Chapter 6

1.8K 40 1
                                    


                        Freya Nicole

Nagpipirma ako ng mga papeles ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan ang caller. Nakita ko ang pangalan ni daddy kaya agad ko itong sinagot.

"hello daddy.. bakit po? " takang tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"anak.. may problema tayo. May nagnakaw ng limang million sa companya noong nakaraang dalawang araw. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino ang may gawa nito. " sabi niya. Bigla naman akong nanigas sa sinabi ni daddy. Ano! may kumuha ng limang million! Sino naman ito at bakit niya ito ginawa.

Bigla akong nakaramdam ng pag aalala para kina mama at daddy. Pag nalaman ito ng ibang investors ay may malaking posibilidad na magsi alis ang mga naka invest sa amin. Shit!

"Daddy hwag po kayong mag aalala.
Gagawa po ako ng paraan para mahuli yung taong may gawa nun. Sisiguraduhin ko po na hindi po tayo babagsak" sabi ko.

"sige anak. salamat. "

"sige po" pagkatapos nun ay binaba ko na ang tawag. Saan ako hihingi ng tulong. Napabuntong hininga ako at napapikit ng mariin.

Biglang pumasok sa isip ko si Leon. Tama si Leon! siya lang ang pwede kong hingan ng tulong ngayon. Agad kong hinanap ang pangalan ni Leon sa contacts ko. Nang makita ko ito ay agad ko itong tinawagan. Nang makatatlong ring ay sinagot na niya ito.

"hello" sabi niya sa kabilang linya.

"Leon... kailangan kitang makausap" sabi ko sa nag aalala na tono.

"tungkol saan? " takang tanong niya.

"pls. magkita na lng tayo. Sasabihin ko rin kung ano yun" nagmamakaawa kong sabi. Hindi ko maiwasang mag alala. Malaking pera ang nawala sa amin. Kahit na kami ang top 8 richest in business world in Asia ay kawalan ang perang nanakaw. Alam ko ang hirap na dinanas nila mama bago napabilang sa top 10 richest business man and woman in Asia.

"Hey Cole! still there? " nag aalalang tanong ni Leon sa kabilang linya.

"I'm sorry. Yeah" sagot ko. Narinig ko ang buntong hininga niya bago nagsalita.

"Ok. I'll text u the address kung saan tayo magkikita" sabi niya.

"Sige salamat. " pagkatapos nun ay binaba na niya ang tawag. Maya maya ay nakatanggap ako ng text mula kay Leon. Laman non ang address kung saan kami mag kikita.

Agad akong tumayo at kinuha lamang ang susi ng kotse ko at ang phone ko. Di ko na kinuha ang bag ko. Tinago ko na lamang ito sa isang secret locker dito sa opisina ko. Agad akong lumabas pagkatapos kung iayos lahat ng gamit ko. Ni lock ko muna ang opisina ko bago ko harapin ang secretarya ko.

"Iiwan muna kita ha? ikaw na muna bahala dito" sabi ko sakanya. Agad naman niya akong tinanguan at nginitian.

Umalis na ako doon at dumeretso sa parking lot. Agad akong pumasok sa kotse ko at pinaandar ito. Pumunta ako sa street na sinabi ni Leon.

30 minutes mahigit bago ako makarating sa street na iyon medyo malayo ito at traffic pa. Pumasok na ako sa street nayun. May nakabantay na security rito at agad akong pinapasok ng tanungin ako kung ako ba si Cole. Nag dere deretso lang ako at pansin ko na sa bawat dadaanan ko ay may mga pent house sa mag kabilang gilid ng kalsada. May mga madadaanan ka ring mga bench at mga magagandang halaman. Sariwa rin ang hangin at tahimik ang paligid. Pansin ko rin na sa bawat pent house ay may mga pangalang nakalagay sa may gate.

Gaya ng nasa text ni Leon ay diretsohin ko lang daw ang kalsada hanggang sa may makita akong isang abandunadong building. Maya maya ay nakita ko na ito at medyo malayo ito sa mga bahay. Pinarada ko ang kotse ko sa gilid ng kalasada at bumaba. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Leon. Naka dalawang ring ito bago niya ulit sagutin ang tawag ko.

His Greatest Battle In Life {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon