Chapter 21

1.6K 44 0
                                    

Freya Nicole

Nagising ako sa isang di pamilyar na lugar. Napatingin ako sa kamay ko ng may humawak dito. Nakita ko si Mark na mababakas ang pag aalala sa mukha nila. Napakurap kurap ako hanggang sa ma realize ko ang mga nangyare. Napabangon ako bigla kaya agad na napatayo si Mark at sina Josh na nandito rin pala.

"Si Leon! " sigaw ko at dali daling bumaba sa kama. Nang makatayo ako ay muntik na akong matumba pero hinawakan ako ni Mark.

"Calm down Cole. You need to rest." seryoso niyang sabi. Sasagot na sana ako ng may pumasok. Nagmamadaling lumapit si tita sa akin at hinawakan ako.

"Nicole. Are you ok now? Take a rest first. " sabi niya. Naiiyak na umiling ako.

"Tita. Gusto ko siyang makita pls. " sabi ko sa garalgal na boses. Napaiyak na ako ng tuluyan ng bumuntong hininga si tito.

"But you need to rest. " malumanay na sabi ni tita. Umiling iling ako habang nakahawak sa kamay niya.

"T-tita pls. I really want to see him" umiiyak kong sabi. Inalalayan ako ni Mark na nasa likod ko.

"Ok but pls. calm down first. Macky, call the doctor pls. " sabi niya. Pinaupo nila ako sa kama at inabutan ng tubig. Agad ko iyon kinuha at uminom. Maya maya pa ay pumasok na ang doctor at chineck ako.

"Your ok now miss but I suggest that you should take a rest first" sabi niya. Tumango na lamang ako at nahiga sa kama. Hinawakan ni tita ang kamay ko habang nakaupo sa tabi ko.

"Nicole. Tignan mo nalang siya mamaya ha? " sabi ni tita. Wala sa sariling tumango ako.

"Tita.... ano pong nangyayari kay Leon? Bakit sabi ng doctor, kailangan na daw niyang maoperahan? Bakit sabi ng doctor nasa critical condition na siya? " wala sa sarili kong sabi. Humigpit ang hawak ni tita sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Naluluha siya at mukhang pinipigilan niya ang pag patak ng luha niya.

"Gusto kong sabihin pero.... pero ayokong pangunahan ang anak ko" nakayuko niyang sabi. Napapikit ako at tahimik na lumuha. Lumuwag ang hawak ni tita sa kamay ko pero di ko parin minumulat ng mga mata ko.

"I'm sorry iha." huling narinig ko bago ang pagbukas at sara ng pinto. Nanatili akong nakapikit hanggang sa tinangay na muli ako ng dilim.

Naalimpungatan ako ng may yumugyug sa akin. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at tumingin sa taong gumising sa akin. It was Macky. Umayos na ang paningin ko kaya naupo ako sa kama at napadako ang tingin ko sa hawak niyang plastik.
"You should eat. After that we'll go to him. " seryoso niyang sabi. Napatango na lamang ako at hinayaan siyang ipag handa ako ng pagkain.

Minsan lang mag seryoso o maging seryoso si Macky. He's known for being a bubbly and happy go lucky man. Kaya sa tuwing seryoso siya ay medyo naiilang ako sakanya. Hindi kasi ako kumportable. Well ngayon, kinakaya ko pa.

Nagsimula na akong kumain ng tahimik. Tinignan ko ang paligid ko at kaming dalawa lang ang nandito. Tinignan ko si Macky at mukhang na gets niya ang tingin ko na ibinibigay ko sakanya.

"They are in Leon's room" sabi niya kaya tumango ako.

"Kumain ka na? " tanong ko. Tumango siya sa akin at ngumiti ng bahagya. Hindi ko na muli siyang tinignan at dali daling inubos ang pagkain ko. Gustong gusto ko na talaga siyang makita.

His Greatest Battle In Life {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon