Chapter 16: Safe and Sound

151 20 1
                                    

Chapter 16: Safe and Sound

Nagising akong parang may kumikirot sa gilid ng tiyan ko. Nararamdaman ko rin ang pagmanhid ng buong katawan ko.

Anong nangyari?

Kumurap ako't inilibot ang paningin sa buong paligid. Malinis at maaliwalas ang buong silid. May bulaklak at prutas naman na ngayon ko lang yata nakita na nakalagay sa mesa.

Napabuga naman ako ng malalim na hininga ng pinilit kong umupo sa kinahihigaan ko. Dumapo ang tingin ko sa aking tiyan at nakita ang nakaikot na puting tela rito.

Inalala ko naman ang huling nangyari. Nasa chamber kami at naramdaman ko na may mangyayaring masama. Pinuntahan namin sina Britt nang maramdaman ko ang panganib sa direksyon nila. Hanggang sa nakipaglaban si Joseph at Gab sa mga dark mage.

Napahawak ako sa tiyan ko at naalala kung paano sinasaksak ng lalaking dark mage ang tiyan ko. Naalala ko rin ang sinabi niya sa akin bago niya ako saksakin.

"Paalam prinsesa."

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang may pumasok pala sa loob ng silid. Nang makita niya ako'y biglang nanlaki ang mga mata nito. Na para bang nakakita siya ng multo.

"Ali!"

Hindi makapaniwalang usal niya't nilapitan ako. Nginitian ko naman siya ng mapakla.

"Gab."

Paglapit niya sa akin ay agad niya akong dinamba ng mahigpit na yakap dahilan upang mapadaing ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa gilid ng tiyan ko.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Gab ng bumitaw na siya sa pagkakayakap.

Tinitigan niya muna ako ng bahagya bago sinagot ang tanong ko.

"Sinaksak ka Ali at hindi ka man lang namin nailigtas. Hindi kita nailigtas." wika ni Gab at iniwas ang tingin sa akin.

"Nakatakas ang lalaking dark mage at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin siya."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Nakatakas? I sighed. Kung hindi lang sana ako mahina at nakipaglaban din kagaya ng ginagawa nila ay paniguradong hindi iyon nakatakas.

"Agad kitang kinuha at dinala rito sa hospital ng chamber at hindi na pinansin ang dark mage na iyon pero natakasan niya sina Joseph." patuloy niyang sabi dahilan upang manlaki ang mga mata ko.

"Ano?" hindi makapaniwalang usal ko.

"Sana hinayaan mo na lamang ako! Mas mahalagang madakip ang dark mage na 'yon!" I blurted.

Hindi ako makapaniwalang inuna niyang dalhin ako sa hospital kaysa labanan ang dark mage na iyon. Nakita ko naman ang pag igting ng mga baga niya. Napakunot noo na din siya.

"Kung hindi kita dinala agad dito sa hospital paniguradong lalala ang sugat na natamo mo! May posibilidad na mawala ka and I will not choose to fight that man over you!" galit na usal ni Gab na ikinabigla ko.

"I-I just want to save you Ali. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag m-mawala ka."

Tila nabinge naman ako sa mga naririnig ko galing sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. I-I feel weird. Agad kong hinawakan ang dibdib ko at naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko. Nakita ko rin ang pagpula ng mga tenga ni Gab.

"I-I just want you safe Ali." wika niya at yumuko.

Nararamdaman kong nasasaktan siya. But why? Hindi niya pa ako lubosang kilala at hindi ko rin alam ang buong pagkatao niya. Ilang araw lang ba kaming magkakilala?

Hindi ko alam na sa mga oras palang iyon ay may nararamdaman na pala akong kakaibang sensasyon patungo kay Gab. Hindi ko alam na sa mga oras palang iyon ay higit pa sa inaakala ko ang nararamdaman ko patungo sa kanya.

Maybe everyone is right. When you found that one special person you will feel the spark, the trembling emotions and the loud pound in your chest. You will feel that weird sensation.

