Chapter 2: Arizon

267 105 78
                                    

Chapter 2: Arizon

Ramdam na ramdam ko naman ang kakaibang ambience na bumabalot sa buong lugar na tila ba nais nang katawan ko na umalis dito pero ang isip ko naman ang parang nagsasabing huwag na muna akong umalis.

Napatingin naman ako kay Clifford na kanina pa rin nakatingin sa tarangkahan kung saan nakasulat ang Arizon na parang may sinusuri siya dito. Tiningnan ko din ang mga taong kanina pa kami tinititigan. Magtanong kaya ako kung nasaan kami? Kanina pa kasi talaga ako gustong gustong magtanong eh pero natatakot lamang ako.

Ays! Deep breathe Alison kaya mo 'yan. Hinugot ko ang buong lakas ko upang magtanong at nilapitan ang lalaking nasa malapit sa akin.

"Hmm, excuse me? Pwede bang magtanong?" sabi ko pero para yatang nabigla siya ng kinausap ko siya dahil napaatras siya.

Nakita ko namang napalunok siya kaya napataas naman agad ang isa kong kilay. Okay lang ba siya? Nagtatanong lang naman ako ah!

"Ah, ano 'yon?" tanong niya kaya napabuga agad ako ng malalim na hininga. Salamat naman at nagsalita siya.

"Ah kasi ano, nasaan ba kami? Anong lugar 'to?" tanong ko na ikinagulat niya.

Nakita ko naman na parang nabigla rin 'yata ang ibang taong nakatingin sa amin kaya nagtaka ako at ang mas lalong ikinataka ko ay agad na nagbubolongan sila sa isa't-isa. Bakit? Ano bang mayroon sa tanong ko?

Tiningnan kong muli ang lalaki at kitang kita mo talaga sa mukha niya na gulat na gulat siya.

"Bakit may problema ba?" tanong ko sakanya pero hindi niya ako sinagot. Nakita ko naman ang paglapit ng isang babaeng ka edad ko rin yata.

"Hindi mo alam kung nasaan ka? Kayo?" takang tanong niya sa akin paglapit niya sabay tingin kay Clifford na papalapit na rin sa amin.

Nag kibit-balikat naman ako bago magsalita. "Hindi talaga namin alam kung nasaan kami at sa totoo lang kanina pa kami naliligaw sa kagubatan hanggang sa napadpad kami rito."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay mas lalo pang nagbulongan ang mga tao sa paligid. Bakit ba kasi?

"Nasa Arizon kayo at imposibleng hindi niyo alam ang lugar na 'to kasi walang ibang nakakapasok dito kung hindi ang mga Aiona lamang." sabi ng babae na ikinataka ko. 

Ano? Ano raw? Aiona?

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong din ni Clifford na nasa tabi ko na.

"Aiona ang tawag sa mga mage na nakatira rito sa Arizon. Ang mga mage ay mga taong may kapangyarihan na hindi tanggap sa mortal na lugar." suhewistyon niya dahilan upang mas magulohan ako.

Anong ibig niyang sabihin? Anong kapangyarihan? Mage? Mortal na lugar? Diyos ko kung panaginip lamang ito please pabalikin niyo na ako!

"At ano namang ibig mong sabihin sa sinabi mong walang ibang makakapasok dito sa lugar niyo kung hindi mga Aiona lamang?" tanong ni Clifford.

Ano ba 'tong lalaking ito? Naniniwala ba talaga siya sa sinasabi ng babaeng ito? Baka gino good time niya lang kami o baka masasama silang tao!

"Baka naman gino-good time niyo kami ah? Hindi ito magandang joke." natatawa kong ani sa kanya pero parang wala siyang alam sa sinasabi ko dahil nakita kong nalilito siya.

"Anong good time? Ano ang joke?" takang tanong niya dahilan upang matahimik kaming dalawa ni Clifford.

"At oo wala talagang ibang nakakapasok dito sa Arizon kung hindi kayo mga Aiona at kung hindi kayo mga Aiona ay baka isa kayo sa mga kauri ng iba pang mage." aniya kaya mas lalo akong nagugulohan.

Crimson Academy: The Hidden CharmWhere stories live. Discover now