BTS 18

59 10 0
                                    

MORIAH RYLE

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Tadyakan ko kaya hinaharap nito?!

"Ang liit ng mga palad mo tapos ang liit mo din. Hindi ka nga umabot hanggang ilong ko eh. Hindi ka siguro natutulog tuwing hapon noon?" tapos ginugulo niya pa ang buhok ko tapos pisil sa pisngi ko. Mukha ba akong stuffed toy?!

Sumimangot nalang ako at akmang tatalikuran na siya pero nakahawak parin sa pisngi ko.

"I hate that you are taller than me," mahina kong sabi at akmang aalisin na ang kamay niya sa pisngi ko ng mag salita ito.

"Trust me, there’s an advantage of  it." Sakit niya sa batok dahil sa pagtingala ko para makita lang siya.

"What? Gaya ng alin? " nagtataka ko namang tanong. Hindi ko nanaman mapigilan sa pagwawala ang puso ko, iba talaga ang dala niya sa sistema ko.

"Like, when I hug you," nakangiti nitong sabi at niyakap ako ng marahan, tila binabalot ako at napasubsob naman ako sa dibdib nito tapat ng puso niya.

"Like this, you can hear my heart beating solely for you."  Kahit na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ay mas gusto mong maramdaman ito ng paulit ulit.

***

Lumipas ang tatlong araw ay hindi ko mapigilan na hanapin siya,  kaya pala nag malambing ang masungit dahil aalis pala ito at mawawala ng isang linggo. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag aaral,  kahit na napapagod na ako sa pag gulpi sa mga makukulit na multo sa paligid. Mas dumami sila,  at iba't-ibang itsura at medyo malakas silang umatake ngayon.

Madalas ay nasa clinic pa ako kaya nag-uusap kami ni ate na white lady na may taga sa mukha. Ayokong bumalik doon sa may library baka makita ko si Pangit, kaya pala hindi ko siya makita ng madalas ngayon dahil may pinaplano ito.

"Bakit ba nagiging abala kayo dito sa school?"

Tanong ko kay ate na nakatayo at nakayuko sa may gilid ng kama ko,  ako naman ay nilalagyan ng benda ang kamay ko. Sana naman ay tulungan niya ako sa pag gagamot,  nurse siya dito eh tsk.

"May nangyari. . .  Naguguluhan na ng ako kung saan ako magtatago nito. Asar! Wala pala akong pagtataguan dahil kahit magtago ako sa dilim ay makikita nila ako...
Tayo, wala tayong kawala at takas sa kanila."

"Sandali lang ha?  May binabasa kabang comics d'yan? Ano pinagsasabi mo?"

"Hindi mo ba napapansin?  O nararamdaman?"

"Meron. Pero lagi naman ganito ang atmosphere dito sa mundo niyo diba, ghost everywhere." Napayakap pa ako sa sarili ko.

"Kinakabahan na ako." Hindi ito mapakali sa kinakatayuan niya, nahihilo ako sa pagkilos niya.

"May pakiramdam pa rin kayo no?"

"Ah basta. . .Sana talaga ay mabura nila at ikulong sa kadiliman na walang hanggan ang may ari ng kwintas na iyon. "

"K-Kwintas?"

"Oo, isang kwintas na makapangyarihan. Pagmamay- ari na ito ng isang tao sa kabilang mundo, hindi basta basta kwintas iyon.  Nagagawa nitong buksan ang lagusan 'ang boundary ' papunta sa dito sa kabilang mundo at ng mga buhay pa.  Kaya nitong protektahan ang sinong may hawak nito at walang makakatalo dito kaya  nais ng pinuno nitong mundo na ito na siguraduhin na madudurog itong kwintas at mamamatay ang may-ari nito sa pagkakataon na ito.  Ilang beses  na nitong hinahanap. Ilang taon na,  kung hindi lang ninakaw ng isang reaper ito sa kanya,  hindi mangyayari ang mga kaguluhan dito sa kabilang mundo. Ang gusto lang naman ni Prime na maging sagrado ang boundary dahil ginugulo lang ito ng mga mortal na tao."

Behind the shadows [C0MPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