Chapter 5: The Portal

152 84 23
                                    

Chapter 5: The Portal

Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng puso ko habang sinunsundan namin ni Clifford ang direksyon na ipinapakita ng mga puno. Sumabay pa ang malakas na ihip ng hangin na para bang may bagyong darating sa kabang nararamdaman ko. 

Hindi ko rin naman matantya kung ano ang ibig sabihin ng kabang nararamdaman ko ngayon. Kung nababahala ba ako? O kung may hindi ba magandang mangyayari. Alam mo 'yon? 'Yong natural instinct na mararamdaman mo kapag nasa sitwasyon ka nang kagaya ko ngayon.

Napabuntong hininga naman ako. Kanina pa namin sinusundan ang direksyon na ipinapakita ng mga puno, pero parang wala naman kaming esaktong pupuntahan. Kung susuriin mo nga rin ang paligid ay wala ka talagang ibang makikita kundi ang mga malalaking puno lang na nakapalibot sa iyo.

Well what would you expect? Nasa gitna kayo ng gubat kaya hindi ka na aasa na may makikita ka pang ibang tanawin kundi ang mga puno lang.

Pero kahit na alam kong walang patutunguhan ang tinatahak naming landas ni Clifford ay mismong ang katawan na rin namin ang sumusunod sa direksyon. Na para bang kinokontrol kami.

Wala man lang akong ka alam-alam na sa parehong oras din na 'yon ay sinimulan na pala ni dad at ng mga council head ang orasyon. Orasyon upang mabuksang muli ang akademya.


Ignacio's Point of View 

"Sigurado ka ba talaga dito Ignacio?" tanong ni Anton sa akin sa ikatatlong pagkakataon.

I sigh and nod. "Sigurado ako Anton. Kung hindi natin susubokan ngayon eh kailan pa? At mabuti ng simulan na natin ngayon dahil kapag hindi gumana ay magagawan agad natin ng solusyon."

"Tama ka nga hon, pero paano kung gumana nga? At hindi pa nakakabalik si Alison. Hindi ba ihinabilin mo siya kay Brianna?" suhewistyon ng aking asawa at nakikita ko namang nag-aalala siya.

"Huwag kang mag-aalala. Pabalik na ang mga iyon, ang importante masimulan na natin ang orasyon." sabi ko at tiningnan ang apat pa naming kasama. 

Alam ko namang hindi pababayaan ni Brianna ang anak ko kaya ilang minuto lang din ay alam kong makakabalik na sila. 

Ako, ang asawa ko, si Anton at ang iba pang mga council head ang gagawa ng orasyon. Napatingin naman ako sa mga aionang naghahawak kamay na nakatingin sa amin. Alam kong matagal na rin nilang gustong mabuksan ang akademya. Dahil kapag nangyari nga iyon, maibabalik na sa dati ang lahat.

"Simulan na natin." sabi ko sakanila at nag sipuntahan na kami sa mga pwesto namin.

Pito kaming nakaka alam sa orasyon at ilang taon na namin itong pinaghandaan at sa tingin ko oras na. Nakatayo kaming pito na nakaporma ng pabilog. Malaki ang distansya namin at nasa gitna ang isang libro. Libro na galing sa akademya.

Kapag gumana ang orasyon ang portal ng Crimson Academy ay magbubukas. 

Ang akademya ay matatagpuan sa gitna ng kagubutan. Matatahak ang kagubatan sa kabilang dapit ng ilog ng arizon at kapag tagumpay naming magawa ang orasyon at gumana ito, ang portal ay magbubukas. Ang daanan papasok sa loob ng academy ay magbubukas.


Alison's Point of View


Tumigil kami ng sandali sa paglalakad ng maramdaman naming huminto na rin sa pag galaw ang mga puno.

"Now what?" I murmured.

Napasulyap naman ako sa itaas ng maramdaman ang maliliit na tubig na pumapatak sa balikat ko. Uulan pa yata!

"Clifford ano na?" tanong ko sakanya. 

Siya naman kasi talaga ang nag ayang sundan namin ang mga puno tas ngayon huminto na sila. At malas pa kasi uulan!

Crimson Academy: The Hidden CharmWhere stories live. Discover now