BTS 20

53 8 0
                                    

MORIAH RYLE

Isang alaala ang pumasok sa isipan ko, ang pangalan na Laurence.

Isang pangalan na tumatak sa isipan ko dahil siya ang nilalang na papatay sa akin at kukuha ng kaisa- isang bagay na mahalaga sa akin na bigay ng aking mga magulang.

Ang pangalan na Laurence ang nagbibigay sa akin ng pangamba at takot na ayokong maranasan at maramdaman. Alam ko na nasa mundo ako ng kadiliman, ng kamatayan, kinakatakutan ngunit ayokong padala at patalo pero simula nang marinig ko ang pangalang Laurence, sinasabi ng isip ko na layuan ko kung sino man ang nasa likod ng misteryosong pangalang iyon. Ayokong ibigay sa kanya ang kwintas at lalong ayokong mamatay sa mundong ito.


"Ikaw si Laurence? " Tanong ko kay Prince Lourde, nararamdaman ko na humigpit ang paghawak nito sa palad ko. Kumawala ako sa hawak niya kahit na kinakapos na ako ng hininga dahil sa pagbagsak ko sa malamig na semento kanina mula sa mataas na ere.

"Moriah, I'll explain-" hindi pa siya tapos mag salita ng sumingit si Pangit sa usapan. Ibig sabihin siya ang kausap ni Prince Lourde sa basement sa may library noon, siya ang tinatawag nilang Prime.

"I ordered him to be with you, stick with you. Ang mga paraan para mapalapit kayo sa isa't- isa, hindi naman ako nabigo dahil nakikita ko. Bagay na ikinatuwa ko dahil madali na namin makukuha ang kwintas mula sayo."

"Shut up! " Sigaw rin ni Prince Lourde sa sobrang galit ay tumalsik pa ang laway nito. Isang malakas na pwersa ang humampas sa mukha nito kaya sumubsob ang mukha niya sa sahig pero marahan din itong bumangon at sinalubong ng masamang tingin si Prime na nakatayo lang, tila kaya niyang kontrolin ang lahat gamit lang ang palad niya at kisap ng mga mata niya.

Napalingon ako kay Prince Lourde na hinang-hina ngayon at pilit na lumalapit sa pwesto ko. Pinipilit kong tumayo para makaalis na dito upang tumakas sa sakit na nararamdaman ko at nalalaman na lahat ng nangyari sa amin ni Prince Lourde ay puro kasinungalingan lang.

"Sinabi ko na sa iyo Moriah diba? Gamitin mo yang utak mo! Hindi mo alam na ang taong nasa tabi ay siyang papatay sayo! Ganyan ka ba pinalaki ng mga taksil mong magulang!"

Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin niya nang suntukin ko ang bungo nitong ulo. Akala ko hihiwalay ang ulo nito sa leeg niya ngunit bumalik lang sa akin ang pwersa na ibinigay ko sa kanya dahilan para mapahiga ako sa sahig.

"Kating- kati na akon ibaon sa dilim!" Sigaw niya.

"Gawin mo na! " Sigaw ko pabalik, kahit na mapatid ang mga ugat ko sa pag singhal ay wala akong pakialam.

"Moriah! Huwag!" galit na sabi ni Prince Lourde.

May nakakasilaw na liwanag ang naghari sa buong paligid dahilan upang mapapikit ako.

***

Wala akong naririnig at maramdaman. Ang malinaw lang sa akin ay nasa tubig ako, unti- unting lumulubog ngunit nakakaya ko pang huminga, ngunit hindi makapagsalita at makagalaw.

Pinilit kong tumingala at lumanggoy ay hindi nangyari. Ilang segundo pa nang may lumapit sa akin, isang anino, isang lalaki na nakayuko. Bumangga ito sa katawan ko kung kaya't napatingla siya sa harapan niya, gulat ako na makilala siya. Hinawakan nito ang mga kamay ko na tila may inilagay doon at umalis na. Siya yung lalaking nakabangga ko sa may grocery store na may shadow sa loob ng katawan nito ng pilit nagtatago.

"Prince Lourde." Malalim pa sa salitang malalim ang hinugot kong paghinga nang magising ako. Pakiramdam ko ang galing ako sa malalim na parte ng dagat at kakaahon ko lang sa pagkalunod.

Behind the shadows [C0MPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora