Chapter 14: The War

134 66 3
                                    

Chapter 14: The War

Bumungad sa amin ang napakalaking lugar na pinalilibutan ng mga magagara at makalumang kabahayan. Sa 'di kalayuan ay makikita mo ang mataas na kastilyo na sa palagay ko ay ang hospital chamber. Sa gilid naman nito ay ang malawak na park na pinapagitnaan ng dalawang malalaking puno.

"Ang ganda!" I mumbled.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang mga mage sa labas ng bahay nila na nag-uusap, ang mga bata naman ay masayang naglalaro sa daan.

"Dito kami nakatira nang kami ay mga bata pa. Pero ng naging estudyante na kami sa Crimson Academy ay lumipat na kami at ngayo'y tumitira na sa dormitory ng academy."

Napatingin naman ako kay Gab na nasa gilid ko na pala. Tinitingnan niya ang buong paligid.

I smiled. "Napakaganda."

Tiningnan naman ako ni Gab at nginitian ako ng mapakla.

"Maganda nga pero mas maganda sana kung nakakalabas kami rito. Mabuti ka nga at naranasan mong mabuhay ng malaya. Sa tagal naming nanirahan dito eh halos ka sulok-sulokan ng buong chamber eh alam at memoryado na namin."

Napabaling naman ako ng paningin sa ibang direksyon. Oo tama ka nga Gab. Maswerte nga ako't naranasan kong mabuhay ng malaya. Hindi kagaya ninyo na hindi man lang naranasang pumunta sa iba't-ibang lugar. 'Yong bago sa paningin niyo.

I sighed. "If I can just set you all free, gagawin ko talaga."

"Tito!"

Napatingin naman ako kay Viol na nakangiting tinawag ang isang matandang lalaki. Siguro ay nasa malapit 50 na ang edad nito.

"Viol!" bulaslas naman ng lalaki at niyakap si Viol.

"Anak." tawag naman ng lalaki kay Joseph at niyakap din ito.

Now I remember he is the head of the chamber and the father of Joseph.

"Chamber head, Bryan."

Niyakap rin naman nila Britt, Christy, at Riel si chamber head Bryan. Kung titingnan mo eh parang close na talaga sila sa isa't-isa. Napatingin naman sa akin ang father ni Joseph at inabot ang kamay sa akin.

"I see you are Alison right? I heard so much about you." wika nito kaya kinuha ko naman ang kamay niya at nakipagshake hands.

"Opo ako nga po." sabi ko at ngumiti.

"I am Bryan, the head of this chamber at alam mo naman siguro na anak ko si Joseph." sabi nito kaya napatango naman ako.

Kinuha ko na ang kamay ko at tiningnan si Joseph. Hindi sila gaanong magkahawig ng dad niya. Mas dark ang mga mata ni Joseph kumpara sa dad niya at may pagka chinito rin ang dad niya 'di gaya sakanya.

"Nalaman kong darating kayo ngayon. Nag mamanman na rin ako sa lugar at baka may makita akong kakaiba at maaktuhan ang isa sa mga dark mage."

Panimulang wika ni chamber head Bryan at tiningnan kaming lahat.

"Kapag may problema sabihan niyo agad ako. Tutulongan ko kayo at huwag kayong mag-alala. Sinabihan ko na rin ang buong mage na huwag na silang mabahala kasi gagawa na kayo ng paraan para madakip sila. Ayaw naman natin na mag panic ang lahat hindi ba?" sabi nito at binigyan kami ng isang ngiting nakaka gaan ng pakiramdam.

Ngayon ay naglalakad na kami sa iba't-ibang direksyon. Anim kaming lahat kaya by pares ang paghahanap namin para mas madali at para hindi gaanong magtaka ang mga mage dito sa loob kung bakit kami magkakasama. Baka kasi hindi natin alam na nagmamasid lang pala ang isa sa mga dark mage.

Crimson Academy: The Hidden Charmحيث تعيش القصص. اكتشف الآن