Chapter 7: Gabriel Archane

154 74 13
                                    

Chapter 7: Gabriel Archane

"I am so useless!"

"Aaaah! Bakit ba kasi hindi ko magawa!"

Napamulat ako bigla ng marinig ko ang isang boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Napatingin naman ako kay Britt na natutulog ng mahimbing sa higaan niya.

"What? Gabi na pala?" I muttered ng masulyapan ang madilim na paligid sa labas ng bintana 'di kalayuan sa higaan ko.

Napatingin naman ako sa orasang nasa side table. It's 11:29 pm already. Hindi ko alam na sa sobrang pagod ko pala ay nakatulog na pala ako ng mahimbing at matagal pagkatapos naming mag-usap ni Britt kanina.

"You're so stupid Gab! Stupid!"

Wait- What?

"If I can just find that fckn key!"

Napatayo naman ako ng marinig ko ang singhal niya sa isipan ko. I know that voice at iisa lang ang alam kong kayang kumausap sa 'kin gamit ang isip ko.

Lumapit naman ako sa may bintana at dumungaw doon. Makikita mo ang mga malalaking puno na kapantay na ang buong kastilyo. Tiningnan ko ang nasa ibaba pero wala akong gaanong makita dahil gabi na. Napahawak naman ako sa dibdib ko ng maramdaman na may kakaibang mangyayari.

"Aaaaaaaah!"

Rinig kong sigaw niyang muli at ramdam ko na nasasaktan siya. Kaya walang pagdadalawang isip akong lumabas sa dorm at tumakbo ng mabilis palabas sa hallway.

Hindi ko rin naman alam kung saan siya hahanapin pero kusa na ring gumagalaw ang mga paa ko. Na para bang dinadala ako ng hangin sa kung saan.

Ilang minuto pa akong tumakbo hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa harap ng gubat. Hindi ko alam na may gubat pala dito sa loob ng academy. Pero hindi ko naman talaga maikakaila na malawak ang buong lugar kaya hindi na siguro ako magtataka kung mayroon pa akong ibang makita bukod sa kastilyo.

Ang gubat ay makikita sa likod ng kastilyo kaya hinihingal pa akong nakatayo dito sa pwesto ko habang hawak hawak ang mga tuhod ko. I calm myself and breathe deeply while searching something around the place.

Nang masigurado ko nang normal ng muli ang heartbeat ko ay lumakad na ako papasok sa loob ng gubat. Madilim at hindi gaanong nakikita ang daan pero naaaniag ko naman ito.

Ilang hakbang lang din papasok sa loob ng gubat ay makikita mo na kaagad ang isang lalaking nakatayo sa 'di kalayuan. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya pa ako nakikita.

Dahan-dahan naman akong lumakad papalapit sakanya ng may biglang tumunog. Tiningnan ko naman ang naapakan ko at nakita ang isang maliit na kahoy na wasak na dahil sa pagtapak ko.

Agad naman akong dumungaw sa kanya at napalunok ng makitang nakatingin na pala siya  sa akin. Anong nangyari sakanya?

Wala siyang pang itaas na damit. Tanging pantalon lang at tsinelas ang suot niya. At ang mga mata niya ay namumula. Napatingin naman ako sa mga kamay niyang nakakuyom na ngayon ay nagdudugo na.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa isipan ko at lumapit sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Huwag kang lalapit sa'kin." madiin niyang usal sa isipan ko kaya napahinto agad ako.

"Pero ang kamay mo!" pag-aalala kong wika sakanya dahilan upang mapatawa siya. 

Pekeng tawa.

"At sino ka sa tingin mo upang sabihin sa akin 'yan? Hindi mo ako kilala kaya bakit parang pinapakita mo na nag-aalala ka sa 'kin!" aniya at tinalikuran ako kaya cue ko na iyon para lapitan pa siya ng mas malapit.

Crimson Academy: The Hidden CharmWhere stories live. Discover now