Chapter 11: Who is she?

131 68 3
                                    

Chapter 11: Who is she?

Isang pares ng sapatos ang pumasok sa loob ng kwarto at tanging pag galaw niya lamang ang naririnig sa buong silid. Ang aking kamay ay nakataas pa rin sa ere na para bang may sinusuportahang invinsible barrier.

Tiningnan naman ako ng lima ng may bahid na pagtataka sa kanilang mga mukha ng makita ang mage na kapapasok pa lamang sa silid.

"Why?" I silently ask and there I saw headmaster Cleisha wearing an hospital gown.

Kung hindi mo susuriin ng mabuti ay hindi mo talaga makikilala na si headmaster Cleisha na pala ang nasa harap mo. Naramdaman ko naman na magsasalita na sana si Christy ng agad ko siyang hinawakan sa kamay.

"Huwag!" I silently mumble in the air upang hindi kami marinig ni headmaster.

Binigyan niya naman ako ng bakit-ba-look kaya sinenyasan ko na naman silang huwag munang gumalaw.

"Nasaan siya?" takang tanong ni headmaster Cleisha at hinubad ang hospital mask na suot niya.

Nagkatinginan naman silang lima at tiningnan ako ng hindi makapaniwala look.

"Anong ginagawa mo?" tanong sakin ni Britt pero walang ingay ang lumalabas sa bibig niya. 

Tanging ang pagsasalita lang niya ang naiintindihan ko.

"Huwag kayong gumalaw, mahahalata ni headmaster na nandito tayo kung hindi kayo tatahimik sa pwesto niyo." marahang sabi ni Gab sa isipan namin.

Kaya nanatili na sila sa pwesto nila at hindi na gumawa pa ng kahit anong galaw. Nakikita ko namang parang nagtataka si Christy sa ginagawa ni headmaster Cleisha. Tinitingnan ni headmaster Cleisha ang buong silid at wari ba'y parang may sinusuri.

"Walanghiya saan ba siya nagpupupunta!" galit na singhal ni headmaster dahilan upang mapasinghap kami.

Napatingin naman agad si headmaster sa pwesto namin dahilan upang manghina na naman ang katawan ko.

"Clay halikana! Baka may makahalata pa sa'tin!" mabilis na sabi ng isang binatang lalaking kapapasok pa lamang sa loob ng kwarto.

Kaya natuon naman ang atensyon niya sa lalaki. 

"Wala siya dito, naka alis na siguro siya kanina pa." dismayadong sabi ni headmaster Cleisha at agad na sumama sa lalaki palabas ng silid.

Isinara nila ang pinto kaya inalis ko na ang kamay kong nakalutang sa ere.

"Hindi siya si headmaster Cleisha." agad na sabi ni Joseph at tinangoan naman siya ni Viol.

"Oo nga! Ang mga dark mage ay may kakayahang magpalit ng anyo nila. At siguradong kinopya niya lang si headmaster Cleisha." tugon naman ni Viol.

"Atsaka tinawag siya sa pangalang clay ng lalaki kanina kaya paniguradong impostor 'yon." wika naman ni Britt.

"Bakit kaya sila nandito? At sino ang hinahanap nila?" tanong ni Christy dahilan upang matahimik kaming lahat.

Sino nga ba ang hinahanap nila? Hindi ko gusto ang mga naiisip ko pero pakiramdam ko ay ako ang nais nilang mahanap.

"Teka lang! Alison paano mo nagawa 'yon?" excited na tanong sa'kin ni Britt kaya ang atensyon nila ay napunta na sa akin.

"Ang alin Britt?" takang tanong ko naman sakanya.

"Paano mo nagawang itago kami sakanya. Hindi ba? Hindi niya tayo nakikita. Naging invinsible tayo sa mga mata nila. Ibig bang sabihin niyan ay ability mo rin yan?" tanong sakin ni Britt kaya tinitigan naman nila akong lahat at hinihintay ang sagot ko.

Crimson Academy: The Hidden CharmWhere stories live. Discover now