Chapter 10: Dark Mage

123 66 5
                                    

Chapter 10: Dark Mage

Britt's Point of View

Nang mahimatay si Alison ay agad siyang kinuha ni Gab at tinakbo palabas. Kailangan niyang dalhin si Alison sa hospital ng chamber. Hinarap naman namin ang mga masasamang elemento na ngayon ay nasa matataas na puno 'di kalayuan sa amin.

Hindi ko naman aakalain na hindi na namin sila kailangang hanapin. Kasi nandito na sila oh. Sa harap namin. Kani-kanina lang ay pinag-uusapan namin sila pero ngayon sila na mismo ang lumalapit sa amin.

Nakita ko naman na naghanda na ang mga council head na lumaban. Napalunok naman ako. Ngayon lang ako makakapaglaban sa totoong kaaway. Tatlo silang dark mage. Isang babae at dalawang lalaki. Nanglilisik ang mga mata nila. Nakakatakot!

Ihahanda ko na rin sana ang sarili ko ng biglang may sumabog. Napakalakas! Na tila ba maririnig ito sa buong academy. Natumba naman ako at napatingin sa mga kasama kong hindi rin nakapaghanda.

Walanghiya!

Tumayo ako ng mabilis at agad na humarap sa kanila. Nasira na ang kalahati ng council office dahil sa malakas na pwersang pinakawalan nila. Pinalilibutan na rin ng maiitim na usok ang buong council office.

Itinaas ko ang mga kamay ko at bumuo ng tubig sa mga kamay ko. Ihinugis palaso ko ang tubig at ginamit ito upang maging palaso.

Nakita ko namang gumawa rin ng palaso ang lalaking dark mage na gawa sa apoy kaya inunahan ko na siya. Mabilis kong itinira sa kanya ang palaso ngunit natumba ako ng may malakas na hangin na bumulusok sa pwesto ko.

I greeted my teeth in frustration.

Nakita kong naglaban laban na rin sila versus sa tatlong dark mage. Ngunit malalakas talaga ang mga kalaban. Gagawa na rin sana ako ng malaking espada ng biglang natumba lahat ng mga kasamahan ko pati na rin ang mga council head.

Napatingin naman ako sa tatlong dark mage at nakitang papalapit sila sa amin. Huminto sila at tiningnan kami.

"Nais lang naming makuha ang prinsesa. Hindi namin kayo gagalawin kung ibibigay niyo siya." sabi ng babaeng dark mage at tiningnan ang mga council head.

"Ano bang prinsesa pinagsasabi mo? Wala kaming prinsesa dito!" singhal ni Christy sa kanila.

"Mayroon! Siya ang prinsesa ng arizon. At-"

Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya ng bigla silang binulusok ng malaking tubig. Pinalilibutan na sila ngayon ng ipo-ipo. Napatingin naman ako kay council head Brenda. My Mom.

"Dakpin niyo siya! Makakatakas na sila!" sigaw ni Mom kaya agad kaming kumilos.

Ngunit bago pa kami makapunta sa pwesto nila ay nawala na sila. Nakatakas sila. 


Alison's Point of View

"Paano kung bumalik sila? Anong plano natin?"

"Maghanda tayong lahat. Sabihan ang buong estudyante ng academy at ipaalam na rin ito sa buong mage na nakatira sa chamber."

"Pero paano kung mag hysterical sila? Alam mo naman hindi ba? Hindi tayo nakakaranas ng ganito simula noon!"

"Paano kung isa lang itong trap? Na kasama pala siya sa mga masasamang mage na 'yon?"

Crimson Academy: The Hidden CharmWhere stories live. Discover now