Chapter 6.1: Crimson

148 81 24
                                    

Chapter 6.1: Crimson

Binabalot ng makakapal na usok ang paligid dahilan upang hindi ko matanaw kung nasaan ako. Ang malamig na hangin at ang pag bugso ng ulan na nararamdaman ko sa arizon kanina ay nawala nang ako'y nakapasok na sa portal. Na tila ba nasa ibang dimensyon na ako.

Ayoko rin namang mag conclude na nasa akademya nga ako hanggang sa hindi ko pa nasisiguro at nakikita ang kabuoan ng paligid.

Huminto naman agad ako ng maramdamang unti-unti ng nawawala ang mga usok na nakapaligid sa akin. I breathe heavily and wait quietly to see the environment that surrounds me and there. I saw!

Ang malalaking puno na nakapalibot sa bawat sulok ng lupain. Ang malaking water fountain sa gitna at sa 'di kalayuan naman ay ang malaking kastilyo na pinapasukan ng mga taong naka uniporme.

Humakbang ako ng ilang metro upang makita ang kastilyo at napasinghap ng mabasa ang nakasulat sa itaas.

"Crimson Academy."

Clifford's Point of View

Pagpasok ni Alison sa loob ng portal ay agad akong tumakbo ng mabilis pabalik sa village. Kailangan kong sabihin kay ama at sa ama ni Alison na nakapasok na siya sa portal.

Ilang metro na lang sana ang tatakbuhin ko ng makita ko ang mga aionang nakatingin sa gitna. At pagtingin ko ay nandoon sila. Si ama, kasama ang hari at ang iba pa nilang kasamahan. Nakapalibot sa isang libro habang may sinasambit na orasyon.

Tama nga ang hinala ko, nagsisimula na nga sila!

"Clifford! Nakita mo ba si Alison?" rinig kong tanong ng isang babae sa likuran ko.

Tiningnan ko naman ito at nakita si Brianna na nag-aalala kasama si Ryler na papalapit pa lamang sa akin.

Hindi ko na lamang sinagot ang tanong niya at tiningnan ko na lamang muli sina dad kasama ang iba pang council head na sinsambit pa rin ang orasyon. Kailangan na nilang malaman 'to.

Ilang segundo lang din ng natapos sila kaya agad na akong lumapit. Naramdaman ko namang sumunod ang dalawa sa akin kaya pinabayaan ko na lang.

"Dad!" I muttered at nakita ko namang napatingin sila sa akin.

"Brianna! Nasaan ang anak ko?" tanong naman ng mommy yata ni Alison sa kanya ngunit umiling lamang siya.

"Brianna sa'yo ko ihinabilin si Alison." seryosong wika ni haring Ignacio at nilapitan kami. 

"Kaya bakit hindi mo siya kasama?" takang tanong niya.

"Haring Ignacio pasensya na. Nagpaiwan si Alison sa ilog kanina at akala ko ay susunod agad siya sa akin. Binalikan ko naman siya pero pagbalik ko ay wala na siya doon. Kanina pa namin siya hinahanap pero wala siya. Hindi namin siya nakita." pag-aalalang usal ni Brianna.

"Ano! Hanapin natin siya Ignacio!" nababahalang utos ng mom ni Alison kaya nagsalita na ako.

"Huminahon na po muna kayo. Ako po ang kasama ni Alison kanina at-" hindi ko pa natatapos ang sinabi ko ay nagsalita na agad si haring Ignacio.

"Nasaan ang anak ko? Anong ginawa mo sakanya?" nababahalang tanong niya kaya napatahimik kaming lahat.

"Anak." rinig ko namang nagtataka ang aking ama.

I sighed. "Nasa ilog kami kanina at pabalik na sana kami dito ng bigla naming nakita ang mga puno sa gubat na parang may ipinapahiwatig na simbolo. Na para bang may direksyon silang itinuturo. Sinundan naman namin iyon ni Alison hanggang sa nakita namin ang isang portal. Naisip namin kanina na baka iyon ang portal papasok sa akademya. At iyon nga nakapasok nga si Alison. Hindi naman ako nakapasok kaya nagmamadali na lamang akong bumalik dito para ipaalam sa inyo." sabi ko at huminga ng malalim.

Crimson Academy: The Hidden CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon