Chapter 31

1.5K 36 0
                                    

Freya Nicole

"She's fine now, dala lang ng gutom at pagkahilo kaya siya nawalan ng malay" rinig kong sabi ng doctor. Minulat ko ang mata ko at puting siling ang bumungad sa akin.

"Excuse me" muling sabi ng doctor. Tinignan ko ito hanggang sa lumabas siya. Nilibot ko ang paningin ko at nandito ang buong gang.

"Cole!" tawag ni Jonard. Tumingin silang lahat sa akin. Agad akong dinaluhan ni Macky na malapit lng sa akin.

"What happened?" tanong ko.

"You passed out. You should eat to gain your strenght" sabi nalamang niya. Tinulungan ako ni Jonard na makaupo ng maayos sa hospital bed samantalang inayos naman ni Macky yung pagkain ko.

Gusto ko man silang tanungin kung nagising na si Leon pero may pumipigil saakin. I don't know why. Kumain na lang ako ng tahimik at di na  umimik. Pagkatapos kong kumain ay pinag pahinga nila ako saglit.

"Guys...." tawag ko sakanila. Tinignan nila ako at hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Ilang oras na akong nandito sa loob ng kwartong to?" tanong ko.

"One hour." tipid nasagot ni Josh. Napatango na lamang ako at napabuntong hininga.

"M-may sinabi ba ulit ang doctor sa inyo na tungkol kay Leon noong nawalan ako ng malay? pag aagaw ko uli ng atensyon nila.

"Well, the doctor says that we still have to wait and they're going to monitor him every hour." napatango na lang uli ako.

"I want to see him." mahina kong sabi.

"You sure?" tanong ni Mark. Tumango ako sakanila. Tumayo na ako sa pagkakaupo at magkakasama kaming lumabas sa kwartong inokyopa ko.

Hindi malayo ang kwartong ginamit ko sa kwarto ni Leon. Dumungaw muna ako sa bintana at ganun din sila. Nasa loob sina tito at tita. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

Lumingon sila tito at tita sa amin at malungkot na ngumiti. Lumapit ako sa kinaroroonan no Leon at umupo sa kanang bahagi. Agad kong hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. Tinignan ko si tita at tito na nakatingin sa akin.

"Hindi pa po ba siya nagigising?" mahinang sabi ko at sapat na para marinig nila.

"Hindi pa nga eh. I hope he'll be awake soon." malungkot na sabi niya sa akin.

"Umuwi na muna po kayo para makapag pahinga. Kami na pong bahala dito" nakangiti kong sabi.

"Iha.... kagagaling mo lang sa stress. Ok lang ka---" pinutol ko angsasabihin ni tita nung agad akonglumapit sakanya at niyakap siya.

"Tita... ok lang po ako. Mag pahinga po kayo ni tito. Ayoko po na nakikita kayong nai-stress sa mga nangyayari. Ayoko pong may mangyaring masama sa inyo ni tito" malumanay kong sabi habang nakayakap parin sakanya. Ginantihan nito ang yakap ko at hinimas ang likod ko.

"Salamat iha.... Nagpapasalamat ako na andito ka. Sana hwag kang sumuko." malungkot nitong sabi. Humiwalay ako sa yakap at hinawakan ang kamay ni tita. Tito and and the gang are just watching us.

His Greatest Battle In Life {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon