Chapter 4

1.9K 45 1
                                    


                       Freya Nicole

Gumising ako ng maaga at agad na naghanda. Nagsuot ako ng black square pants at white t-shirt na tinernohan ko ng puting rubber shoes. Minessy bun ko lang ang buhok ko at naglagay ng light make up. Ok na ang mukha ko maganda parin naman ako kahit walang make up sa mukha. Hindi na ako nag abala pang mag blazer dahil mainit ang panahon. Agad kong nilagay sa shoulder bag ko ang phone wallet at mga importante kopang gamit saka ako bumaba para magluto ng ulam.

Napili kong lutuin ang omellet at nuggets para sa breakfast ko. Pagkatapos kung magluto ay agad akong nagsimulang kumain. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako. Niligpit ko na lahat ng ginamit ko at hinugasan ang mga ito.

Tumaas ulit ako sa kqarto ko upang ayusin ulit ang sarili ko bago ako lumabas ng condo. Sinigurado ko ring wala akong nakalimutan at maayos ang condo. Lumabas na ako agad at nilock ang pinto. Sa di malamang dahilan... napatingin ulit ako sa kaharap ng Condo ko which is kay Leon. Hindi ko maiwasang alalahanin ang huli naming pagkikita bago ako tuluyang lumipad papuntang ibang bansa.

"Leo... pag ba aalis ako... may magbabago ba sa relasyon natin?" tanong ko sakanya habang nakasandal ako sa balikat niya.

"it depends" tanging sagot niya. Napabuga ako ng hangin at tumingala sa langit.

"paano kung sabihin ko pagbalik ko dito na mahal kita.... may magbabago ba?" tanong ko.

"anong bang tanong yan?" sabi niya at ginulo ang buhok ko. Tinampal ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

"tangina mo! seryoso ako magtino ka muna" singhal ko at sinapok siya sa ulo.

"oo na sorry na" sabi niya at tumingala sa langit. Nandito kasi kami sa veranda at naka indian seat sa floor. Napatingala na rin ako at pinigilan ang pagtulo ng luha ko. Mahirap. Mahirap umalis sa bansang to lalo na kung alam mong maiiwan ang mga mahal mo sa buhay lalo na ang pinaka mamahal mo.

"maybe things will change" seyoso niyang sabi. Napatingin ako sakanya at nakapikit na siya. Yeah things will change. Maybe a lot will change lalo na sa relasyong meron kami.

"pagba.... pag ba may naging girlfriend ka..... magiging ganito parin ba tayo kalapit o.... hindi na" mahina kong sabi at napayuko.

"I dont know..." mahina niyang sabi. Inangat ko yung tingin ko at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng abutin niya ang pisngi ko.

"mamimiss kita Cole... lagi mong tandaan na andito lang ako kung kaialngan mo ng tulong at lagi mo ring ingatan ang sarili mo...." sabi niya at hinalikan ako sa noo. Doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at tahimik ng umiyak sa dibdib niya.

"Mamimiss d-din k-kita.. mahal na mahal kita Leon" tanging sabi ko at pinikit na ang mga mata ko.

Pagkatapos ng gabing yun ay magkatabi kaming natulog. Pero ako tinitigan lamang siya at kinakabisado ang mukha niya. Nang gabi ring iyon ang alis ko. Agad akong nagsulat ng sulat at iniwan yun sa bed side table niya. Ayoko kasing makita siya sa pag alis ko nung mga panahong iyon. Haayyy.....

Nabalik ako sa sarili ko ng biglang tumunog yung phone ko. Nakita kong tumatawag si Leon kaya agad ko itong sinagot.

"oh bakit napatawag ka?" tanong ko at pumasok na sa elevator.

"remember I will go with you in the company. Asan ka ba?" tanong niya.

"Palabas ng Condo bakit?" sagot ko.

His Greatest Battle In Life {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon