BTS 22

49 8 0
                                    

MORIAH RYLE

Natapos itong magsalita, hinarap ko siya. Nakahawak ito sa mga tuhod niya, hinihingal at bakas sa katawan nito ang panginginig, marahil kung sa pagod.

"Gusto mo bang malaman kung gaano ako nag sisisi na nakilala kita? Na sana namatay nalang din ako para hindi tayo humantong dito Kailangan talaga saktan mo pa ako bago mo ako tuluyan nvayon? Wala akong pakialam kung kontrolado ka ngayon nang pangit nayun para makuha ang loob ko? Gusto mo maawa ako sayo ngayon? Ano? Ano nanaman bang plano niyo? Patayin mo na ako!"

Sigaw ko, ilang sandali lang ay may nagsalita.

"Ako na ang tutupad sa kahilingan mo, Moriah." Kahit kailan talaga ang sakit sa tenga ng boses niya, ang sarap mabingi.

Nakalutang ako ngayon sa ere habang mahigpit nitong hawak ang leeg ko na tila ihihiwalay na nito sa katawan ko.

Hindi ko na maramdaman ang katawan ko, sa sobrang lakas ng paghagis niya sa akin sa sementadong sahig.

"Parang mas maganda kung siya nalang ang papatay sayo? Diba mas magandang laro iyon? Ano sa tingin mo, Moriah? Dito muna ako sa gilid habang pinapanuod ko kayong magpatayang dalawa.  Napakagandang ideya, hindi ba?" Tumawa pa ito na tila nawawala na sa katinuan.

"Baliw ka! " Sigaw ko. Akmang tatayo na ako galing sa pagkabagsak ay napaluhod akong muli dahil sa kirot at sakit na bumabalot sa katawan ko.

Naalala ko ang pinagsasabi nito noong una, ang paglaruan ako at pahirapan. Napakagandang ideya na si Prince Lourde pa talaga ang ginawa niyang paraan para saktan ako. O ako ang mali dahil noong una ang binalaan na niya ako na tapusin ang damdamin na namumuo sa pagitan naming dalawa.

"Ikaw ang baliw! Isang tao magmamahal ng patay na?!" Sinamahan pa nito ng pagtawa, sumabay pa ang nakakabasag sa tenga ng pagkulog at nanggagalit na kidlat sa pagtawa niya.

Makakapal at maiitim na ulap ang naghari sa buong paligid, nagiging manipis narin ang hangin ngayon.

Inipon ko ang lakas ko upang makatayo. Sa dami ba naman ng naranasan ko, ngayon pa ako magiging mahina?

May inihagis naman ng matalim na espada si Pangit sa akin, nagulat pa ako dahil muntikan na akong tamaan sa binti.

"Baka sabihin mo hindi patas ang laban. May sandata kana kaya nasa sayo kung lalaban ka para sa buhay mo o hindi, pero teka gusto mo nang mamatay hindi ba?"

"Ikaw muna ang mauunang mamatay." Malamig kong sabad.

"Oh? Nakakatakot." Sarkastiko nitong sabi.

Mabilis na bumulusok ang hawak kong espada sa hangin at diretso itong tumama sa dibdib niya. Napangiti ako ng bumagsak ito sa sahig.

Natalo ko na ba siya?

Hindi na siya gumagalaw. Nakahandusay siya sa malamig na sahig, tahimik .
Akmang lalapitan ko siya ng bumangon ito at nakangisi pa. Hinila nito ang espadang nakabaon sa katawan niya at iniabot pa ito sa akin.

"Pwede na. Malakas ka rin pala, pero hanggang saan aabot yang lakas mo.  Ang katapangan mo?" Naging seryoso na ito, dahilan para lalo akong mangatog sa takot na nararamdaman ko.

Sa hindi kalayuan may isang anino ang dahan- dahang lumalapit sa akin. Hanggang sa maging malinaw ito at siya si Prince Lourde. Ika- ikang naglalakad habang hawak nito ang kaliwang braso niyang nabali na.

"Prince—" sabi ko nang mahawakan ko siya. Hindi ko mapigilan ang kabahan. Sobrang dumi na ng itsura niya, pawisan at bakas na bakas ang panghihina nito.

"Run! Moriah please! Umalis kana. LUMAYO KA NA!"

Rinig ko ang boses niya ngunit na may ibang tono akong naririnig maliban dito tila may isa pang tao ang nasa loob ng katawan nito.

Behind the shadows [C0MPLETED]Where stories live. Discover now