Chapter 22

1.6K 34 0
                                    

Freya Nicole

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng hilik. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad agad sa akin ang nakakasilaw na ilaw. Napapikit pikit pa ako bago ako tuluyang nakapag adjust sa ilaw.

Tinignan ko ang katabi kong si Leon at mahimbing pa rin ang tulog niya. Nakayakap siya sa akin kaya hindi ko agad makita kung sino ang taong malakas ang hilik. Bwisit! Nakakainis! Istorbo ng tulog. Pinikit ko muli ang mga mata ko pero wala eh! ang lakas makahilik nung taong hindi ko alam kung sino.

Gumalaw ako at hindi ko na naisip na mag dahan dahan dahil sa inis. Humarap ako sa likod ko kung saan nang gagaling ang malakas na hilik. Napasapo ako sa noo ng makitang sobrang himbing ng tulog ni Jonard sa sofa habang humihilik. Naupo ako sa kama at napapikit ng mariin.

"What's wrong love..." napamulat ako ng mata at napabaling ang tingin ko kay Leon na nagising dahil sa bigla kong paggalaw kanina. Naiinis na tinignan ko siya. Bwisit kasing hilik yan! Ayoko sa lahat yung may mga naririnig akong magpapagising sa akin.

"Bwesit kasi si Jonard! Ang lakas ng hilik!" naiiyak kong sabi. Hindi ko maiwasang maging ganito kapag na istorbo ang tulog ko. You can't blame me cause I'm really like this.

Napatingin din siya kay Jonard na natutulog sa sofa. Napabuntong hininga siya at hinila ako pahiga. Pinunasan niya ang mata ko ng may tumulong luha sa mata ko. Siniksik ko na lamang ang mukha ko sa leeg niya at sinubukang matulog. Nakapikit lang ako at ramdam ko ang paghimas ni Leon sa likod ko.

"Sleep now love." bulong niya.

"I can't" naiinis kong sabi. Napatawa siya kaya agad akong humiwalay sakanya at tinignan siya ng blanko. Napatigil siya sa pagtawa ng makita ang reaksyon ko. Inirapan ko siya at tumayo sa kama. Agad niyang pinigilan ang kamay ko at napaupo siya sa kama.

"Where are you going. Madaling araw pa lang.." takang sabi niya. Inirapan ko muli siya at hinila ko na ang kamay ko. Nakawala ako sakanya kaya agad akong lumapit kay Jonard na mahimbing ang tulog at malakas ang hilik. Nasa sahig sina Mark, Macky at Josh. May inilatag silang kutson at may mga kumot din sila.

Niyugyug ko si Jonard at bigla siyang tumigil sa paghilik saka medyo napamulat ng kaunti. Mag sasalita sana ako pero muli ulit siyang natulog. Nagpapasalamat ako at hindi namuli siyang humilik. Tinignan ko ang orasan at alas kwatro na ng madaling araw. Napabuga ako ng hangin at bumalik sa kama. Nakatingin lang si Leon sa akin pero agad akong niyakap ng makahiga kami.

"Are u mad" sabi niya habang nakasiksik sa leeg ko.

"Nope. Naiinis ako dahil hindi ako makatulog." mahina kong sabi. Hindi siya umimik bagkus ay hinalikan niya ako sa labi at muling sumiksik sa leeg ko. Napangiti ako ng matamis at napapikit. Hinigpitan ko rin ang pag kakayakap sakanya. Maya maya pa ay unti unti na akong nakatulog.

Leonard Chester

Alas diyes na ng umaga pero sobrang himbing parin ng tulog ni Cole. Nakaunan siya sa braso ko habang nakayakap sa akin. Ang grupo naman ay katatapos lang na kumain at maligo sa cr.

"Hanep! tulog na tulog si Cole ah!" natatawang sabi ni Jonard habang nag sasapatos. Pairap ko siyang tinignan bago nag salita.

"It's your fault dude!" seryoso kong sabi. Nagtataka siyang nagpukol ng tingin sa akin.

"Bakit ako?!" nagtataka niyang sabi. Binigyan ko siyang ng masamang tingin at nag salita.

His Greatest Battle In Life {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon