Chapter 4: History of Arizon

170 91 38
                                    

Chapter 4: History of Arizon

Umaga na naman at kagaya nga ng sinabi ni dad kahapon ay bumalik nga ako sa arizon. Gusto ko pa kasing lawakan ang aking pag-iisip tungkol sa mga bagay na nakapaloob sa Arizon, tungkol sa mga mage at iba pa.

Maaga rin kasi akong nagising kanina kaya maaga rin akong nagpunta rito sa arizon. Tiningnan ko naman si Brianna na nasa gilid ko lang na kanina pa tahimik na nakatingin sa ilog na nasa harap namin. Sabi ni dad kahapon ay sakanya niya raw ako ihahabilin kaya heto kami ngayon at magkasama.

Nakakamangha nga rin dahil nalaman kong may ilog pala rito. Ilang minuto lang ang lalakbayin mo para mapuntahan ang ilog. Makikita ito malapit sa gubat at bago ka makakapasok sa gubat ay dadaanan mo muna ang ilog na 'to. May kalayuan nga lang sa sentro ng village at kagaya ko na baguhan pa sa lugar na 'to eh kailangan ko talaga ng may kasama.

Nalaman ko lang din kanina na nandito rin pala si Clifford ngayon at kasama niya ang kapatid ni Brianna na si Ryler. Nasabi rin sa akin ni dad kahapon na ama pala ni Clifford ang isa sa mga council head ng arizon. Nasaan kaya sila ngayon?

Tiningnan ko naman si Brianna na kanina pa hindi umiimik. Kausapin ko na kaya? Pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"Ano ba ang gusto mong malaman?" malamig na tanong niya sa akin. 

Bakit siya ganyan? May nagawa ba ako?

"May problema ka ba?" pag-aalala kong tanong sakanya at nakita ko namang napansin niyang nababahala ako. 

Kaya naging maamo muli ang mukha niya at tiningnan na ako.

"Pasensya na, may iniisip lang kasi ako." aniya kaya tinangoan ko na lamang siya.

"Hmm, gusto ko sanang malaman ang nakaraan ng arizon, ang akademya, lahat-lahat gusto kong malaman." panimula ko sakanya at nakita ko namang tumango siya.

Huminga na muna ako ng malalim ng maramdamang mag uumpisa na siya sa pagsasalita.

"Isang daang taon na rin ang nakakalipas ng mabuo ang lugar ng arizon. At isang daang taon na rin ng muling masilayan ng mga aiona ang akademya ng arizon. Ang Crimson Academy." aniya at tiningnan ako sa mata na parang kinakausap ako.

"Ang akademyang ito ay ipinatayo ng hari ng arizon na si haring Ignacio. Si haring Ignacio at ang kanyang asawa na si Celeste ang naging tagapamahala ng akademya sapagkat ang kanyang asawa ay nais ding magturo ng mga bata upang hasain ang kapangyarihan nila at upang matuto sa mga impormasyon na nakapaloob sa dimensyon ng mga may kapangyarihang nilalang."

Tumango tango lamang ako habang sinasabi niya iyon at tahimik na nakikinig sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin.

"Pero biglang may nangyaring kagulohan." pagkasabing-pagkasabi niya no'n eh para bang bigla akong kinilabutan.

"Nagkaroon ng awayan sa iba't-ibang mage. Ang mage ay ang tawag sa mga taong may kapangyarihan at hindi tanggap sa mortal na mundo. Ang mage ay may iba't-ibang uri." aniya dahilan upang mas makinig ako ng mabuti sa mga sinasabi niya.

Na cu-curios din kasi ako kung ano nga talaga ang mga mage at gusto ko pang malaman ang mga impormasyon ukol dito.

"Ang unang mage ay ang mga aiona na nakatira sa arizon. Tayo ang pinakamalakas na mage sa lahat dahil ang pamamalakad ng ating hari ay hindi sapilitan at lahat ay natutulongan. Nasa arizon din ang mga mage na may pinakamalakas na kapangyarihan at hawak ang apat na elemento." huminto siya at tiningnan ang tubig na umaagos sa ilog.

"Ang apat na elemento ay ang tubig, apoy, lupa at ang hangin."

Pagkasabi niya non ay napaisip agad ako kung ano nga ba ang kapangyarihan niya.

Crimson Academy: The Hidden CharmDär berättelser lever. Upptäck nu