BTS 14

61 10 0
                                    


MORIAH RYLE

Totoo ba na hindi niya nabasa yung iniisip ko? Bukod kasi kay Clark ay nasa isip ko rin itong bahay. Ayoko ng lumabas at umalis dito. Pakiramdam ko ligtas ako rito. Dito ko gusto makulong habang buhay. Ayoko ko na makita kung ano man ang nasa labas. Bukod sa mga multo, ayoko ring makita si Pangit. Titiisin ko nalang ang mukha ni masungit na Prince.

Itong bahay na'to, kung saan ako nangarap na sana buo pa ang pamilya ko. Kasama silang kumakain at naglalaro, tinuturuan sa pag aaral at inaalagaan at mahalin ang isa't- isa pero hindi, wala na. Hindi nangyari at hindi na mangyayari.

Nang mawala si mama ay lumipat kami dito ni papa, dito siya minsan tumutuloy kapag ginagabi na sa trabaho at hindi na makauwi sa bahay namin. Malapit rin ito sa trabaho niya noon.

Kaya kahit magkamatayan kami ni Prince Lourde ay hindi ko susukuan ang bahay nato. Mas pipiliin ko itong bahay na'to dahil dito ko pinili mabuhay ng masaya sa gitna ng kalungkutan. Hindi na ako bumalik noon sa sarili naming bahay dahil pilit yumayakap yung masasakit na nakaraan ng pamilya ko. Ayoko ng masaktan, ayoko ng maramdaman yung sakit ng pag iwan nila sa akin.

Dahan- dahan kong inimulat ang mga mata ko ngunit ang hapdi at ang bigat ng mga talukap nito. Ramdam ko naman na basang basa ang pisngi ko. Ang sakit rin ng likod ko ng umayos ako ng upo. Kanina pa ako nakaupo dito sa sala habang yakap yakap ko ang binti ko kasabay na pag iyak ko dahil sa pag alala sa mahal kong pamilya.

"A-anong nangyari sa'yo?" Dinig kong tanong ng isang boses ng lalaki.

"P-papa? Asan si. . .mama?" Nauutal kong tanong at nag- umpisa na namang umiyak.

Naghahalo na yung sipon at luha ko sa mukha. Sobrang sakit ng pag-iyak ko kaya  maging sa paghinga ay nahihirapan ako.

Marahan nitong pinunasan ang basang mukha ko. Ang init ng palad nito. Parang gusto ko na bumalot din ang mga kamay niya sa katawan ko ngayon.

"Tahan na," sabi nito. Pero patuloy parin ako sa pag-iyak.

Marahan nitong hinawakan ang braso ko at inilagay sa may balikat niya at buhat sa mga binti ko, bridal style.

Pumasok kami sa may kwarto at masuyo niya akong inihiga sa malambot na kama.

"Tama na, namamaga na yang mga mata mo! " Ngayon ko lang na realize na si Prince Lourde pala yung lalaki. Umupo ako at napatigil naman siya sa paghubad ng coat niya.

"Uhmm, n-nandito kana pala. . ." nauutal kong sabi at sinisinok pa.

Tinalikuran niya lang ako at lumabas ng kwarto. Ilang segundo lang ay bumalik siya na may dalang isang baso ng tubig. Itinapat nito sa mukha ko. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"W-what?"  Tanong ko, hinawakan nito ang kamay ko para kunin yung baso.

"Inumin mo siguro," sabi niya. Kaya ininom ko nalang. Huminga ako ng malalim ng ilang ulit dahil iba yung nararamdaman ko sa katawan ko parang lalagnatin ata ako. Wala naman akong ginawa ah? Kumain lang ako ng noodles eh?

Wait! Di kaya expired na yun?!!

'Walang hiya kang Sungit ka! May pagkain nga expired naman!'

Nabitawan ko yung hawak kong baso kaya nagkalat ang bubog nito sa sahig. Nagulat ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"Excuse me? Isa akong Prince. Tapos kakain ako ng expired na pagkain. Ano tanga lang?"
Sabi niya sa akin at lumuhod para pulutin tung nabasag na baso na nakakalat sa  sahig ngayon.

"And what happening at you?" Tanong nito. At lagay na mga bubog sa isang maliit na basurahan na malapit sa isang mesa na may lampshade sa gilid ng kama.

Behind the shadows [C0MPLETED]Where stories live. Discover now