Chapter 57

3.8K 37 4
                                    


  "What's happening here?"

  Lahat kami napalingon kay Dra. Alliana. Humahangos itong tinungo ang anak at sinipat ang sugat ni Alvin sa gilid ng labi.

  "Mom.."

  "Aba't pumunta ka lang dito sa pamamahay ko para lang saktan ang anak ko?! How dare you?!" Galit na sita ng doktora kay Mr. Aragon. Nanlilisik ang mga matang tinapunan niya ito ng masamang tingin tsaka hinaplos ang pisngi ng anak.

  "Anak?! So, anak mo na ngayon? After you left us and be with your lover. May hiya pa bang natitira sayo ha my ex wife?!"

  "Dad! Please-"

  "Ah. Ako pa ngayon ang dapat mahiya. Did you forget? Inanakan mo ang ex girlfriend mo habang kasal pa tayo! Mga taksil kayo!" Gigil na nilapitan ni doktora si Mr. Aragon at walang babalang sinampal nito ang dating asawa.

  "Oh my.." Nanlalaki ang mga matang sambit ni Yashi.

  "Hayop ka! May narinig ka ba sakin nang pagtaksilan mo ko, ha?! Wala! Because l love you and our son! That's why l left at pinalabas kong sumama ako sa ibang lalaki para di mo na ako hanapin! Para maging malaya kayo ng ex girlfriend mo!" Umiiyak na hayag ni doktora.

  "What?" Di makapaniwalang sabi ng may edad na lalaki.

  "Oh, oh.. A confrontation and revelations.." Naiiling na wika ni Jet habang pinapanood nito ang tatlo.

  "Agnes was already pregnant before our wedding Alliana. Nilihim niya sakin yon dahil ayaw niyang itali ako dahil lang magkaka anak kami. And you knew the history about the set up ng relasyon namin. Ikaw ang mahal ko Alliana but you left us at sumama-"

  "Greg was my bestfriend! Siya ang tumulong sakin para makabangon. Lagi nakaalalay pag kelangan ko ng masasandalan. Greg was the brother l never had.." Lalong napaiyak ang doktora ng banggitin nito ang pangalan ng matalik na kaibigan.

  "Alliana.." Akmang aabutin ng Daddy ni Alvin si doktora nang umatras ang babae.

  "He was gone. May lung cancer siya.. Ni Hindi ko man lang nasuklian ang kabutihang ginawa niya sakin... Inalok niya ako ng kasal nung taniman ng doktor ang buhay niya.. Pero di ko kayang tuluyang makipag divorce sayo..." Napahagulhol na ang doktora at napaupo sa may sofa.

  "I'm so sorry, Honey.. I mean Alliana." Napakamot sa batok ang may edad na lalaki.

  "Mahal na mahal parin kita Alliana. Simula nang umalis ka, nawalan narin ako ng enteres sa mga babae.." Hayag ng lalaki.

  "And now, a love confession.." Nakangising sabi ni Jet. Tinapunan ito ng matalim na tingin ni Alvin.

  "Kuya..." Nasambit na lang niya.

  "What happened? Bat bigla ka nalang sumugod rito para saktan si Alvin?" Tanong ng doktora sa dating asawa. Nagdilim na naman ang mukha ng lalaki.

  "Etong anak mo, napaka irresponsible! Hindi na nga pumapasok sa opisina, dinungisan pa niya!" Bumalik na naman ang galit nito.

  "What do you mean Dad?" Takang tanong ni Alvin sa ama.

  "Artista ka lang naman ng buong kompanya. The CEO's son, isang cradle snatcher, a child abuser, nambuntis ng isang bata.. Ganun lang naman ang number one topic sa buong opisina araw araw.." Tiim-bagang na hayag ng lalaki. Napasinghap silang lahat maliban kay Jet.

  "What? Hindi totoo yan!" Napatayo ang doktora sa nalaman tsaka niyakap ang anak nito.

  "Yan! Imbes na pagalitan mo, kino-comfort mo pa. Pano magtitino yan?!" Dumagundong ang boses ng lalaki sa buong sala.

  "Stop shouting! Lalo mo lang pinalalala ang sitwasyon. Bakit hindi ka nagpaliwanag sa kanila?" Sita ng doktora sa lalaki.

  "Paano ko gagawin yon kung di ko mahagilap ni anino ng magaling na lalaking yan?!"

  "Aba't hoy-"

  "Mom, Dad, please..." Ginulo ni Alvin ang buhok nito tsaka siya tiningnan.

  "Ayusin mo ang gulong ginawa mo Alvin. At magpakasal na kayo para di kayo natsi tsismis. Ekaw babae, kung mahal mo si Alvin, help him and do something! Hindi yong puro pagpapasarap lang alam mo!" Sabi nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nanunuri ang tingin.

  "I'll wait outside." Yon lang at naglakad na palabas ng sala ang may edad na lalaki.

  "Jet, bat hindi mo man lang sinabi sakin ang tungkol dito?" Namumurong tanong ni Alvin kay Jet nang tuluyang makalabas ang Daddy nila.

  "What? Elang beses kitang tinawagan. But you just cancelled all my calls."

  "Pano kasi, puro kalukuhan ang bungad mo sakin? Sana nagtext ka man lang-"

  "I did. Masyado ka lang  busy sa honeymoon niyo. Hahaha." Lalo pa nito inasar ang nobyo niya.

  "Kuya Jet.." Pigil niya rito.

  "Anyway, Dad was right. Magpakasal na kayo para wala ng false humor.. Or false humor nga ba?" Nakangising tanong nito kay Alvin.

  "Jet, that's enough. Magbihis ka na anak.. Baka bugahan ka pa ng apoy ng Daddy mong Dragon."

  "Hahaha. He's a real dragon in this era, Tita Alliana." Natatawang sabi ni Jet sabay napapailing.

  "He really changed. Hindi naman yon ganun nung nagsasama pa kami.." Wika ng doktora. Napabuntong-hininga ito tsaka tinapik ang balikat ng anak.

  "Mommy Doc, kasalanan ko yata lahat. Ilang beses akong inalok ng kasal ni kuya-hubby but l always declined. Waaahh !!" Sabi niya, tsaka humagulhol.

  "Sweetheart.." Nilapitan siya ng nobyo pero natigil ito ng may bumusina sa labas.

  "Alvin.." Pigil ng doktora sa anak sabay yakap at alo sa kanya.

  "Sweetheart, aayusin ko to okay? Tahan na." Worried na sabi nito tsaka nagmamadaling tinungo ang kanina pa bumubusinang kotse ng Dad nito.

  "Alis na kami baby Yashi. Tita.."

Tinanguan lang ito ng doktora.

  "Ingat kayo Jet. Wag mong hayaan saktan ni Tito si Alvin.." Nasabi niya lamang. Kumindat lang ang binata tsaka tuluyang lumabas ng sala.

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now