Chapter 12: Trap Inside

136 68 7
                                    

Chapter 12: Trap Inside

Nagising ako kinabukasan dahil sa mainit na sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana. Pagkagising ko ay ang mahimbing pang natutulog na si Britt ang nadatnan ko kaya hindi ko na muna siya ginising.

"Alison!"

Napatingin naman ako sa likuran ko at nakitang tumatakbo ng mabilis si Joseph papalapit sa akin.

"Joseph." tawag ko sakanya at nakita ko namang hinihingal siya. 

"Bakit ka ba kasi tumatakbo?"

Napaanga naman siya sa tanong ko. 

"Kanina pa kaya kita tinatawag eh hindi ka naman lumilingon." buntong hininga niyang sabi sa akin.

Talaga? Wala naman kasi akong narinig eh. Occupied kasi ang utak ko kaya siguro hindi ko napansing tinatawag niya pala ako.

"Eh bakit ba kasi?" tanong ko at ipinagpatuloy na ang paglalakad sa corridor. 

Pupunta kasi akong dining hall. Nagugutom ako eh.

"Sabay na ako sa'yo. Alam kong sa dining hall ang punta mo eh." sabi niya kaya tinangoan ko naman siya.

Pagpasok palang namin sa Dining Hall eh agad na bumungad sa amin ang mga titig ng mga estudyante. Kaonti lamang silang nandirito ngayon hindi kagaya nang unang punta ko rito.


"Sabi ni headmaster ay gagawa raw ng paraan ang mga royal elites at si miss Alison upang madakip ang mga dark mage."

"Talaga? Tutulong din si miss Alison?"

"Oo, 'yon ang sabi ni headmaster. Atsaka 'yon din daw ang rason kung bakit pumasok si miss Alison dito sa loob ng academy. Upang tulongan tayo."

"Wow! Napakabuti niya naman pala. Itinaya niya ang buhay niya para sa atin."

"Oo nga noh! Kahit alam niyang hindi na siya makakalabas pang muli sa academy-"


Napahinto naman ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi ng babae 'di kalayuan sa akin. Anong ibig niyang sabihin? Anong hindi na makakalabas?

Dali-dali naman akong lumapit sa babaeng nagsabi non dahilan upang mabigla sila sa inasal ko.

"Alison anong gagawin mo?" takang tanong ni Joseph at sinundan ako

"Anong ibig mong sabihin? Anong sinabi mo? Paanong hindi na ako makakalabas dito sa academy?" sunod sunod kong tanong sa babae dahilan upang mapapigil sila sa mga ginagawa nila.

Nakita ko namang sumusulyap sa amin ang iilang estudyanteng nandito sa loob ng dining hall.

"A-Ah miss Ali-son kasi ano." 

Kinakabahang sagot ng babae kaya napabalik naman ako sa katinuan ko. Pabigla bigla ba ako? Huminga naman ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

"Pasensya na kung nabigla kita. Gusto ko lang sanang malaman kung anong ibig mong sabihin sa sinabi mong hindi na ako makakalabas pang muli."

This time ay sa mahinahong tono ko na siya kinausap kaya ramdam kong gumaan agad ang pakiramdam niya.

"Alison bakit mo ba 'yan tinatanong?" 

Sinamaan ko naman ng tingin si Joseph at itinaas ang kanang kamay ko.

"Teka lang kasi. May gusto lang naman kasi akong malaman eh." sabi ko at tiningnang muli ang babae. Siguro ay nasa 16 lang ang edad nito.

"Ah kasi miss Alison? Diba ang lahat ng mage na nandito sa loob ng academy eh hindi na nakakalabas? So ibig sabihin nyan, nong naisipan mong pumasok dito sa loob ng academy eh alam mong hindi ka na makakalabas pang muli. Dahil sino mang mage ang nandirito sa loob ay na trap na. Hindi na nakalabas. Kaya nga saludo kami sa iyo eh! Iniwan mo ang kalayaan mo sa labas para lang tulongan kami dito sa loob."

Crimson Academy: The Hidden CharmWhere stories live. Discover now