Nagkakilala man kayo ng matagal o hindi. Kilala mo man siya ng lubosan o hindi. Nanggaling man kayo sa iisang lugar o hindi.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan hanggang sa dumating na nga sina Britt kasama si Joseph, Viol at Christy. Marami silang sinabi sa akin at nalaman ko lang din na isang linggo na pala akong nakaratay dito sa ospital.

Nalaman din nilang nagpapanggap lang na si headmaster Cleisha ang babaeng dark mage nong pinuntahan nila kami rito sa ospital noong una. Namatay ang babae at lalaking dark mage at kasalukuyang pinaghahanap ang isa pang nakatakas nilang kasamahan.

Marami pa silang sinabi sa akin pero doon ako napatigil ng may itinanong sa akin si Britt.

"A-Ah Alison? Hindi ba nanggaling ka sa arizon? Ibig sabihin niyan kilala mo kung sino ang prinsesa ng arizon hindi ba?" tanong niya at tumango naman si Joseph at Viol ng marinig iyon.

Tila nanuyo bigla ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo.

Ngunit nang magtanong si Christy tungkol sa sinabi ng dark mage na sumaksak sa akin ay doon na talaga ako namutla at nanginig. Hindi ko gustong malaman nila ang totoo. Dahil baka ibigay lamang nila ako sa dark mage na iyon lalo na't ako ang hinahanap nila.

"Narinig naming tinawag kang prinsesa ng dark mage na nakatakas. Anong ibig sabihin non?"

Tumigil sila't tinitigan ako. Hindi rin ako makatingin ng maayos sa mga mata nila.

"P-Pasensya na." iyon lamang ang tangi kong nasabi.

Nakita ko namang hinawakan ni Gab ang kamay ko. Nginitian niya ako at tinitigan sa mga mata na para bang sinasabihan na okay lang 'yan. Na walang masamang mangyayari.

Hinugot ko ang buong lakas ko bago sila sinagot muli.

"P-Pasensya na at hindi ko sinabi ang totoo. A-Ama ko ang kasalukuyang hari ng arizon na si haring Ignacio. Natakot lang kasi ako na baka isumbong niyo ako't ibigay sa mga dark mage na iyon." mahinang pagkakasabi ko at yumuko.

Naramdaman ko naman ang pagbuntong hininga ni Britt sa harap ko.

"Naiintidihan ka namin Alison. Kaya pala bigla nalang nila tayong sinugod kasi prinsesa pala ang kasama namin. 'Wag kang mag-alala po-protektahan ka namin. 'Di ba?" wika ni Britt at tiningnan sina Viol.

Nakita ko naman ang pagtango ni Christy.

"We wouldn't let anyone take you. Lalo na't nalaman naming ikaw pala ang prinsesa." usal ni Christy na ikinabigla ko.

Tila naging mahinahon na ang ekspresyon niya patungo sa akin. Na para bang pinagkakatiwalaan na niya ako.

"A-Akala ko kasi isusumbong niyo ako't lalo na't hindi niyo naman ako ganon ka kilala." wika ko at kinagat ng marahan ang labi.

Nakita ko namang napailing sina Joseph at Viol.

"Hindi ka namin ibibigay o isusumbong sa mga masasamang elemento na 'yon. Nang una ay napaisip kami kung sino nga ba ang prinsesa pero hindi namin gagawing ibigay siya sa dark mages lalo na't ikaw pala iyon." wika ni Joseph.

"Mas lalo ka nga dapat naming ingatan. Prinsesa ka ng hari ng arizon at nagpunta ka rito para tulongan kami. Ang sama naman namin kapag pinabayaan ka lang namin dito." wika ni Viol at nginitian ako.

Nakita naman sa gilid ng mga mata ko ang pag-irap ni Christy kay Viol.

"H'wag kang mag-alala. Gagawin ko lahat para lang maligtas ka Ali."

Napatingin naman ako kay Gab ng marinig ang boses niya sa isipan ko. Nang magtama ang aming paningin ay tila naramdaman ko na naman ang kakaibang sensasyon na pumapalibot sa buong katawan ko.

Nginitian ko si Gab at kinausap siya sa isipan ko.

"Thank you, Gab."

Crimson Academy: The Hidden CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon