Chapter 22

5.8K 36 1
                                    

 
  "Eh, bakit wala namang card? Tsaka bakit wala ring roses? Grabi naman yang secret admirer mo Yashi.. Kulang-kulang magbigay ng regalo." Daldal ni Anne.

  "Anne, bili nalang tayo ng lunch at dun tayo sa garden kumain." Hiling niya kay Anne.

  "Sige, gusto ko yan! Makikita dun si crush.." Pabulong lang nito sinabi yong crush.

Pagkabili ng lunch nila ay agad silang nagtungo sa may likod ng school, andun kasi ang garden.

  "Yashi, ano nga pala laman nung box?" Curious na tanong ni Anne. Nagsisimula na itong kumain, samantala siya ay kanina pa naco-curious sa box na hawak. May lock kasi kaya di niya mabuksan.

  "Try mo birthday mo.." Sabi nito.

  "Na-try ko na, pati name ko ay wala parin." Napabuntong-hininga nalang siya ng ...

  "Click!"

  "Wow! Ano'ng password?" Namangha rin ang kasama niya ng bumukas ang box.

  "Ahm... Pussyko." Nakangiwing sagot niya sa kaibigan.

  "Hanoo? Ikiniskis mo muna yan sa puki mo?! Eww!" Nandidiring turan nito. Binatukan na niya ito.

  "Pussyko, ang password. As in letter P-u-s-s-y-k-o. At hinaan mo nga yang boses mo."

  "THD daw galing? Singsing! Nagpo-propose na sayo bruha!"

Di niya pinansin si Anne at sinuot ang singsing. Emerald gems ang bato nito. Ang birthstone niya...

"Hala, ayaw matanggal." Sambit ni Yashi ng sinubukan tanggalin ang singsing.

  "Lagot na, ayaw talaga matanggal. Anne!! Help me!" Maiiyak na siya habang panay ang hila sa palasingsingan niya.

  "OA nito. Di wag mong tanggalin!" Napapantastikuhang saad ng friend niya.

  "Hindi pwede.. Baka makita ni kuya.. Lagot talaga ako sa kanya. Waaahh!!"

  "Sino? At kelan ka pa nagkaroon ng kuya bruha ka?"

  "May baby oil ka? Akina." Namumrublema paring tanong niya kay Anne.

  "Tika, bat parang may naamoy ako.." Takang tanong niya.

  "Wala naman ah.. Baka may natapakan kang tae ng aso, ahahaha- aray!" Binatukan niya ito.

  "Mabangong amoy. Amoy ni... Wait, bakit naamoy ko si kuya?" Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang sumagi sa isip niya si Alvin. Tumayo siya't nagpalingon-lingon sa paligid.

  "Hoi, sinong hinahanap mo?" Takang tanong rin ni Anne.

  "Hoi kuya, andito ka ba?!" Sigaw na niya. Pero wala naman siyang narinig na sagot.

Nakiramdam siya sa paligid, may tatlong estudyante sa may likod nila. Isa sa may kanan na nagbabasa. Pero yong amoy nangagaling sa may sampagita flowers.

  "Hmm.. Bulaklak lang pala. Pero nakapagtataka, bakit si kuya agad ang pumasok sa isip ko?" Di mapakaling bulong niya.

Di niya namamalayang lumalapit na pala siya palapit sa may mga sampagita.

  "Oi, saan ka pupunta?" Ani ni Anne.

  "Sandali lang, Anne." Tugon niyang di tumitingin sa kaibigan.

Dahan dahan siyang lumapit sa may sampagita at habang papalapit siya ay bigla siyang kinabahan. Kaya ang ginawa niya, tumakbo siya at tinalon ang mga bulaklak.

  "Ouch!!" Sigaw ng baritonong boses pagkalapag ng paa niya sa lupa.

  "Aaahhh!!" Sigaw rin niya dahil sa gulat. Nagtatalon siya't nagsisigaw.

  "Hoi, Yashi anyari sayo dyan?" Nababahalang napatakbo narin si Anne sa kanya.

  "Sweetheart, easy.. Ako to, muntik mo na akong lumpuhin." Pinigilan siya ni Alvin sa pagtatalon.

  "Kuya?! Ekaw?!" Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa binata. Naka sumbrero ito ng pang sundalo.

  "Anong ginagawa mo dito kuya? Nakikipag hide and seek? Muntik na akong atakihin sa puso. Kala ko kung ano nang natapakan ko.. Okay ka lang ba?" Tsaka niya naalala na nasaktan nga pala ito.

  "I'm fine, thank you." Sarkastikong sagot ng lalaki, pinagpag ang damit nito.

  "Pasensya na kuya. Bakit ka kasi nagtatago dyan kuya?" Sita niya rito.

"Gusto lang naman kita makita, sweetheart." Pilyong sagot into.

  "Ayun, bat di ka pumunta sa room ko? Nag-ala stalker ka pa kaya yan napala mo." Naniningkit ang mga matang inayos niya ang gusot sa damit ng binata.

  "I really miss you sweetheart. Kaya't di na ako nakapagpigil at napuntahan na kita. Alam mo bang in the middle of meeting ako ng bigla kitang maisip-"

Naputol ang sinasabi ni Alvin nang sunggaban niya ito at hinalikan sa mga labi. Ipinalibot niya ang mga kamay sa liig nito at pinalalim ang halik kaya't pareho silang napaungol.

  "Hoi, ano yan? Mala-Jadine na iksena? Makapag laplapan kayo parang wala kayong audience dito.." Nanlalaki ang mga matang sabi ng friend niya.

  "Ahmmm.." Ungol niya ng bumitaw sa halik pero hinabol ng binata ang lower lip niya at kinagat bago pakawalan.

  "Sweetheart, l missed you.." Anas ng lalaki tsaka siya inakbayan.

  "Hi! I'm her boyfriend." Sabi nito sa friend niya. Napasinghap sila pareho ni Anne

  "Anong boyfriend?" Napatingala siya kay Alvin.

  "Kunwari ka pa Ms. President. Sinunggaban mo nga ng halik eh. Sige batsi muna ako, Baka nakaisturbo na ako, hehehe." Sabi ng friend niya at iniwan nga sila.

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now