Chapter 5

1.9K 40 0
                                    


                      Freya Nicole

Nakaalis na si Leon dito sa opisina ko at kasalukuyan akong nakasandal sa swivel chair ko.  Huminga ako ng malalim at duon na bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.  Bakit kasi sa dinami dami ng lalake sa mundo sa bestfriend pa ako nahulog. Gusto ko man pigilan ang sarili ko pero hindi ko na kaya dahil masyado na akong nahulog ng malalim. Hindi ko alam kung makakayanan ko bang makita siya na may ibang babaeng mahal.  Sa ngayon kailangan kong ipakita na sinusuportohan ko siya sa panliligaw niya.  No wonder maganda at inosente yung babae.  Swerte niya.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at huminga ng malalim. Kinuha ko na ang mga papeles na pipirmahan ko at binuksan ang loptop ko.  Binilin ko rin sa secretarya ko na hwag magpapapasok ng empleyado at bisita.  Sinabi ko ring ibigay na lang nila ang mga papeles sa secretarya ko.

                    Leonard Chester

Kasalukuyan akong nag pipirma ng mga papeles nang biglang may kumatok. Biglang pumasok ang secretarya kong lalake at sinabing meron daw dito ang mga kaibigan ko.  Sinabi ko rito na papasukin sila.

Maya maya ay biglang may pumasok. Napatingin ako dun at nakita ko si Jonard at Macky na magkasunod na pumasok.

"whats up bro! " bati ni Jonard

"anong ginagawa niyo rito" seryoso kong sabi.

"wala...  binisita ka" nakangiting sabi ni Macky. Napabuntong hininga naman ako at binaba ang ballpen kong hawak.

"Umalis na kayo kung mang iistorbo lang kayo" tamad kong sabi at sumandal sa swivel chair.

"Grabe ka naman parang ayaw mong andito kami" sabi ni Macky at may pahawk hawak pa sa dibdib.  Napairap naman ako at napailing sa inakto niya.

"oo nga eh!  pasalamat ka nga binisita ka namin" sabi rin ni Jonard. 

"tss...  bakit ba kasi kayo andito? " tanong ko.

"binisita ka nga namin.  Tara na! " sabi ni Jonard.

"Saan? " takang tanong ko.

"Hindi mo ba nabasa yung text ni boss? " takang tanong ni Macky.  Bigla akong kinabahan at dali daling binuksan ang cellphone ko.  Doon ko nabasa ang text ni boss sa akin.

"Shit! " mura ko at agad na napatayo.  Hinila ko na ang coat ko at tinungo ang pinto.

"Tara na! " sigaw ko sakanila at dali daling lumabas sa office.  Di na ako nag paalam sa secretarya ko at tinungo na namin ang private elevator.

"Kitamo pag di ka pa namin pinuntahan.. siguro hindi mo alam"
nakangising sabi ni Macky.  Napabuntong hininga na lamang ako at di na nagsalita pa.  Pagkabukas na pagkabukas ng Elevator ay agad kaming lumabas. Dali dali akong pumasok sa kotse ko ganun din sila Macky at Jonard.  Agad naming pinaharurot ang mga kotse namin patungong hideout.

Pagkarating namin doon ay agad naming pinarada ang mga sasakyan namin at pumasok na sa secret elevator.  Tahimik lang ako habang ang dalawa ay naghaharutan.  Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay agad naming tinungo ang Conference room.

Pagkabukas namin ng pinto ay bumungad sa amin ang tahimik na paligid.  Nakadukduk sa table si Mark at may kinakalikot naman si Josh sa cellphone niya. Buti na lang wala pa si boss.  Umupo ako sa tabi ni Josh at sinilip ang ginagawa niya.

"I love you too baby😘" basa ko sa message niya.

"did I tell u to read it? " malamig niyang sabi.  Nginisian ko lamang siya at inilingan.  Inirapan ako nito at bumalik sa pag kalikot sa cellphone niya.  Huminga ako ng malalim at pinanood na lang si Josh at Macky. 

"Hwag ka ng magselos babe.  Kiss kita" nakangiting sabi ni Macky kay Jonard

"Yuck!  umayos ka nga!  bakla ka talaga noh! " sabi naman ni Jonard.

"Hoy hindi ah! baka ikaw! " sigaw naman ni Macky!

"Putangi---" naputol ang sasabihin ni Jonard ng biglang bumukas ang pinto.  Ang nakadukduk na si Mark ay biglang umayos ng upo at ang dalawang nagbabangayan naman ay tumigil na samantalang kami naman ni Josh ay umayos na rin ng upo. 

Dumeretso si Boss sa gitna at nilapag ang isang card.  Inabot ito ni Josh at tinignan.

"You have a mission.  It's simple" panimula niya.  Tinignan ko naman ang card at binasa ang laman nito tinignan ko na rin ang mukha ng misyon namin.

Salvador De lavera.  Well known as a successful  Business man in Asia.  He is also the top 10 richest business man in Asia.

Salvador De lavera.  Kilala ko ito.  Isa ito sa mga may share sa Sanchez company.

"Bro!  your spacing out" seryosong sabi ni Mark.

"Sorry.  What is it again? " tanong ko at umayos na ulit ng upo.

"I want you to catch that old man.  This will be one day mission.  Magsisimula kayo bukas. Today is May 8 right.  May 10 ipapasok ang mga shabu drugs marijuana at iba pang ipinagbabawal na gamot dito sa bansa. Gusto kong mapigilan ninyo agad ito bago pa sumapit ang araw kung kailan darating ang mga drugs.  Also that old man stole 5 million pesos in Sanchez Corp.  the main Company.  Ginamit niya ito para pambayad sa mga binili niyang ipinagbabawal na gamot.  That old man also plan to stole again another 3 million from Villanueva Company and I want you also to stop that. I know you can do this mission in one day. " mahabang paliwanag niya sa amin.  Natulala ako at parang nablanko ang isip ko.  If Mr.  De lavera stole 5 million from Cole's company....  posibleng malalaman nila agad ito dahil sa laki ng binawas na pera sa companya.

Nagsimula na akong makaramdam ng pag aalala para kina Cole.  Mabait naman ang pamilya niya pero bakit ginawa ito ng walang hiyang taong to.  I swear maghihirap siya.  Napakuyom ang kamao ko at lumalim ang paghinga ko.

"Buenavista.  Protect your girl and her family.  There will be a big posibility na may mangyayaring masama sakanila. " biglang sabi ni Boss.  Napatingin ako sakanya at tinanguan siya. 

"The meeting is done.  Do a plan now.  I will be checking it later" malamig niyang sabi at tumayo na saka lumabas na ng pinto.

I am happy for boss.  Saludo ako sakanya dahil nalagpasan niya ang mga pagsubok niya sa buhay at sa relasyon nila ni Ms.  Fire.

Napatingin ako sa apat kong kasama na naghahanda para sa planong gagawin.  I smiled sadly because I feel guilty.  Na gui guilty ako dahil hindi ko sinasabi ang kalagayan ko. They are my bestfriends after all.

Napahawaka ko sa ulo ko at napadaing ng kaunti ng kumirot ang ulo ko.  This familliar head ache.  Inaatake ulit ako.  Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin.

"Bro!  you ok" tawag sa akin ni Josh at tinapik ang balikat ko.  Tinignan ko siya at ang mga kasama ko na seryosong nakatingin sa akin.

"y-yeah...  don't worry" sabi ko at nginitian sila. 

"Let's start" pag aaya ko sakanila at dahan dahang tumayo.  Nagsitanguan naman sila at pumunta sa sari sariling pwesto.

    
                          Clent Joshua

"Dude!  sa tingin ko may tinatago sa atin si Leon" seryosong sabi ni Mark habang nakatingin kay Leon na seryoso sa pagbabasa.  Napatingin rin ako kay Leon at tinignan ito ng mabuti.  Medyo namumutla ito at napahawak sa ulo. Alam kong may mali. 

"Yeah your right.  Saka na natin alamin kung ano yun pagkatapos ng misyon" seyoso ko ring sabi.  Tumango naman ito sa akin at bumalik sa pwesto niya.  Sinimulan ko na ang plano namin at nag handa narin sina Jonard Macky Mark at Leon.

••••••••~~~~~~~~•••••••~~~~~~••••••~~~~~

Sorry for the long update😂

Pls do vote and comment your thoughts about this story. Thank u😄

His Greatest Battle In Life {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon