay sungit pala at akala ko likod nito ako nabangga kung sa dibdib niya! Kakahiya!

"Ano ba! " sabi ko at napahawak sa sugat ko.

"Careless," bored na sabi niya.

"What? Ikaw kayang nakaharang d'yan sa daan! "

"Ikaw kayang hindi nakatingin sa dinaraanan," wala paring emosyon niyang sagot.

"Excuse me? Wala akong pakialam kung maganda ang built in ng dibdib mo!" Hindi ko alam mung bakit ko iyon nasabi.

"May sinabi ba ako?" walang gana parin na tanong nito.

Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa lakad ko ng muntik ka na akong ma-out of balance dahil hagdan na pababa ang daan.

"See?! Mapapaaga yang paglaho mo rito.  Sarili mo mismo ang papatay sayo."

Kahit na black and white ang buong paligid, pakiramdam ko, tila namula ang magkabilang pisngi ko. Nakalagay ang kanang kamay nito sa bewang ko para ilapit sa kanya, muntik na akong gumulong pababa at mabagok ang ulo ko. Mainit ang braso nito na nakapalupot sa tagiliran ko *weird*

Nang iharap ko ang mukha ko sa mukha niya para sumagot ay natulala na naman ako sa magagandang mata nito. Parang hinihigop ang natitirang lakas ko at hindi ko na kayang tumayo dahil hindi ko na maramdaman ang mga tuhod ko sa sobrang kaba.

"Bitaw," malamig kong sabi. Marahan naman niya ako binitawan at inihiwalay sa katawan niya.

"Walang pinipiling oras  at lugar ang kamatayan, kahit nag- iingat ka o wala ka talagang pakialam. . .ay lagi siyang nasa tabi mo at nakangiti pa sa'yo."

"Alam ko wala na akong ligtas dito. Sa dami pa naman ng gustong maglaho na ako rito, diba? Tanggap ko na hawak na ako sa leeg ni kamatayan simula ng nagising at imulat ko ang mga mata ko dito at huminga sa mundong ito."

"Meron pang paraan para makaligtas ka." Hindi ako sigurado sa sinabi niya, tinalikuran ko na kasi siya kaagad para makaalis.

***

Nakaharap ako sa isang pinto at may number na 403 12th floor at sa pang Tatlong room ako . Malayo sa totoong bahay ko ang tinutuluyan ko '314' .

"Ayoko," sagot ko at umalis ng hindi siya tiningnan na tahimik lang na nakatayo at nakasandal sa puting pader.

Behind the shadows [C0MPLETED]Where stories live. Discover now