Chapter 17

1.6K 43 2
                                    

Freya Nicole

Nakasakay kami dito sa kotse niya at kasalukuyan kaming pauwi sa condo ko. Tahimik lang kami sa loob ng kotse at ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin. Wait! hindi pala sa akin lang iyon. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at nilalanghap ang sariwang hangin na humahampas sa mukha ko.

Napatingin ako kay Leon ng maramdaman ko ang paghawak niya sa kaliwa kong kamay na nakapatong sa ibabaw ng hita ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng matamis bago muling bumaling sa harapan. Lihim akong napangiti at pinilig ang ulo ko sa kanan. Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa Condo ko. Pinarada niya ang sasakyan niya sa parking lot. Pinag buksan niya ako ng pinto kaya di na ako nag inarte pa at lumabas na. Sinara niya ang pinto ng kotse niya bago niya ako binalingan ng tingin. Umiwas ako ng tingin at napayoko. Fuck this feeling! Nahihiya ako sakanya dahil hindi ko pa nasasagot ang tanong niya. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. Parang nambibigla siya!

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na para maglakad. Nagpahila na lamang ako sakanya at tinitigan ang kanyang likod. Medyo nahuhuli lang kasi ako. Leonard Chester Buenavista. My one and only bestfriend. The only guy who make my heart beats fast. The guy who makes me smile and laugh. The guy who make me feel happy even I am down. The guy who never left me since I was child. The guy who I loved the most and can't afford to lose. This guy is my air. He is my life.

"Baka matunaw na ako diyan sa titig mo" natatawa niyang sabi at nilingon ako. Napa awang ang labi ko at napaiwas ng tingin. Hinila niya ako para magkasabay na kami sa paglalakad. Wow ano yun Cole. Nagtapat ka lang parang ang hinhin mo na ata bigla! daym!

Yumuko ako at di sinasadyang mapatingin sa magkahawak naming kamay. Napangiti ako ng lihim at hinigpitan ang pagkakahawak sakanya. Napatingin siya sa akin at sa kamay naming magkahawak. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago bitawan ang kamay ko at ilipat iyon sa bewang ko. Uminit ng husto ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Nasanay naman ako sa ganitong gesture niya pero ngayong may something na sa amin ay nagiging awkward na sa pakiramdam.

Nakarating kami sa tapat ng condo ko kaya hinarap ko siya. Nakangiti siya ng matamis sa akin at hindi ko maiwasang mahawa. Huminga ako ng malalim at tinignan siya.

"pasok ka muna... " nakangiti kong sabi. Tumango siya sa akin kaya tinype ko na ang password ko. Bumikas ang pinto ng condo ko kaya pumasok na kami. Pinaupo ko muna siya sa sala saka ako dumeretso sa kusina para kumuha ng tubig. Nilapag ko iyon sa harapan niya at naupo rin ako sa kaharap siya. Nakatingin lang siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng dalawang kilay.

'You didn't answer my question a while ago' nakangisi niyang sabi. Napaiwas ako ng tingin at pinagdikit ang dalawang kamay ko. Nagyuko ako ng ulo at hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang gusto kong sabihin.

"A-ahhmm.. k-kasi basta! " sabi ko at tinignan siya ng tingin. Lumawak ang ngisi niya sa labi at tumayo para pumunta sa harapan ko. Napaayos ako ng upo dahil sa ginawa niya. Ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko at ang namumuong pawis sa noo ko.

Napasandal ako sa upuan at nahigit ko ang aking hininga ng bigla siyang yumuko at ilapit ang mukha sa mukha ko. Isang galaw na lamang ay magdidikit na ang aming mga labi. Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla niyang hawakan ang baba ko. He touch my chin gently and looked directly on my eyes. Napatitig rin ako sa mga mata niya. Hes eyes. My favorite part of his face. I stared deeply into his eyes and I saw many emotions. Obvious doon ang saya, pagmamahal at higit sa lahat kaba. Napaiwas ako ng tingin ng unti unti niyang ilapit ang labi niya sa labi ko.

His Greatest Battle In Life {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon