Chapter 7

1.7K 39 0
                                    


                      Freya Nicole

Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Agad akong napabangon pero napahawak ako sa ulo ko nang biglang umikot ang paningin ko. Para akong papatayin sa sakit ng ulo ko. Tangina! nagsisisi na ako kung bakit uminom pa ako ng marami.

Medyo omokay na ang sakit ng ulo ko. Nilibot koang tingin ko at napagtanto kong nandito ako sa loob ng kwarto ni Leon. Pinilit kong inalala ang mga nangyari kahapon. Nagkita kami ni Leon sa hideout nila at may higad na lumapit sakanila. Nag usap kami tungkol sa problema ko at pagkatapos ay umalis na ako na masama ang loob ko kay Leon. Dumeretso ako ng bar at uminom hanggang sa magkita kami ni Andy. Ang kaibigan ko. Hindi ko na maalala kong ano pa ang mga sumunod na nangyari.

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas ito at pumasok si Leon habang seryosong naka tingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Napansin ko rin na iba na ang damit ko ngayon. Shit! siya ba nag palit sa akin?!

"Your awake. Get up I already prepare our breakfast" sabi niya at tipid na ngumiti. Hindi ako tumingin sakanya pero nagsalita ako.

"Sino nagpalit sa akin ng damit? " mahinahon kong tanong. Hindi pa rin ako nakatingin sakanya at nakayuko lamang. Naramdaman kong lumapit siya sa tabi ko habang nakatayo parin.
"Don't worry.. I called Aling Niña" sabi niya. Napahinga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Aling Niña ang pangalan ng pinaka matagal na kasambahay nina Leon. Ito rin ang pinagkakatiwalaan ng pamilya nila.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at hinarap siya. Muntik pa akong matumba kung hindi niya lang ako naalalayan. Agad akong lumayo sakanya at hinarap siya ng seryoso.

"Leon salamat sa pag uwi sa akin ng ligtas. Uuwi na ako sa condo ko. Una na ako. Geh" malamig kong sabi.
Dali dali akong umalis sa harapan niya at di siya nilingon. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto niya ng may pumigil sa braso ko. Hindi ako lumingon at nanatiling nakaharap sa may pinto.

"Why are you avoiding me? did I do something? " tanong niya at mababakas doon na nahihirapan siya sa sitwasyon namin ngayon. Nanatili akong tahimik at di nagsalita.

Pinaharap niya ako sakanya pero nag iwas lang ako ng tingin. Kahit isang araw lang gusto kong makalimot sa sakit. Gusto kong sumaya ng isang araw. Gusto ko muna ayusin ang mga problema ko.

"Plss... Cole. Nakiki--"

"Pls. Leon just one day. Give me a break. Isang araw lang" pagpuputol ko sakanya. Agad kong inagaw ang kamay ko at tumakbo palabas ng Condo niya. Agad akong pumasok sa Condo niya at dali dali akong nagtungo sa kwarto ko para mag ayos.
Pagkatapos ay lumabas na ako at dumeretso sa kotse ko. Salamat naman at hinatid niya itong kotse ko dito. Nakita ko na nakalagay sa loob ng dash board ang cellphone ko. Tinignan ko ito at may mga miss call ako galing sa unknown number. Tinignan ko rin ang text ng unknown number.

Cole where are you?
Cole umuwi ka naba?
Cole this is Andy.

At marami pang text na galing sakanya. Sinave ko ang no. ni Andy sa contact list ko saka ko siya minessage.

Don't worry about me. Nakauwi ako ng ligtas.

Pagkatapos kong isend yun ay agad kong pinatakbo ang kotse ko papuntang Companya.

                   Leonard Chester

Umalis na kanina pa si Cole. Shit! Leon kita mo ginawa mo. Napahinga ako ng malalim at nagpasyang dumeretso sa companya ni Cole. Hindi para kausapin siya kundi para tignan siya bago ako umalis para gawin ang misyon ko. Pagkarating ko roon ay nagulat ako ng makita ko si Cole kasama ang isang lalake. Nakahawak ito sa bewang ni Cole at nagtatawanan sila habang papasok sa naka paradang kotse sa harap ng entrance.

His Greatest Battle In Life {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon