Chapter 8: The Royal Elites

132 69 13
                                    

Chapter 8: The Royal Elites

Nakabalik kami ni Gab sa dorm ng nagmamadaling araw na. Sa tagal naming nag-usap ay hindi namin agad namalayan ang oras. Kaya heto ako ngayon sabog na naglalakad patungong dining hall.

"Saan ka ba kasi galing Alison at madaling araw ka ng nakabalik. Tingnan mo nga sarili mo, para kang isang linggong hindi natulog sa itsura mo." nakabusangot na sabi ni Britt.

Kanina pa 'yan nangungulit sa akin. Nagising kasi siyang hindi ako nakita sa higaan kaya nagtaka na siya kung saan ako nagpunta. Eh hindi ko naman kabisado ang buong lugar.

Alangan naman kasing sabihin ko sakanya ang buong nangyari. Knowing her napakadaldal niya at baka malaman pa ng iba. Hindi ko na lamang sinagot si Britt at tinuon na lamang ang pansin sa direksyon na dinadaan namin.

Nakarating kami sa dining hall at nadatnan namin ang ilang estudyanteng nag-uusap, nagkukumpulan at kumakain ng agahan. Nakita ko namang napatigil sila ng makita kami. Bumalik sila sa pwesto nila at umupo ng maayos. Okay, ang weird ng pinapakita nila ah.

"Nako huwag mo na lang silang pansinin." bulong ni Britt sa'kin at heads up na naglalakad ngayon patungo sa hilera ng mga pagkain.


"Sabi nila siya daw ang tutulong sa'ting mabuksan ang academy."

"Talaga?"

"Oo, naibalita na nga ito sa chamber eh."


Rinig na rinig ko ang mga usap-usapan nila kahit nasa malayo sila sa 'kin. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil hindi ko naman alam kung sino ang pinag u-usapan nila.


"Narinig ko sa mga council head na siya na raw ang matagal ng hinihintay ni head master."

"Iyong babae sa pangitain ni head master?"

"Oo siya nga! At kasama niya pa ngayon si Britt."

"Oo nga at ang swerte niya dahil nakakausap niya ang mga members ng royal elites."

"Narinig ko rin na galing din siya sa labas ng academy. Sa Arizon."

"Ano kaya ang istura sa labas?"


Pagka rinig na pagka rinig ko sa pinag-uusapan nila ay napatigil na ako. Huminto ako sa paglalakad at nakita ko namang napansin nila iyon.


"May problema ba?" pasulyap na tanong sa'kin ni Britt na ngayon ay malapit na sa mga nagse-serve ng pagkain.

"Wala, walang problema." sagot ko at ipinagpatuloy na lamang ang paglakakad.

I sighed. Mabilis nga talagang kumalat ang mga balita rito sa loob ng academy. Eh kahapon lang naman ako nakapasok dito.

Lumapit na ako sa tabi ni Britt at napatingin sa mga iba't-ibang putahe na naka hilera sa harap namin. Mayroong tatlong babaeng nag se-serve rito at pipili ka lang kung ano ang gusto mo.

Sabi ni Britt ay libre raw ng akademya lahat ng pagkain at gamit na gusto kong kunin kaya pwede raw akong kumuha ng walang inaalala. Sinuri ko ang mga pagkain at naistatwa ng mapansing kakaiba ang mga putahe nila.

Ang mga gulay dito na kagaya ng kalabasa, carrots at malunggay ay mas malaki kumpara sa mga gulay na nakikita ko sa mundo ko. Ang karne ng baboy ay mas malaki rin at malaman. Ang sangkap at ipinanghalong ingredients dito ay kakaiba rin. Ang ibang putahe nila ay hindi ko na alam kung ano iyon.

Crimson Academy: The Hidden CharmWhere stories live. Discover now