Chapter 13: Special Guide

120 66 3
                                    

Chapter 13: Special Guide

Alison's Point of View

Pagkatapos kong kausapin ang babae kanina sa loob ng dining hall ay sakto ding nagsipasukan ang mga estudyante at ang royal elites. Kaya't sabay-sabay na rin kaming kumain sa mesa.

Tahimik lang rin ako kanina na nakikinig sa usapan nila. Hindi ko parin kasi matanggap na hindi na ako makakalabas pang muli dito sa academy kapag hindi na mahahanap pang muli ang susi.

"Alison!"

Napatingin naman ako sa mga kasama ko na tinitingnan ako. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Kanina niyo pa ba ako kinakausap?" nahihiyang tanong ko.

Sa pag-iisip ko tungkol sa kung paano ko mahahanap ang susi eh hindi ko na namalayang nandito na pala kami sa labas ng academy. Sa 'di kalayuan ay makikita mo ang mahiwagang water fountain. Nagsisimula na ring mangitim ang ibang diamonds kaya umiiba na rin ang kulay ng tubig sa ilalim nito.

"Sabi ko ay maghintay na muna tayo rito. Papunta na raw ang mga council head at may ibibigay daw sila sa atin bago natin gawin ang misyon." 

Nakabusangot na sabi sa akin ni Britt dahilan upang mapatawa ako ng mapakla

"Ah, ganon ba. Sige maghintay na muna tayo dito." tugon ko na lang sakanya.

Alam kong kanina niya pa ako kinakausap kaya sigurong nababagot na siya sa kakatawag sa akin eh hindi naman pala ako nakikinig. Inilibot ko naman ang buong paningin ko at nakitang kami lang ang mga mage na nandito sa labas ng academy.

"It's thursday." I mumbled.

Kaya walang mga estudyante dito sa labas ng academy ay dahil balik na sa normal ang klase nila. Pinayagan ni headmaster na bumalik sa dati ang sched ng mga estudyante upang hindi sila mag panic at matuon ang atensyon nila sa pag-aaral nila.

Nabanggit sa akin ni Joseph kanina ng papunta kami sa dining hall, na ang mga estudyante dito sa academy ay tinuturoan ng mga basic and advance education.

Ang mga itinuturo sa mortal na mundo ay itinuturo rin dito sa loob ng academy. Isa si headmaster Cleisha sa mga nagbibigay impormasyon ukol sa mga iba't-ibang asignatura na nakapaloob sa basic and advance education na dapat matutunan ng mga mage. Sa tulong ng ability ni headmaster kaya natututonan nila ang mga bagay na itinuturo sa mortal na mundo.

Kaya kahit nasa loob sila ng academy at natrap ng matagal na panahon eh hindi pa rin naging hadlang 'yon para maipagpatuloy ang maganda at dekalidad na edukasayon dito sa Crimson Academy.

Kaya hindi na ako magtataka pa kung marunong magsalita ng wikang Ingles ang mga mage dito sa loob.

"Nandito na sila."

Pagkarinig ko sa sinabi ni Christy eh agad akong napatingin sa apat na council head na kakalabas pa lamang galing sa loob ng kastilyo.

"May bitbit sila." mahinang sabi sa amin ni Britt kaya napatitig naman kami sa mga dala nila.

Mayroon silang hawak-hawak sa mga kamay nila. Hindi ko alam kung para saan iyon.

"Kanina pa ba kayo naghihintay sa amin?" bungad na tanong sa amin ni council head Miranda kaya mabilis naman kaming napatango.

"Huwag na nating patagalin pa. Bago kayo pumasok sa loob ng chamber ay may ibibigay muna kami sa inyo." sabi ni council head Leon at ipinakita ang dala niya.

"Isang ibon?" takang tanong naming lahat.

Ano namang gagawin namin sa ibon na 'yan?

"Bibigyan namin kayo isa-isa ng mga gabay. Ito ang magsisilbing special guide niyo upang mapadali ang misyon." otorisadong sabi ni council head Riel dahilan upang mapatahimik kami.

Crimson Academy: The Hidden CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon